Chapter 20

155 4 0
                                    

Kahit pagod ang katawan ay sinikap ni George na gumising nang maaga para makapag-jogging. She wore her jogging outfits, nadatnan niya ang ina sa kusina.

"Morning Mom, it's too early for you to wake up and cook besides may mga kasambahay naman tayo to do that."

"Dalawa at kalahating taon ka lang nawala George, parang hindi kana nasanay sa daily routine ko." Ani Veronica. Nakaharap ito sa chopping board at naghihiwa ng sibuyas, umangat ang ulo nito sa kanya nang matapos sa ginagawa, "magjo-jogging ka?"

"Yeah, I miss running outside at this early. Iba parin ang simoy ng hangin dito sa atin, Mom."

"Sinabi mo pa. Kamusta kayo ni Glendon nag-usap na ba kayo?"

Umiwas siya ng tingin sa ina, yumuko at nagkunwari na inayos ang shoelace ng running shoes.

"Gotta go, Mom. Hmmm..." she inhaled the smell of the dish, "mukhang masarap 'yan. I'll be back before breakfast, bye mother!"

She run through outside, napapailing na lamang ang ina. Pagkalabas ng bakal na gate ay mabagal muna siyang tumakbo. Her shoulder length hair was tied up, naka fitted sleeveless at jogging pants siya ang sariwang hangin na humahampas sa balat ang sumalabong sa kanya. Medyo may kadiliman pa dahil alas singko pa lang ng umaga. Tumuloy siya sa main highway na hindi kalayuan sa masyon. The place was safe enough for her to jog alone. Tinalunton niya ang kahabaan ng highway sa mabagal na pagtakbo.

She stopped the area kung saan noon ay nagkasabay sila ni Glendon. Nanumbalik sa alaala niya ang mga nangyari. Napapikit siya nang mariin, she wanted to forget everything but memories of the past keep on dwelling in her mind. Bumukas ang mga mata niya at ipinagpatuloy ang pagtakbo, she run so fast as she could to feel the tiredness. Malapit na siya sa daan kung saan marami ang nagtataasang punong kahoy nang makatanaw siya ng dalawang bulto ng tao.

Unti-unting binagalan niya ang takbo, hanggang sa mapagsino ang dalawang tao. I was no other than but Glendon and his girlfriend. Masayang nag-uusap ang dalawa, nakatigil ang mga ito kung kaya't nagdadalawang isip siya kung tutuloy ba o babalik na lamang.

She was about to turn her back away nang makarinig ng tawag.

"Georgina, is it you?" Yumie shouted.

Napilitan siyang ipihit paharap ang katawan. Kiming ngiti ang kanyang ibinigay. Si Glendon ay hindi man lamang nagpakita ng interes sa kanyang presensya. Si Yumie ay tumakbo sa kanyang harapan.

"Wow! I never thought na makikita kita rito. Dito kami madalas mag-jogging ni Glendon and I like this area, hindi matao."

Hindi alam ni George kung maiinis o ano. Isa lang ang alam niya nang mga sandaling iyon, nasasaktan siya. Sobrang sakit ng dibdib niya dahil ang lalaking mahal niya ay pag-aari na ng iba. Mabait si Yumie, ayaw niyang mambastos.

"Ah ganon ba, mabuti naman kung ganon." Simpling tugon niya na sinabayan ng pilit na pagngiti.

"Let's go sweetheart."

Pareho silang napalingon ni Yumie kay Glendon, ngunit ang mata nito ay kay Yumie nakatingin. Yumuko siya para itago ang nagbabadyang mga luha, nang muling mag-angat ng ulo ay nagpaalam na si Yumie. Tumakbo ito palapit kay Glendon, he hold her hands at tumakbo palayo sa kanya habang magkahawak kamay ang dalawa.

Nanatili siyang nakatayo hanggang sa maupo na lamang siya sa gitna ng daan at humagulgol ng iyak. Sapo ng dalawang palad ang luhaan niyang mukha. She just witnessed the love of her life slowly fading away... in her world.

Tama nga ang kasabihan, ang pagsisisi ay palaging nasa hulihan. At ngayon niya napagtanto kung gaano niya hindi pinahalagahan ang pagmamahal noon ni Glendon. Now, she realized how much she loves him. Hindi pala niya kaya na makita itong masaya sa piling ng iba.

SeñoritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon