Chapter 3:The Bully Friends

0 0 0
                                    

It was just like a dream to me. Ano bang nangyari kagabi??
The heck, pambihirang ngiti talaga yun. Napuyat ako ng dahil dun.

Today, it's just an ordinary day. Ang boring walang magawa!

Ewan ko ba kung bakit, inaantay kung maggabi na ulit. Para ngang ayaw ko ng manuod mamaya. Naman kasi!

Anong oras na kaya. Kanina pa ko paikot ikot dito sa kama ko. Iniisip ko pa din kasi yung nangyari kagabi. His sweet smile. Omg.

Natigilan lang ako sa pag iisip na biglang may kumatok.

"Hoi ate bumangon ka na daw dyan sabi ni mama!" sigaw ng magaling kong kapatid. Pambihira talaga.

"Oo na saglit. Maaga pa naman ei." Pasigaw ko namang sagot.

"Oo nga naman, maaga pa para sa.dinner. Hoi ate! It's alreadt 6:30 in the evening. Try mo kayang tumingin sa orasan." Naiinis nya namang sabi.
Sandali, 6:30 na ba talaga? Matingnan nga kung anong oras na talaga.

Oh my golly siopao. Totoo nga. The heck, ilang oras na pala kong nag pa ikot ikot dito, inabot na ko ng gabi.

"Hoi! Ano na?" Ay butiki. Anak ng tipaklong andyan pa pala sya.

"Oo na oo na. Lalabas na. Lumayas ka na nga jan. Istorbo ka ei." Pasigaw ko namang sagot. Kasi naman. So wala ng maingay, umalis na ata yung bruha kong kapatid. Ingay ingay.

Ayun nga, bumangon na ko, at naligo. After ko maligo at magbihis lumabas na ko at pumunta ng kusina para lumamon.
Nagutom ako sa kakaisip ng letseng ngiti nyang yun.

Saktong pagkatapos kong kumain, andyan na naman yung magagaling kong kaibigan.

"Hey, gurl, tara naaaaa! " putek yang tiling yan panigurading kay Yvonne yan galing.
At tama nga ako. Ngiting ngiti pa na pumasok kasama ang tuwang tuwa rin na si JL. Ano kayang meron.

"So wats up? Anong nangyari sainyo? Bakit parang good mood na good mood ata kayo?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Hm wala naman, bakit masama na bang maging masaya? Right Yvonne?" Sagot naman ni JL na hindi pa sin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

Kinikilabutan ako sa dalwang to. Ano kayang meron sa ngiti nila.

"So tara na? Bago pa kayo tuluyang mabaliw dyan." Aya ko na sa kanila.

"Okie, tara lets na. May isa kasi dyang excited ng makita yung kangitian niya kagabi." Natatawa namang sabi ni JL. Nakakaloka. Nahalata pala nila yun.

Wala na kong nasabi, at nauna ng naglakad kasi alam ko, aasarin na naman nila ko, hanggang sa mamula.

Nandito na kami, at saktong kasisimula pa lang naman.

"Guys, dun na kayo sa may table, para kita nyo yung mga naglalaro. At para makita nung isa dyan yung nasa taas, na pumipito."
Si Ales yun, ng makasalubong namin,at hinila na kami. Kunware wala akong narinig na sinabi nya. The heck lang.

"Oo nga, in short yung referee." Natatawang sabi naman ni JL.

Maloloka nako sa tatlong to.
They are the bully Friends.

Summer LoveWhere stories live. Discover now