Point of View: KennesseHay. Natapos din buti nalang anim kami kaya 30 minutes lang natapos na agad. May 1 hour pa kami para kumain.
"Tara na punta na tayo sa cafeteria." Yaya ni Nick.
"Tara na gutom na ako e." Sabi ko naman.
"Dude basketball tayo mamayang uwian, pustahan!"
"Sige magkano pustahan?"
" Isang linggong allowance deal?"
"Deal." Sabay sabay naming Sabi.
Pagdating namin sa cafeteria as usual pinagtitinginan kami.
"Dude dumating na si Luke, galing US." Luke?
"Huh? Kanino mo naman iyan nalaman?"
"Kay Tita Lucy."
"Ayos kompleto na ang barkada. Zey ipapakilala ka namin kay Luke ah.""Geh ba basta ba matinong lalaki yan, mamaya manyak yan ah. Sasagasaan ko siya ng sports car ko."
"Haha babaero lang yung hindi naman manyak."
"Siguraduhin niyo lang."
"Nga pala saan tayo maglalaro mamaya?" Tanong ko
"Dito nalang." Sabi ni Zean
*Dismissal*
"Oy punta lang ako sa locker." Sabi ko sa kanila.
"O sige."
Naglakad na ako papuntang locker para kunin ang jogging pants ko at T-shirt. Tutal dismissal na rin.
Nagbihis na ako sa cr pagkatapos itinali ko yung buhok ko.
Papunta na sana ako sa court nang may marinig akong nagchichismisan.
"Oo nga mukha pa namang mamahalin yung kotse."
"Mamahalin talaga Porsche e."
"Oo pre nagasgasan e. Ganda pa naman ng kulay itim na itim."
Kotse ko yun ah.
Imbis na dumeresto sa court pumunta ako ng parking lot.
At oh my gosh sa spot ng kotse ko may nagtutumpukang tao.
Pagtingin ko
.
.
.
.
Sh*t yung Porsche koooDoon ko nakita yung lalaking nakatayo sa harap ng kotse ko.
Okay Zey calm down.
"Sino ang may gawa nito?"
"Ayy si Zeyrene pala ang may ari ng kotse nayan."
Walang sumagot sa tanong ko.
"Sino ang nakagasgas sa kotse ko?" Wala paring sumagot. Nakatingin lang sila pati yung lalaking nakatayo sa harap nito.
Kaya naman nainis na talaga ako.
"SASABIHIN NIYO O IUUNTOG KO KAYONG LAHAT SA WINDSHIELD NG KOTSE KO!!"
"Woah miss calm down."
"CALM DOWN GASGAS YUNG KOTSE KO TAPOS HINDI NIYO SASABIHIN SINO ANG MAY GAWA! TELL ME PAANO AKO HIHINAHON?!"
"Okay ako ang nakagasgas,babayaran ko lahat ng damage magk–––
"Where's your car?"
"Bakit mo nam––
"I repeat, where's your car?"
"Okay ayun oh." Turo niya sa gilid lang ng kotse ko.
"Okay."
"Okay, hindi ko na kailangan magbayad?"
"Yes."
"HAHAHAHA IBA NA TALAGA PAG GWAP–––
Hindi ko na siya pinatapos pumasok na ako sa loob ng kotse ko at inistart ang engine. INI atras ko sabay
.
.
.
.
Binangga ko rin ng kotse niya e di gasgas din. Napansin ko ring basag yung isa Kong windshield kaya bumaba ako at kinuha yung baseball bat sa likod ng kotse ko.At hinataw ko yung windshield ng kotse niya.
"Bayad ka na."
"What the heck!! Bat mo ginawa yun?!"
"Para naman fair diba? Di mo ko kailangan bayaran marami akong pera so gagawin ko nalang kung anong ginawa mo sa kotse ko, o diba fair na tayo."
[a/n:]
Sorna medyo maikli.
Hindi ma save e.
BINABASA MO ANG
A Women Who Can't Be Moved
Teen FictionMatapos maiwan ni Zeyrene ng kanyang ex-boyfriend ay nagbago ang lahat. Naging cold siya, brutal at man-hater, gayunpaman may lima siyang lalaking kaibigan at nadagdagan pa ng isa. Maayos na ang pamumuhay niya pero hindi niya mapigilan ang pagluha t...