"Oie bakla wag ka na kasing pumasok at baka mas lumala pa yan. Ako ng bahalang magpaliwanag sa minamahal mong manyak." awat sakin ni Che.
"Ehh hindi naman deadly to ehh. Mild fever Lang po ito kaya wag masyado OA." paliwanag ko Kay Che.
At the end. Hindi rin niya ako napigilan. Pumasok ako ng opisina kahit na medyo nilalagnat ako.
Tinignan ko ang oras. It's 7:05am.
"Elen Bianca anjan na ba si sir?" ako
"Anjan na po ma'am. Mas nauna nga pong pumasok kesa sakin."
"If I'm not mistaken. You always come earlier than 6:30am right?" tanong ko dito.
"Yes ma'am."
"Kung ganon maaga nga ang isang yun."
"Oo nga ho ma'am. Isa pong napakalaking himala noh?"
Ngumiti ako sa sinabi niya. Isa ngang himala ang pumasok ng maaga ang isang Ian James Salvatore.
After ng pag-uusap namin ni Elen ay naging busy na ako. Ni hindi ko nakita sa personal ang face ni Ian. Tumatawag lang siya kapag may ipapagawa. At hindi ako ang timatawagan niya kundi si Elen.
Akala ko ba ako ang secretya niya? Ni hindi man lang nag abalang puntahan ako.
Lunch time.
"Ma'am Kiara hindi pa po ba kayo kakain?" tanong sakin ni Elen.
"Mamaya muna tapusin ko lang to."
"Sigurado ho kayo ma'am? Namumutla ho kayo. Siguro ho ay kailangan na ninyong kumain." almost a month na rin kaming magkasama kaya alam nitong sa tuwing namumutla ako ay pagkain lang ang katapat ko.
"Hindi na. Mamaya nalang. Baka may kailanganin si Sir." pag alibi ko pero ang totoo ay aabangan ko lang ang paglabas ni Ian.
"Sige ho ma'am. Mauna na ho ako. Magmamadali nalang ako para kayo naman ang makakain." pagkatapos nitong magpaalam ay umalis na nga ito.
Tatlong oras na ang nakalipas mula ng makabalik si Elen pero hindi parin ako nag lunch. Desidido akong hintayin si Ian.
Then....
A delivery came. It was Mr. Marcus delivering Ian's lunch.
Wow! At magla'lunch siya habang ako ay mamatay na sa gutom?
"Ako na hong magdadala sa loob Sir." sabi ko kay Mr. Markus. Makikihati talaga ako kay Ian pag pumayag si Sir na ako na ang magala.
"No need. But thanks." sagot nito saka pumasok sa loob ng office ni Sir.
Ilang minuto ay lumabas na si Mr.Marcus. Tapos ilang minuto ay narinig kong may lumabas ulit mula sa opisina ni Ian. Hindi ako nag abalang tignan siya. Galit ako kunwari. Naramdaman kong nilagpasan lang niya ako. Kaya napatayo na talaga ako.
"Hoy?"
He looked at me na kunot na kunot ang noo.
"What did you do to yourself?" tanong nito. Worried eyes. Magsasalita sana ako ng bigla akong nawalan ng lakas. I felt him holding me and supporting me.
"I thought you would love to see my smile. Ba't, bat ni hindi mo man lang ako kinumusta?" i mansge to tell him in a pale sweet voice then after that I feel like out of energy. Out of the world.
Ian's POV
"Shit ang init niya." lumingon ako kay Elen. "Call the company Doctor immediately." utos ko dito.
"Shit!" hindi ko napigilang mapamura ng maramdaman ko ang init niya. I was avoiding her kasi may sipon ako at ayaw ko naman siyang mahawa. Aasarin lang ako nun kaya sinadya ko talagang wag magpakita sa kanya.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Pervert
RomanceI am a woman contented with everything I have. Kontento na akong walang boyfriend kahit na lahat ng tao sa paligid ko ay ipinagtutulakang magkaboyfriend ako. But sad to say I have a reason not to fall in love again. I was hurt so I keep on stopping...