CHAPTER 2- Me

32.6K 318 17
                                    

I dedicate this to my SUPER CRUSH Bryan Olano. Mwah mwah!! :** Ang pogi niyan mga kapatid tapos hindi pa snob. Pramis :D

I miss you Bryan labs. I love you from the bottom of my hippopotamus este hypothalamus.

You may also read his novel "Diary ng Pogi" guys. :))

I bring you "Seducing Mr. Pervert."

---------------

"Kiaraaaaaaaa!!"

"Tsk! Ano ba naman Che hindi po ako bingi. Ang daming taong nakatingin ohh. Baka akalain nilang may kaibigan akong baliw."

Nasa opisina po kami. Hindi ko nga alam kung bakit nandito ang bruheldang to. At base sa ngiti nito. Alam kong ipangangalandakan na naman niyang may boyfriend siya. Well kahit palagi akong pinapainggit niyan ay mahal ko yan. Ewwwness. Hahaha Magkaibigan na kasi kami since elementary days.

Anyways. Hi guys I am Miss Kiara Montez Salvador. I'm 24 years of age. No boyfriend since birth. Minsan ng kumiringking. Pakipot kaya nabokya hahaha. But without love life. Here I am still. Happy and contented.

Hindi naman kasi love life lang ang pweding magpasaya sa mundo noh. Tulad nalang ng ngiti ni Coco Martin. Ohh diva? Ngiti pa lang ulam na. Na imagine mo smile niya noh?

Well to continue my introduction Im the one and only daughter of Mr. Reagan Salvador and Miss Marie Anne Montez-Salvador (We got married). And the only sister of Red Montez Salvador (I'm yours. She's ours.-upcoming). But for a reason I am hiding in the name Kiara Matalinghaga Raymondo.

Hindi ako kriminal ahh! Sadyang may mga bagay lang sa mundo na hindi natin pweding maiwasan or pweding kung maiwasan man natin ay daraanan muna natin bago natin malagpasan. Ahy! Anbayan. Anlabo. Ayoko rin kasing ma treat na special kasi anak ako ng isang Reagan at Anne Salvador.

Alam niyo yung feeling na I'm contented of everything at kontento na ako sa mga taong malalapit sakin? Di ko na kakayanin ang isa pang bagahe. Kaya ito ako ngayon, proud single. Pero mga malalapit sa buhay ko? Pinagtutulakan akong magkaboyfriend. Naintindihan ko naman sila kaso talaga, parang feeling ko ayoko ng magkaasawa (asawa agad?) kung hindi rin naman si Coco Martin.

"Hoy! Kiara? Nakikinig ka ba?" Che

Ahy pasensya. Nakalimutan kong may kasama pala akong palaka hehehe.

"Kukak Kukak" pangagaya ko sa huni ng palaka. Sumimangot ito. "Ano nga yun?" tanong ko.

"Tsk. Bitter ka kasi."( •3•)

"Ehh may naisip lang po. Sige na. Continue na. " sabi ko habang inaayos ang na gamit ko. Pauwi narin kasi kami.

"Yun nga. Si papa Rico ko. Ang sweet sweet tsaka-"

I stopped her by facing my palm to her. Sabi ko na nga ba. Love life na naman.

"Talk to my hand." sabi ko. Saka isinabit sa balikat ko ang shoulder bag ko.

"Naman Bakla. Kailangan ko lang talagang ilabas to. Feeling ko kasi hindi ko kayang ako lang yung nakakaalam."

"Ang sabihin mo. Hindi mo kayang pigilan yang sarili mo na ipanghambog sa mundo kung gano kasweet yang boyfriend mo."

"Well partly. Sige na bakla pakinggan mo na ako. Please."

Naiiling akong tinignan siya. Yung kaibigan na kinukwento sayo detailed by detailed ang nangyari sa araw nito? First honor si Che nun. May sakit kayang ganun?

"Ayoko." sagot ko.

"Ang sama. Sige na. 5 minutes."

"A yo ko." ako pang niloko niya. Alam ko namang ang five minutes niya ay magiging five hours.

Seducing Mr. PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon