EPILOGUE.
AUTHOR'S POV.
10 years after."Atty. Castiliogne, maraming maraming salamat po!" Sabi ng defendant pagkalabas nila sa korte. Napatunayan kasi ni Rain na hindi guilty ang kaniyang defendant. Inaakusahan kasi siya bilang murderer sa case ng isang estudyanteng si Serys na pinatay sa kanilang classroom. Noong matapos kasi mangyari ang patayan, nahanap niya si Serys sa classroom na patay na. Siya ang huling tao dun kaya nung nakarating ang mga police ay siya ang pinagbintangan na murderer. Noong hinuli siya ng mga police ay nabangga siya at nacomatose pero ilang buwan din, he woke up pero kinasuhan siya ng mga magulang ni Serys kahit na may witness na nagsabing inamin ng tunay na murderer na siya ang pumatay kay Serys, hindi pa rin naniwala ang mga magulang nito dahil walang ironclad na ebidensya. Nawala kasi yung nirecord na ebidensya ng witness pero kanina lang ay nadala na niya ito sa korte.
"Walang anuman, Jeremy. Alam ko una palang na hindi ikaw ang pumatay kay Serys." Sabi ni Rain habang naglalakad na sila palabas. Sunod ng sunod naman sa kaniya si Jeremy para pasalamatan.
"Talaga?! Pero bakit nung unang hearing, parang ayaw mo pa nga akong ipaglaban?" Sabi ni Jeremy.
"Dahil wala kang matinong ebidensya nun na hindi ikaw ang pumatay sa kaniya. " Sabi ni Rain.
"Pero bakit ginawa mo yata ang lahat para ipaglaban ako? Pwede mo naman akong pabayaan na makulong, diba?" Tanong ni Jeremy. Nacurious lang siya kasi halos lahat naman talaga hindi naniniwala na hindi siya ang pumatay kay Serys.
"Pwede nga. But the more we talked about the case.." Tumigil naman si Rain at hinarap siya. "The more kong nakikita sa iyong mga mata na mahal na mahal mo si Serys at hindi mo iyon magagawa sa kaniya."
Napangiti naman si Jeremy nun. "Ikaw lang yata ang nakapansin niyan, Atty."
"Alam mo, minsan kasi, napapabintangan ka kasi akala ng mga tao na masama ang intention mo, akala kasi nila minsan, hindi talaga marunong magmahal ang mga lalaki. Para sa kanila, gasgas na kasi ang pagmamahal lalo na sa mga ganitong sitwasyon. At dahil ang unang ebedensyang lumabas ay nagpapatunay na ikaw ang pumatay kay Serys, kaya ikaw ang pinagbintangan. Naniniwala nga ako na ikaw ang pumatay. Pero naalala ko, na minsan, ang tunay na ebedensya ay nandiyan." Tinuro ni Rain ang kaniyang left chest.
"Wow, Atty! The best ka talaga!" Sabi ni Jeremy. "Marami po talagang salamat!" Nagngitian naman silang dalawa.
"Jeremy!" May tumawag bigla kay Jeremy at paglingon nito sa kanila ay isa itong babae at papunta na rin ito sa kanila. "Congrats! Sa wakas, napatunayan rin natin!"
"Maraming salamat, Thalia! Alam kong hinanap mo talaga yung ebedensya para mailigtas ako." Si Thalia kasi ang witness.
"Sure, no problem!" Sabi ni Thalia.
"Sige, mauna na ako sa inyong dalawa." Nagpaalam na si Rain at lumabas na siya para makapagkape na muna sa paborito niyang kainan. Umuulan kasi nun at wala pa siyang tulog dahil sa susunod sunod niyang kaso.
BINABASA MO ANG
Hated by the Gangster Prince
Teen FictionShe made the Gangster Prince hate but she also made him love for the first time. (I won't edit this anymore, ganun pa rin naman ang kalabasan kaya pagpasensyahan na ang grammatical and typos)