Chaper 10: Ordinary Night

0 0 0
                                    

I was lying on my bed when he texted me. He's asking me if I'm already home, then sabi ko oo, nasa bahay na ako.

Then after that he did not reply. I don't know why, maybe he's doing something, busy or what.

While waiting for Nheil's text, sumagi na naman sa isip ko yung tanong na kung talaga bang nakapag move on na siya kay Charmaine. Eh ako, nakapagmove on na din ba ako kay Franz? Sa totoo lang, naguguluhan ako. Kapag kasama ko si Nheil, ang saya saya ko, feeling ko when I'm with him ok ang lahat. Pero bakit ganun? Bakit parang may mali. Sinasabi nilang sobrang bagay daw namin ni Nheil, and sana daw magtagal kami  pero hindi pa naman kami. Kapag magkasama kami, tinutukso nila kami. At inaamin ko, may kilig syempre, I can feel the butterflies.on my stomach na parang kinikiliti ako.

Pero bigla kasing nagparamdam si Franz, nasaktan ako nung sinabi niyang maghiwalay na daw kami, kasi ayaw niya daw muna ng kahit anong commitment at gusto niya yung wala muna siyang iniisip kundi sarili niya lang muna, kaya ayun pumayag ako, kasi I need to respect his decision. That's why we broke up, ayuko naman na kasing maghold on kung siya na mismo ang bumibitaw.

It hurts to let go, but sometimes it hurts more to hold on.

Hindi nga naman madaling mag move on kung ilang taon ding naging kayo, maraming trials na nalampasan, but in the end, sa hiwalayan din pala mapupunta.
Yung akala mong matatag na yung relasyon niyo, pero hindi pa pala. Minahal ko si Franz, sobra pa nga ei, pero hindi pa din pala sapat yun. Lahat pala talaga ng sobra ay masama. Ang hirap ng bumangon sa pagkakahulog, kasi masyado ng malalim. It turns out into nothing again. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoo, pero I know that there's something more, deeper meaning aside from what he had given me, I can feel it. Ewan ko ba, ito ata yung tinatawag na, women's instinct.

We are in a long distance relationship, kaya mahirap. Until nalaman ko na lang sa kaibigan naming si Laine na mayroon na pala siyang iba, nakita niya daw si Franz he's with another girl.

Tama nga yung hinala ko, may iba na siya, yung makakasama niya pag mag isa siya, at mag cocomfort sa kanya pag malungkot siya, at kung may problema man, may dadamay sa kanya, mga bagay na hindi ko magawa gawa, dahil sa layo ng distansya namin sa isa't isa. Ano nga ba namang magagawa ko diba ? Kung through phone and skype lang ang communication namin.

Pero ngayon, gusto ko na ding maging masaya, andiyan na naman siya at nagpaparamdam ulit. Bumabalik at sinasabing mahal niya pa din daw ako, and that he can't live without me. He explained his reasons to me at naiintindihan ko siya. Di nga naman talaga sapat ang technology para maging strong ang isang relasyon, kinailangan niya ng taong matatakbuhan sa tuwing may problema sya, yung masasandalan niya pag umiyak siya.

Kaya ngayon mas lalo akong maguluhan. Sino nga ba talaga ang pipiliin ko? Yung taong iniwan ako dahil sa distansyang namamagitan samin, pero mahal na mahal pa din ako o yung taong kay tagal kong inantay na maging malaya at makita,  at sa muli naming pagkikita ay pareho na kaming nakawala sa isang masaya at masalimoot na relasyon? Nakatadhana ba talaga kami para sa isa't isa? Ito na ba ang tinatawag na destiny? Or it's just part of the game of love?


Maraming bumabagabag sa isipan ko ngayon, may positive at negative. Yung negative is, what if bumalik lang si Nheil para gumanti sa pag iwan ko sa kanya noon? For believing in the lies of others na mayroon siyang ibang babae. Pero sabi niya, hindi naman daw totoo yun, but still I broke up with him. But until now, hindi ko pa din alam ang totoo, I don't have the guts on asking him that question, kasi ang iniisip ko is masaya na kami. Na parte na lang yun ng nakaraan.

Then the positive is, what if nakatadhana na talaga kami, para ipagpatuloy ang nakaraan? Or maybe baguhin at kalimutan ang nakaraan upang magsimula ng panibago?

Magulo sobra, hanggang hindi ko na namalayan, nakatulog na pala ako. Pero sa panaginip ko, si Franz ang nakikita ko, nagmamaka awa at umiiyak na sana daw ay patawarin ko na siya at bigyan ng isa pang chance.

Gulong gulo na ang utak ko, pati sa panaginip magulo.

Summer LoveWhere stories live. Discover now