Ngayon ang fiesta, pero meron daw silang laro ngayon sa bayan. Pero inimbitahan niya kami na pumunta daw. Ayus ah, nang invite pero siya naman tong wala. Nagdadalawang isip tuloy ako, kung pupunta ba ko o hindi. Nakakahiya kaya!
Habang nag iisip, bigla namang dumating sina Julia at Steph, mga taong nagmamadali at pupunta na daw kami sa fiesta. Like, sersiously? 9 am pa lang! Nakakahiya talaga sila. Ano yun, makikibreakfast na din ba kami? What the hell! Excited lang naman sila in short!
"Wow! Nahiya naman kami sa ayos mo Lei, nakapambahay pa din? Yung totoo, ayan na yung attire mo? Pantulog pa nga ei. Nice. Ano na gurl? We're gonna be late na." Ang sabi ng maiinip na si Steph
"Oo nga tara na ah. Baka naghihintay na sila doon." Pagsang ayon naman ni Julia.
Naku po mga excited talaga. Di ba sila nahihiya, ang aga aga pa. For pete's sake.
"Wala naman sila doon diba? May laro nga daw sila diba? So, sinong aabutan natin doon? Nakakahiya, wag na tayong pumunta. Kung gusto niyo, kayo na lang." Walang buhay kong sagot sa kanila na ikinasimangot naman nila.
Epic fail ang mga mukha nila, swear. Mga mukhang hindi maipinta kahit na ang pinakamagaling na pintor. Well ang totoo naiinis talaga kasi ako!
"Na default daw yung kalaban nila. Di sila sinipot, kaya umuwi na sila. Kaya andoon na siya. Tara na." Paliwanag naman ni Julia
"Oh yun naman pala ei, halika na ah. Maligo kana pala muna. Nakakahiya kong ganyan ang itsura mo. Yucks. Wag ka ng umarte. Gora na!" Steph
"Oo na, sige na. Maliligo na ko. Nakakahiya naman sainyo. Tsk"
After 15 minutes. Oh diba ang bilis ko maligo. Ikaw kaya maligong may bantay at maya maya ay katukin ka sa pinto? Asar talaga. Kapapasok pa nga lang, kinakalabog na nila ang pinto. My poor door. Hay.
Nagbihis na ako sa loob at sumisigaw naman sila ngayon. Bakit ba ang hyper nila ngayon?
May naririnig na akong mga tawa, mukhang nadagdagan na sila. Andiyan na siguro si Yvonne.
Hindi na ko nakatiis sa ingay nila kaya lumabas na ko, baka magwala na ang mga yun. I'm just wearing pants ang loose blouse at slippers lang. Haha
"Ang ingay ah, bahay niyo ba to?" Tsk tanong ko sa kanila.
Nakasmile na sila ng nakita ako. Si Yvonne st Steph nakashorts ang tee shirts. Kami ni Julia nakapants. Well may mga farm kaya doon at may daan papuntang bahay ng ilan nilang mga kamag anak. Malay nyo naman makapunta pa kami doo. Kainan di yun no. I love foods!
Good mood na ako ngayon ei.
"Let's go guys? Gutom na ko. Baka wala na tayong abutan doon. Baka hugasin na lang ang meron. Sayang naman ang lipsticks at kilay ko kung maghuhugas naman lang diba?" Steph
"Excited much? Maaga pa naman eh. Baka nga hainan pa tayo ng pang almusal." Yvonne
Nagtawanan naman kaming lahat. Totoo naman kasi yun ei.
"Sasama daw si Ales. Nakabihis na siya. Tara na, doon na lang natin siya antayin sa kanila." Julia
At pumunta na nga kami doon.
"Guys wait up ok? Malapit na ko." Ales
See? Wearing pants din ang bruha, lamang lang siya dahil nag sapatos. Ako slippers lang, ok na to. Bagong bili naman to. After how many years, lumabas din siya. Haha
Fast forward.....
Andito na kami sa bahay nila, sa labas pala to be exact. Hinihintay namin yung lalaking yun, at naglakad lakad daw muna sabi nung papa niya. Aba ayos ah, namumuro na talaga yun. Tsk
Finally, he's here. Nakajersey pa shorts pa ah.
"Oh andito na pala kayo. Tara na sa loob." Nheil
(Ay hindi, wala pa kami dito. Shadow lang namin to. Sira ulo ba to? Nakadalawang halo halo na kaya kami, yung tig sasampo.) Murmuring
"Ano Lei? May sinasabi ka ba?" He said while showing his killer smile. Shockss
"Huh? Wala ah. Sabi ko tara na at gutom na gutom na sila. Mga excited kaya yan." Laglagan to ah.
"Hoi Lei, ikaw lang ah." Steph
"Anong ako? Eh kayo kaya yung mga excited diyan. 9 am pa lang gusto ng pumunta dito." Pagtataray ko sa kanila, akala nila ah.
And that made them speechless.
Bongga, ang daming foods, goodbye for now my diet. Huhuhu
Ang dami niyang inilagay na pagkain sa plati ko. Pinapataba ata ako neto.
"Lei eto na pagkain mo oh. Ubusin mo yan ah." Nheil :)
"Eh? Seryoso ka ba neto? Gagawin mo ba kong baboy?"
Wala siyang sinabi, inabot nya lang sakin yung pinggan ang he just shrugged his shoulder. Pero habang tumatalikod siya, his lips is forming to grin. Grrrrrr! Asar talaga.
After we eat, his cousin gave us desert. Wow kuminang ang aking mumunting mga mata. Ang sarap talaga neto, kukuha na sana ko, kaya lang napansin ko na, they are watching me and their eyes are on me.
"WHAT?!"
Di sila sumagot, lahat sila napailing na lang. Ang sarap kayang kumain. I just shrugged it off.
Nakailang bahay kaya kami? Haha wala daw ba kong kasawaan sa pagkain? Lahat kasi ng napuntahan namin eh kumakain ako. Aba minsan lang naman to ei. Lubusin ko na.
Around 2 napagpasyahan nilang uminom, namin pala. Sa may likod ng bahay nila kami pumwesto, may bahay pa pala sa side, sa pinsan daw nila.
Inuman session na. Habang tumatagal, lasing na ang iba. Napansin kong nawala na bigla sina Ales at Red, hm baka nagkasarilihinan na. Tsk on and off naman yung dalawang yun.
Kaming dalawa ni Nheil, ayon lumayas na din at nag moment, wag berde ah, nag usap lang kami. Busy silang lahat kakalaklak kaya di nila kami napansin. Tama nga yung hinala ko, Ales and Red are talking, ang seryoso naman ata nila. Yaan na nga sila.
Nagduyan lang naman kami. Napag usapan lang naman namin yung tungkol sa darating na outing. Sasama daw kami ei. Baliw lang, tatay ko ba siya?
Until napansinna lang namin na gumagabi na pala. Ang bilis naman ng oras, bakit kaya ganun, pag masaya ka ang bilis ng oras, pero pag malungkot ka naman parang pagong, parang gusto mong hilahin ang kamay ng orasan para matapos na agad.
After that, we decided to go home.
I'm so happy today. Bago kami bumaba sa duyan, we just shared a sweet and passionate kiss.