* KRINGGG! KRINGGG! KRINGGG! *
Oy si bessy tumatawag.
"Hello Bess asan ka na?" tanong ko kaagad sa kanya pagkasagot ko ng telepono. May usapan kasi kaming susunduin niya ako sa bahay dahil marami akong dadalhin na mga gamit sa school ngayon.
"Bess sorry. Hindi ako makakapunta diyan eh. Sinundo kasi ako ni Kurt sa bahay . May pupuntahan lang kami saglit." paliwanag niya.
"Naku naman bess. Pinagpalit mo na ako sa boyfriend mo ah."nagtatampo kung sagot sa kanya.
"Bess naman eh. Hindi naman sa ganun kaya lang hindi ko matanggihan si Kurt eh. Tsaka importante daw ang pupuntahan namin." sabi naman niya.
"Babawi na lang ako sayo pangako. Ay. Ililibre na lang kita ng ice cream mamaya. Ok ba yun bess? hehe." Walanjo talaga tong bestfriend ko.Tinatarget na naman ang kahinaan ko.
"Sinusuhulan mo na naman ako bess ah." sagot ko sa kanya.
"Ehh. Cge na. One gallon of rocky road ice cream with almonds on top ayaw mo?" pangungulit pa rin niya.
"Wahhhh.! Ang sarap naman niyan. Sige na nga. Damihan mo ng almonds ah." Wahhh! Ini-imagine ko pa lang eh naglalaway na ako sa ice cream. Hehehe. Ang sarap kaya nun.
"Hahaha. Sabi ko na nga ba eh. Bibigay ka rin. Sige bess ahh kita na lang tayo mamaya."sabi niya.
"Ay oo nga pala bess muntik ko ng makalimutan, may ibang susundo sayo diyan." pahabol na sabi niya.
"Wow! Talaga bess? Salamat naman. Sino susundo sakin bess?", salamat naman at hindi ako mahihirapan sa mga dala ko.
"Si Chris bess. Siya yung pinakiusapan ni Kurt na sumundo sayo since malapit lang din naman ang bahay niyo sa kanila. " sabi niya.
"What? Aiolli naman bakit si Christian pa? Alam mo namang hindi kami nagkakasundo nun." nakasimangot kong sabi.
"Hayaan mo na bess. Siya lang din naman ang malapit sa bahay niyo. Sige na bess. Hintayin mo na lang siya diyan ah. On the way na daw siya eh. Kita na lang tayo sa school ah. Baboosh bess." nagmamadali niyang sabi.
"Sige bess. Baboosh din." Naman eh. Bakit si Christian pa. Kaasar. Ang sungit-sungit kaya nun sakin eh.
"Camille may naghahanap sayo . Bumaba ka na diyan. Chris daw! ", sigaw ni mama galing sala.
"Andiyan na po Ma. Saglit lang!" Dali dali kong kinuha yung mga dadalhin ko at bumaba na. Natagalan pa ako sa pagbaba ng hagdanan dahil sa dami ng bitbit ko. Aishh. Bakit ba kasi ako pa ang pinagawa ng props namin para sa play. Tapos nagkasabay pa sa project ko na model ng DNA structure.
"Alis na po ako ma.", sigaw ko kay mama. Nasa kusina na kasi siya.
"Oh siya mag-ingat ka .", sagot naman niya.
Paglabas ko ng gate namin eh nakita ko na kaagad si Chris na nakatayo sa gilid ng kotse niya. Nakapamulsa ang dalawang kamay at nakatitig lang sakin.
Hayyy! Bakit ang cool niya tingnan. Ang gwapo- gwapo pa. Aishhh. Erase- erase . Hindi siya cool. Masungit siya. Tama. Masungit.
Tsk. Hindi man lang ako tinulungan ng mokong. Kaasar. Napaka ungentleman talaga.
"Bilisan mo nga. Ang bagal- bagal kumilos. Ma la-late na tayo niyan eh." nakasimangot niyang sabi. See? Sabi ko sa inyo eh. Masungit yan. Talo pa ang babaeng may dalaw sa kasungitan. Ang nakakainis lang eh sakin lang talaga siya nagsusungit. Bwesit.
"Kung tulungan mo kaya ako dito. Hindi yang nakatunganga ka lang dyan." asar kung sagot sa kanya.
"Bakit? Akin ba ang mga yan?" Naman. Ang sarap talagang tirisin ng mokong na to. Kung hindi lang talaga ako makikisabay. Nahh. Nunca.

BINABASA MO ANG
Thirty Minutes [One Sh♥t]
Teen FictionPosible kayang magbago ang iyong buhay pag-ibig in a span of THIRTY MINUTES?