C-4

10 0 0
                                    

Nang uwian din na yun, matapos mabusog sa cake ni Doc at naging masaya ng konti sa ibinahagi niya tungkol sa kapatid ko, naglalakad ako pauwi at may nakita na naman akong gulo sa may madilim na eskinita. Lagi na lang may bugbugan na nangyayari sa madilim na eskinita na yun. Dun din nabugbog si Franco ng ilang beses. Marahil ay walang katao-tao at liblib, kadalasan dito nangyayari ang mga krimen at basagan ng mukha.

Nadala na ako kay Franco kaya nagdesisyon akong huwag na lang maki-intrude dahil medyo masaya ang mood ko pero nang makita ko na si Waldo with the two dwarfs ang binubogbog, marahil ay pwede na rin akong maki-intrude para magpakitang gilas.

“Psst!” tawag ko sa limang lalaki na nakahigh school uniform din pero hindi taga Forest High. Natigilan sila sa pambubogbog habang nagpapatay-patayan ang dalawang dwarfs at sigaw naman ng sigaw si Waldo habang tatlong lalaki ang sumisipa sa kanya.

Sa porma ng katawan ng limang lalaki, halata na nagbibinata pa lang ang mga yun. Mukhang kaka-13 years lang nila kahapon at ngayon sila nagce-celebrate. Hindi nila ako kilala malamang isang small time amateur rebels lang ang mga totoy.

Lumapit ako sa kanila habang naghihintay sila sa pagdating ko dahil sa mabagal kong paglakad. Lumaki naman ang mata ni Waldo na may dalawang bukol sa ulo niya kaya mukha siyang demonyo na patubo ang sungay.

“Sinong may yosi sa inyo?” tanong ko sa kanila.

“Wala! Ubos na! Isturbo ka!” sabi ng isa na naka-gel kahit wax na ang uso, malamang siya ang leader ng grupo. Nagpatuloy naman sila sa pagsipa kay Waldo na wala namang ibang sinigaw kundi “Tama na!”. Umupo ako sa tapat ng nakahiga na si Waldo at tiningnan ang mga pangyayari. Habang ang dalawan tig-isa sa misyon para bugbugin ang dalawang dwarfs, sinamahan na ang tatlo para sirain ang future ni Waldo.

At dahil wala silang sigarilyo, naalala ko na meron pa akong naitago sa bulsa ko, sinidihan ko at humithit-bumuga habang nanonood ng live na action. Gusto ko ng tulungan si Waldo para matapos na ang paghihirap niya, hinihintay ko lang na humingi siya ng tulong pero hanggang sa huli, mataas pa rin ang pride niya at ninanamnam ang bugbog ng mga totoy.

Tumayo ako para itulak ang mga mukhang boy scout na ikinagulat nilang lima.

“Isturbo talaga toh eh!” sigaw ng leader na nag-ambang ng suntok pero naunahan ko na kaya naging riot na ang eksena. Tinigilan na nila si Waldo at ako na ang kanilang kinalaban habang meron akong sigarilyo sa bibig ko, lumilipad naman ang dalawang kamao ko at iniiwas ang katawan ko sa limang bugoy.

Pagkatapos ng ilang minuto, tapos na ang laban, sa kanilang lahat ako ang last man standing. Nagsitakbo na ang apat na lalaki habang nakahilata ang kanilang leader na siyang naiwan at naghahanap ng oxygen para makahinga ng maayos. Umupo ako sa tapat niya para bumuga sa sigarilyong ngayon ko lang nahawakan matapos maging busy ng kamay ko. Pinatay ko ang sindi ng sigarilyo at itinapon sa kalsada pagkatapos ay dumura malapit sa mukha niya.

“Brad, may future ka! Pagpatuloy mo ah! Wag kang gumaya dito sa tatlong toh!” sabi ko sa kanya ng mahinahon.

Tumayo ako at tinulungan din ang nakasuntukan ko sa pagtayo. “Konting praktis na lang brad! Umuwi ka na.” Tumalikod siya at papilay-pilay kung maglakad.

Pag-alis ni totoy, saka ko hinarap ang duguan at wala ng lakas na si Waldo na nakahandusay sa kalsada. Dahan-dahan akong lumapit sa tapat niya at itinago ang dalawa kong kamao sa bulsa.

“Pasalamat ka, maganda ang mood ko ngayon.” Sabi ko sa kanya.

“Hindi ko naman kailangan ang tulong mo! Wag kang umasa na magpapasalamat ako sa pagligtas mo sakin!” dumura siya malapit sa sapatos ko.

Nakangiti lang ako habang tinitigan siya. Alam niya naman ang ibig sabihin ng ngiting yun eh. Ang spelling K-U-P-A-L-K-A.

“Ah! Okay lang yun brad kasi alam ko na ngayon kung sinong kamatch mo, yung mga totoy na mas magaling pang makipagsuntukan sayo. Mabuti pa yung mga grade school na lang ang kalabanin mo kasi siguradong mananalo ka. Hindi ko naman kailangan ang thank you mo, ang mga superhero hindi naghahanap ng kapalit.”

RenegadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon