Chapter 11: Don't know what to do, don't know what to say

1 0 0
                                    


Nagising akong mabigat ang pakiramdam, hindi ko alam kong bakit. Hindi naman masama ang pakiramdam ko.

Wala ako sa mood habang inaabot ko ang phone ko na nasa ibabaw ng mesa.  Napatigil ako dahil sa kumakatok, I think si mama to gigisingin lang ako.

"Lei, anak gising na, bumangon kana diyan at aalis ako." Sabi ni mama.

"Opo gising na, san ba kayo pupunta? Ang aga pa ah?" Sagot ko habang nakahiga pa din.

"Pupunta kami sa Laguna ngayon hindi ba? Kaya bumangon ka na diyan"

"Opo, susunod ako sa baba."

Hindi na siya sumagot, umalis na siguro. Hay oo nga pala, ngayon pala ang alis nila.
Adik talaga kaming mag ina, pwede naman siyang pumasok para makapag usap ng maayos, behind the door talaga. Tss.

Bumangon na ako at naligo, after ko mag bihis tiningnan ko yung phone ko. Nag eexpect ako na magtetext si Nheil, even just a simple "good morning baby", pero wala. Nakakadisappoint lang, in 10 messages ni isa wala man lang galing sa kanya. 2 messages from my friends and 8 from Franz, buti pa to nakakaalala. Well lahat naman ng texts niya is asking for forgiveness. Nakokonsensya nga ako ei, cause when I'm so down,nung iniwan  ako ng ex kong manloloko, he's there, to cheer me up and make me happy, and he made me forget everything that was so painful. Dahil sa kanya naging masaya ulit ako, at nakapagmove on. Pero hindi ko naman aakalain na isang araw , isa din pala siya sa mga mananakit sa'kin.

Bumaba na ako at nakita kong ready to go na sina mama.

"Ate alis na daw sina mama, eto yung pera na pang allowance natin." Sabi nang kapatid ko at inabot ko yung pera.

Nag paalam na kami kina mama at papa, at umalis na sila.

Another boring day, sinara na namin yung gate at pumasok na ulit. Nakakatamad talaga, kaya naupo ba lang ako sa sofa sa may sala.

I was thinking, am I ready to enter for a new relationship? Am I ready to love again, after all the pain?

Natigil ang pag iisip ko ng magring ang phone ko, at nakita kong galing ito sa taong inaantay ko.

From: Nheil
"Good morning baby, sorry kagabi naubusan na kong load kagabi ei. Nakatulog na din kasi ako, nalasing ata hehe. Sorry ulit. Iloveyou baby :)"

See? Text niya sakin, pero bakit parang walang effect? Dahil ba sa antok o dahil sa mga bagay bagay na iniisip ko kagabi until now.

Nagreply ako ng good morning too, and ok lang yun.

After that, ang tagal niya magreply, hindi lang siguro ko sanay, kasi kay Franz, pag ganyan magrereply agad siya. Kasi nga that's the way we communicate. LDR nga kasi. Hindi ko rin maiiwasan na hindi maikumpara si Nheil kay Franz. Siguro nasa adjusting period pa din ako.

Hindi ko maintindihan pero, nagtatype na pala ako ng another message for Nheil, saying na hindi pa ko sanay sa ganitong set up, yung after a short conversation then wala na. Until masabi ko na nag aadjust pa ko, na sinasanay ko pa yung sarili ko na kung kailan nya ako maaalala ulit para itext. Maybe I'm just so naive, attention seeker kasi ako, gusto ko akin lang yung attention niya, nasanay kasi ako kay Franz, pero naisip ko din yung sinabi saakin ni Franz, "hindi lang naman kasi tayo ang tao sa mundong ito, madaming tao pa ang nakapalibot sa atin at kailangang bigyan ng pansin, kasi isa rin sila sa mahahalagang tao sa atin." Which is tama nga naman. Pero hindi ko napansin na napindot ko na pala yung send button. At hindi ko na sya na cancel kasi nag send na.

After a few minutes, nagreply na siya, alam ko naoffend siya doon.

"Ako din naman Lei, nasa adjusting period pa ko, pero kinakaya ko. Kasi mahal kita, wag kang mag alala, magkakasanayan din tayo, and our chemistry will work ;)" Nheil

Napangiti na lang ako ng dahil doon.

Sumapit na naman ang gabi at wala pa rin ako sa wisyo, yung mga kaibigan ko hindi ko din pinapansin, nag aaya na naman silang gumala, eh tinatamad ako. I feel like, I just wanna stay at home and sleep.

"Ang unfair mo naman Lei, ang daya  mo. Tara na kasi sumama ka na, mag eenjoy tayo." Pamimilit ni JL

"Ayoko nga kasi, tinatamad ako, wala ako sa mood ngayon, next time na lang."

"Ang daya talaga, summer ngayon Lei, it's time to have fun. Let's go na." Ales

"Next time na lang talaga, promise. Inaantok na din kasi ako eh."

"Ok ok. Next time ah, umayos ka. Tara na guys." Nababagot na sabi ni Julia, sabay hawak sa phone niya.

Tsk, lagi na lang tong may katext hmm.

"Yes, next time I promise."

And they left.

Humiga na naman ako sa kama at nag isip. Kung sasabihin ko bang itigil na ni Nheil ang panliligaw siya dahil pipiliin ko si Franz, o hayaan ko na lang ang oras at panahon na magdikta. Kainis naman kasi si Destiny, masyadong mapaglaro, nung matagal akong naging single, hindi naman dumating si pag ibig, tas ngayon na may dumating, pambihira sabay pa.

Mababaliw ako neto.

But I alreadymade my decision.

Summer LoveWhere stories live. Discover now