Sa Career Assessment department ng school, isang one on one at closed door meeting and inarrange ni Mr. Regrado, ang Guidance Councelor ng eskwelahan. Nakatingin ako sa dulo ng aking black leather shoes na matagal ko ng hindi napapahiran ng kiwi shoe wax.
“Anong gusto mong gawin after high school?” tanong ni Mr. Regrado, matapang ang itsura pero isa sa pinakamabait at pinakapasensyosong teacher sa Forest High.
Anong gusto kong gawin pagkatapos ng high school? Iyon ang tanong niyang kailangan kong sagutin. Paano ko siya sasagutin ng seryoso? Okay na ba kung pang Mr. Pogi na sagot? Yung tipong gusto-kung-makatapos-ng-pagaaral-para-magkaroon-ng-magandang-trabaho-pagdating-ng-panahon o yung pang pulitika, gusto-kong-makatapos-ng-pagaaral-para-makatulong-sa-mahihirap-at-mapalaganap-ang-kapayapaan-sa-mundo.
Ilang beses ko na rin naman ito naisip, at lagi kong sagot ay pagkatapos ng high school, bakasyon, ibig sabihin, pwedeng magbeach, pwedeng maglaro ng computer games buong magdamag, pwedeng matulog buong magdamag, pwedeng tumambay buong maghapon at pwedeng tumunganga mula umaga hanggang gabi at hindi pepwersahin ang sarili para bumangon ng umaga.
“Mr. Demeria, meron ka bang pangarap sa buhay?” Mahinahon ang boses ni Mr. Regrado pero nakakauyam ang tanong niya.
“Meron naman po.”
“Ano yun?”
Doctor, pintor, engineer… mechanical, chemical, electrical, civil… congressman, presidente ng Pilipinas kung maaari, piloto, basketball player, football player, baseball player, boxer, CEO ng isang malaking kompanya, principal ng Forest High, maging invicible, magkaroon ng superpowers, maging ninja. Marami naman akong pangarap.
“Gusto ko naman po maging produktibong nilalang sa mundo. Ayoko naman pong umasa lang sa mga magulang ko habang buhay. Ang ibig kong sabihin, pwede naman po akong makatulong para maging mapayapa ang mundo.” Saka lang ako nagsalita.
Tumingin saakin sa Mr. Regrado na parang isang nakakainis na joke ang nasambit ko kahit pa seryoso ang pag-uusap namin na yun.
“Gusto mong makatulong upang maging mapayapa ang mundo?”
Tumango lang ako.
“Kung ganun… Bakit lagi kang nakikipag-away? Walang araw na hindi ka nakatambay sa detention, halos isang buwan kang naglinis ng CR dahil sa pakikipagsuntukan mo. Tapos gusto mong maging mapayapa ang mundo?”
“Bakit po sir? Lalaki din naman po kayo, hindi po ba kayo nakikipagsuntukan noon? Lalaki rin naman po ako, ganito talaga tayo.” Sagot ko sa kanya.
“Sa tingin mo, paano makakatulong ang pakikipag-away mo sa kapayapaan?”
“Sir, si Andres Bonifacio, nakipag-away para sa kalayaan at kapayapaan. Ang Voltes V at Power rangers nakipag-away para puksain ang masasamang robot na sumisira sa sambayanan. Sir, pagdating ng panahon, mamamatay ako hindi para sa sarili ko, kundi para sa sambayanang Pilipino.”
Dahil sa mga sinambit ko, hindi natuwa si Sir Regrado bagkos, kumunot ang noo niya at sumama ang mukha niya. Sinandal niya ang likod niya sa upuan.
“Sige na, lumabas ka na. Magkita na lang tayo sa detention mamaya.”
Dahan-dahan akong tumayo sa aking kinauupuan, taas noong lumabas ng kwarto pagkatapos ng counseling. Sa tigas ng mukha ko, hindi mapagkakailang, ako pa rin ang no. 1 sa paaralang ito.
Sa paglalakad ko sa hallway, nakayuko ang mga juniors sa akin. Isang paggalang sa nakaka-angat sa kanila. Sino ang boss dito? Ako yun at wala ng iba. Talo na lahat ng kalaban ko, yung mga estudyanteng walang magawa sa buhay kundi angkinin ang pwesto ko bilang isang bossing ng lahat ng bully sa school. Ang pinakahuling gumive-up, si Waldo Amoroso. Siya na ang pinakahuling nakaaway ko at nagmamayabang na gusto kunin ang pwesto ko. At dahil ako ang nanalo sa suntukan, wala siyang ibang magawa kundi yumuko sa harap ko. Mahirap man iyon tanggapin, wala na silang ibang magagawa kundi tanggapin.
![](https://img.wattpad.com/cover/8867411-288-k253654.jpg)
BINABASA MO ANG
Renegade
HumorMatapos ma-love at first sight ni Wesley sa isang maganda pero weird na transfer student, nakapagdesisyon siyang magretiro bilang bully, leader ng iba’t-ibang gang/fraternities at bilang isang makapangyarihang ‘bossing’ sa Forest High. Sa pagbabalik...