Chapter 14

107 3 0
                                    

Sinulong niya ang init ng araw, she doesn't mind kung mangitim man ang balat niya. Patungo siya sa mangahan, sabi ng mga pinsan ni Glendon ay naroon daw ito at tumutulong sa pag harvest. Guide niya ang isang tauhan ng Hacienda patungo sa kinaroonan ni Glendon.

Malakas ang kabog ng dibdib niya at hindi niya alam kung bakit.

"Mam, nandito na po tayo. Andon ho yata si sir, sa dulo."

"Sige po, salamat sa paghatid ako na ang bahalang pumunta sa dulo, hindi naman ako maliligaw dito dahil nasa loob na ako."

"Sigurado kayo, mam? Okay lang pa ba sa inyo?"

Ngumiti siya sa may edad na lalaki, "opo, salamat."

Mabagal niyang pinatakbo ang kabayo. Rinig niya ang tawanan ng mga tauhan, pero may isang boses na nangibabaw sa kanyang pandinig. Mas lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib, naging mahigpit din ang hawak niya sa renda ng kabayo.

Habang papalapit siya ay lalong lumilinaw ang mga tao. Nagngingit-ngit ang kalooban niya nang masilayan si Glendon may kaharap itong babae... napakurap si George ng makilala ito. It was no other than but Maris the flirt.

May bempo itong hawak at masayang tumatawa habang pinapahiran si Glendon na kay lapad din ng ngiti. Gusto niyang tumalon sa kabayo at sugurin ang dalawa but she composed herself. Pinalakad na lamang niya ang kabayo, hindi pa rin siya napansin ng mga ito dahil sa masayang pag-uusap. At ang hudyo na lalaki ay tila enjoy na enjoy sa ginagawa ng malanding kaharap.

Napansin si George ng isang tauhan, nakita niyang bumulong ito kay Glendon. Mabilis na bumaling ang paningin ng dalawa sa kanya, si Glendon sandaling hindi makahuma at si Maris naman ay ngising-ngisi na parang demonyita sa kanyang paningin.

Tumakbo si Glendon sa kinahintuan ng kabayo, blangko ang expresyon ng mukha niya habang sinasalubong ang papalapit na lalaki.

"Sweetheart what are you doing, here?"

Bumaba si George na agad naman inabot ni Glendon. Pagkasayad ng paa niya sa lupa ay iwinaksi niya ang kamay ng lalaki, "don't touch me!" Kumunot ang moo ni Glendon sa inasal niya. Tinawag nito ang isang tauhan na itali ang kabayo.

"What's wrong?" Ngumiti si Glendon, lumapit ulit upang halikan si George, ngunit umtras ito, "hey, why? May nagawa ba akong mali?"

"Hindi na dapat ako pumunta pa rito para lang makita kung paano ka nagpapalandi sa childhood friend mo." Mahina ngunit may diin na pagkabigkas ni George.

Glendon smile disappeared, "baby, it's not what you think. Nagmagandang loob lang siya na pahi-"

"Stop!" Itinaas ni George ang kamay, "that's what I saw, kanina pa ako nandito at nakatitig lang masayang-masaya na pag-uusap niyo habang ini-enjoy mo ang pagpupunas niya sa'yo! Iyan ba ang dahilan kung bakit sobrang busy ka? Na kahit isang reply lang sa text messages ko ay hindi mo magawa?" May hinanakit na wika niya

"G-George..." hirap na bigkas ni Glendon. Naalala niya bigla ang naka-silent na phone.

Naging matigs ang anyo ni George, umatras ulit siya, "bumalik kana sa trabaho mo, uuwi na ako."

Tumalikod si George ngunit mabilis na nahagip ni Glendon ang kamay niya. Ikinulong siya nito sa matipunong bisig. "I'm sorry, baby. Hindi ko lang siya mahindian. It's rude to ignore her, may pinagsamahan din kami rati."

Humikbi si George, "kasama ba sa pinagsamahan niyo dati ang landiin ka niya? At ikaw naman bigay na bigay ka!" She hit his chest.

"Ssshh... hanggang landi lang naman siya at hindi ako papatol sa kanya. Hindi nga ako pumatol sa kanya noon, ngayon pa kaya na nandiyan ka? Baby, I have you now, my heart is fully yours. Now, I know how much you love me and I'm glad seeing your jealousy." He kidded and kissed her temple.

SeñoritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon