Chapter 1 - Timing

14.2K 176 20
                                        

[Jake’s POV]

"Ano ba 'to si Kara? Ako pa talaga ang pinabili? Ano ba dito 'yon?", sambit ni Jake sa sarili nya habang hinahanap ang bagay na pinabibili sa grocery ng pinsang nyang si Kara.

Sa pagtyatyagang umikot, nakita nya rin iyon sa wakas, pero nag-iisa na lang ito sa lagayan.

Kinuha nya agad ito pero nagulat sya ng biglang may kasabay syang kamay na humawak sa bagay na yon.

Lumingon sya at nagkatinginan sila ng isang babae.

Big eyes. Pretty face. Jake thought.

Handsome. Pero bakit sya bumibili ng feminine wash? The girl thought.

Nahiya si Jake sa pagkaka-realize nya na nakahawak pa pala sya sa kamay ng babae kaya dali-dali syang bumitiw doon at humingi ng paumanhin.

"Sorry Miss", nahihiyang sabi nya.

Ngumiti sa kanya ang babae, "Okay lang 'yon."

"Sige Miss, sayo na lang 'yan", sabi ni Jake sa babae.

"Hindi. Sige, sayo na. Ikaw naman ang nauna eh", sabi ng babae sa kanya.

"Hindi. Ikaw talaga yung nauna na kumuha, kasi tignan mo nasa ibabaw yung kamay ko", nakangiting sabi ni Jake sa babae.

"Okay lang. Baka pagalitan ka ng girlfriend mo pag hindi mo yan nabili. Makakahanap pa naman siguro ako sa ibang store", nakangiting sabi ng babae.

"Girlfriend? Hindi. Wala. Sa pinsan ko sana. Pero sige sa'yo na lang muna", sabi ni Jake.

"Hindi. Baka magalit pinsan mo. Sa'yo na lang", nakangiting sabi ulit ng babae.

"Sasabihin ko na lang sa kanya na wala", sabi ni Jake.

"Pero paa-----", sabi ng babae pero naputol na sya pagsasalita nya ng biglang may isang babae ang sumulpot sa gitna nila at kinuha ang feminine wash na tinutukoy nila ni Jake.

Parehas silang napa-nganga ng bahagya dahil doon.

Pero ilang segundo lang ay parehas na silang natawa sa nangyari.

The Right WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon