Nagising ako dahil sa ingay sa labas, pambihira antok na antok pa ko. Dahil alam kong hindi na naman yan titigil kaya bumangon na ko, para tingnan kung ano ba yung ingay.Pag labas ko ng bahay si mama lang pala, ayun todo sermon. Whaaaaaaa dumating pala sila. Sheeet . Kaloka sakit pa ng ulo ko ah .
"Oh buti naman at gising kana, kanina pa kami nakauwi tulog na tulog kayo diyan." Mama
"Mano po ma, pa. Nakasara naman lahat ng pinto at bintana eh. Wala naman sigurong papasok." Pupungay pungay pa ko habang sinasabi yun.
"Mangangatwiran ka pa, maghilamos ka na nga dyan, magpapahinga lang kami ng papa mo." Si mama ulit .
"Ok po sige." Yan lang ang nasabi ko.
Nakakatamad talaga, lalo na't kulang ako sa tulog. Huhuhu . Di na ko magpupuyat promise.
Lumipas ang madaming oras, ng wala naman akong ginagawa. Nanuod lang ako maghapon ng bigla kong maisip yung nangyari kagabi, hay nakakakikig talaga yun. Shemey... haha .
Sumapit na ang gabi at nagtxt na ang mga bully friends, friends ko nga ba sila? Naku po sana limot na nila yung nangyari kagabi.
At eto na nga sila, speaking. Parang ayuko ng lumabas at manuod, dito na lang ako. Matutulog, para makabawi dun sa puyat ko. Parang ayuko nga rin siyang makita, di ako ready.
"Yow, dreaming again teh? Di pa din makagetover sa nangyari kagabi ?" Yvonne.
"Tse di naman ah, inaantok na kasi ko." Me
"Napuyat sa kakaisip nung tungkol kagabi? Kinikilig pa din ba ? Haha." JL.
Silence......
Mabuti pang wag na lang sumagot. Huhu. Bully talaga. Pambihira.
Wala din akong nagawa at sumama din ako sa kanila.
Grabe talaga antok ko, tahimik lang ako dun sa may mesa, habang nagchichear sila. Wala ako sa mood eh. Until bumaba siya.
"Hoi, tulala ka dyan Lei? Problema?"
"Huh? Ah eh, hindi naman, inaantok lang. Eto kasing mga to,(turo kina JL at Yvonne) hinila ako papunta dito." Me
"Ah ganun ba, di umuwi ka na, para makapagpahinga kana." Nheil
"Huh? Di ok lang naman ako, tsaka matatapos na din naman tong laro diba ?" Me
Tumango siya at nag smile bilang sagot.
"Pahiram na lang ako ng phone mo, papasa lang ng mga kanta. Hehe." Ngiting pilit pa. Haha
At binigay nya sakin yung phone niya at bumalik na sya sa pagtereferee.
Hm ano kayang meron dito, mag aaladora na lang ako. Hihihi . Hilig ko kasing mangalkal ng phone ng iba. Pakialamera ba, yung tatlo kasi busy naman.
While scanning his phone nakita kong wala naman nang masyadong conversation, nidelete na nya siguro. Hmm wala na talaga, almost convo na lang namin to. Until maligaw ako sa isang private box, syempre di ko alam kung ano laman nun, kaya nga private ei mayroong password. Haha
Kaya hinayaan ko na lang. Until dumako naman ako sa galery. Tingin tingin ng pictures, kaso konti lang naman. So nag decide ako na pumunta na lang sa file manager tas punta sa music files at naghanap ng magandang songs.
After that, nagpasa na ko. Habang hinihintay kong matapos na mapasa lahat, nagscan scan na lang ako, hanggang sa may nakita akong isang folder, walang name kaya niopen ko yun, tas isa pa, open ulit, nabigla ako sa nakita kung file name.
Wow nice ah, secret siguro to, o baka di pa din nakakamove on sa ex niya ? Ang name kasi is, "MINE" tawagan nila yun kasi nakita ko na din yung folder na yun sa fb niya.Dahil nga pakialamera ko, niopen ko yun, at dun ko nakita yung mga pictures nila together at pictures ni Charmaine na solo.
Ouch ang sakit ah, bigla na lang sumikip yung dibdib ko at parang tutulo yung mga luha ko. Kaya bago pa man sila lumabas, iniabot ko na sa kanya yung phone nya at nag paalam na kong uuwi na kasi antok na ko.
Di na naman nila ko pinigilan, kaya umuwi na ko.
Di ko iniexpect yun, akala ko kasi wala na siyang ganun, kasi wala na sila, pero bakit may mga pictures pa din siya nun? Bakit?
I feel so disappointed. Di ko namalayan na nakatulog na pala ko sa kakaiyak. Masakit kahit hindi pa naman kami.
Am I going to tell him ??
Clueless ako😢