Sabado ng umaga, dahil sa paglilipat ng apartment ni Martina at dahil misyon ko na iligaw si Franco para hindi siya masundan, nagpunta ako sa tapat ng apartment building ni Martina at tama nga ang tsismis, nakabantay nga si Franco sa kabilang kalye umagang-umaga ng Sabado. Umulan, umaraw, nandun siya at nakatambay sa kalye.
Habang nag-iisip ako ng stategy ko at nakatago sa malaking poste ng kuryente sa kanto ng kalsada, na hindi kalayuan sa tinatambayan ni Franco. Sa kalsada na yun na halos puro apartment, nasa tatlong palapag ang building pero sa kakatingala ni Franco, malamang nasa second floor ang kwarto ni Martina. Tumunog ang cellphone ko.
“Hello?” sinagot ko agad at si Martina ang nasa kabilang linya.
“Nasan ka?” tanong niya.
“Nandito ako sa may poste ng kuryente.”
“Bakit ka nagtatago? Natatakot ka kay Franco?”
“Iniisip ko lang kung anong dapat kung sabihin para hindi ako mahalata. Siyempre kapag may misyon na kailangan gawin, ang unang dapat isipin ay ang plano, hindi yung sunggab agad.”
“Dalian mo na! Darating na yung truck na maghahakot ng gamit ko!”
“Oo na, ito na, pupuntahan ko na!”
Binaba ko na ang cellphone at tiningnan si Franco na hindi kumukurap at tinititigan ang bintana ni Martina. Ang mata ni Franco, humuhugis puso dahil sa hindi maipaliwanag na kabaliwan niya kay Martina. Hindi lang naman si Martina ang babae sa mundo pero bakit kung magpapansin siya dito parang siya na lang ang natitirang babae. Nabubuhay siya sa salitang, ‘wag mawalan ng pag-asa’. Oo, magandang ugali yun pero wag naman sanang sumobra.
Nakatago pa rin ako sa likod ng poste at nag-aalangan na lapitan si Franco, nang biglang may tumulak sa akin ng malakas mula sa likod ko at bumagsak ako sa sementong kalsada at nakita ako agad ni Franco.
“Wesley?” nagulat si Franco.
Habang patayo na ako at titingnan kung sinong tumalak sa akin, biglang lumitaw ang ulo ni Nicola na nakatago sa halamanan sa plant box ng apartment building.
“Nicola?” sabi ko at sabay kaming tumingin ni Franco sa kanya.
At habang nakatingin kaming dalawa, gulat din ang reaksyon niya habang nakatingin siya sa aming likuran.
“Naomi?” sigaw niya.
At sabay ulit kaming lumingon ni Franco sa nakatayo at naka-smile na si Naomi na siyang tumulak sa akin habang nagtatago ako sa likod ng poste.
“Hi! Good Morning!” energetic niyang sinabi.
At dahil sa ‘di mapaliwanag na coincidence, napa-almusal kami sa malapit na fast food chain. Magkatabi kami ni Naomi na parehas masayang kumakain habang nakatitig at nagkakahiyaan ang dalawang magkatabi na si Franco at Nicola.
Gusto kong itanong kung anong ginagawa ni Nicola sa plant box pero dahil puno ang bibig ko ng pagkain hindi ko maitanong. Sabagay alam ko naman ang dahilan. Teorya ko lang naman ito pero sa palagay ko nahawa na ni Franco si Nicola sa pagiging stalker niya at Sinusundan na rin niya ang bawat galaw ni Franco. Malamang alam na rin niya na may gusto si Franco kay Martina.
Dahil sa awkward ambience na ginagawa nilang dalawa, gusto ko sanang magsalita para hindi naman masyadong tahimik. Okay lang naman kami ni Naomi kaso yung dalawa, para silang yelo. Iniisip ko rin kung anong klaseng topic ang pwede naming mapag-usapan. Kung tungkol sa mga kaluluwa at weird na mga bagay, si Naomi lang ang makakarelate at ma-o-awkward pa rin ang dalawa o di kaya ma-OP. Kung tungkol sa klase naman, si Nicola lang ang makakarelate dahil siya ang class president at topnotcher sa klase, hindi magkakaroon ng interes si Franco para sumali sa kwentuhan, lalo naman si Naomi. Kapag nagsimula pa naman magkwento si Nicola tungkol sa mga subjects at lessons, hindi siya mapigilan at kadalasan boring ang pagusapan ang mga ganitong bagay.
BINABASA MO ANG
Renegade
HumorMatapos ma-love at first sight ni Wesley sa isang maganda pero weird na transfer student, nakapagdesisyon siyang magretiro bilang bully, leader ng iba’t-ibang gang/fraternities at bilang isang makapangyarihang ‘bossing’ sa Forest High. Sa pagbabalik...