C-11

6 0 0
                                    

Sa bahay ni Miguelito ang stop over ko bago pumasok sa school. Buong Linggo ko inisip ang ang plano kong pagreretiro para sa buhay pag-ibig ko. Inisip ko ang advantages at disadvantages ng love at pride at nakapagdesisyon na ako.

“Isulat mo nga ako ng magandang speech.” Utos ko kay Miguelito habang nakahiga ako sa kama niya at nag-aayos naman siya ng kanyang bag.

“Speech para san?” tanong niya.

“Magreretiro na ako bilang bossing sa school. Wala ng minions at wala na ring bossing.”

Sa gulat ni Miguelito, nahulog niya ang hawak niyang libro at biglang umupo sa kanyang upuan. Para siyang aktor na umaakting sa isang teleserye. Nang sabihin ko ang mga salitang yun, parang ide-divorce na siya ng asawa niya kung maka-react siya sa mga nasambit ko.

“Hindi pwede!” sigaw ni Wesley. “Alam mo bang hinahangaan kita, unang beses ka pa lang tumapak sa Forest High! Unang beses mo akong binully, binato mo sa ulo ng bolang papel.” Tumayo siya at may kinuha ang maliit na karton mula sa kanyang kabinet. “Ito yun!”

Ipinakita niya sa akin ang bolang papel na ibinato ko sa kanya.

“Oo, bully ka nga! Pero hindi ko makakalimutan ang pag bugbog mo kay Waldo nung nalaman mong binuhusan niya ako ng tae! Ako ang may kasalanan kung bakit kailangan ni Sir ng magulang mo!” Naluluha niyang sinabi.

“Para sakin…” patuloy niya. “Ikaw ay isang action star. Hinahangaan kita bilang makapangyarihan na bossing sa Forset High. Para sa akin, ikaw si superman! Kaya hindi ako papayag na magretiro ka! Kapag hindi ka na ang bossing, sino na ang papalit sayo? Sino na ang maghahari sa Forest High? Hindi ako papayag!”

Kung purihin ako ni Miguelito parang ako ang savior niya samantalang, ginawa kong empyerno ang buhay niya sa school. Hindi ko alam na siya pala ang aking no. 1 fan. Tumayo ako mula sa aking paghiga.

“Pumasok na tayo.”

Pero kahit anong sabihin niya, wala ng makakapagpigil sa pagretiro ko bilang bossing. Gagawin ko toh, in the name of love!

Lahat ng lalaki, seniors at ang mga juniors ay natipon sa rooftop kaya walang tao sa canteen at sa school ground nung break time. May kaunting salo-salo sa aking farewell party. Inihanda iyon ni Ryan, pero hindi niya alam na yun na ang announcement ng aking retirement. Sabi ko lang sa kanya, maghanda siya para sa aking announcement at itipon ang lahat para alam nila ang balita. At nagsipunta naman ang lahat, pati si Waldo and the dwarfs nandun din.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa kaya pumunta ako sa harap at dala-dala ang juice na nasa plastic cup.

“Juniors! Seniors!” Sigaw ko sa kanila at nakikinig sa aking sasabihin. “Salamat dahil nakapunta kayo sa aking importanteng announcement!” itinaas ko ang aking juice. “Cheers!”

Tinaas din nila ang kani-kaniyang juice.

“Importante ang announcement kong ito kaya ipinatawag ko kayong lahat para malaman niyo sa akin at hindi na sa ibang tao. Mula sa araw na ito, ang gang na aking itinayo ay mabubuwag na.”

Nagulat silang lahat at nag-ingay.

“Hindi na ako ang inyong bossing.” Ipinagpatuloy ko. “Hindi ko na kayo uutusan, hindi ko na kayo pakikiaalamanan, hindi niyo na rin ako kailangang ituring na boss dahil mula sa araw na ito, wala na akong kapangyarihan upang gawin yun. I resign!”

“Pero…” nagsalita si Ryan. “Sino na ang papalit sa pwesto mo?”

“Kung sino ang papalit sa pwesto ko, nasa sainyo na yun kung sino ang gusto niyo. Wala na akong pakialam. Yun lang ang sasabihin ko! Maraming salamat at magandang araw… bayan!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RenegadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon