Chapter 4 - Smiles

7.9K 160 42
                                    

[Jake's POV]

~Happy birthday to you,

Happy birthday to you,

Happy birthday, happy birthdaaay,

Happy birthdaaay Aaron!~

 

Pagkanta ng buong barkada kay Aaron. Actually kahapon pa ang birthday nya pero dahil lahat kami ay may pasok sa trabaho, ngayon na lang kami nag-celebrate.

Si Laureen ang may hawak ng heart-shaped strawberry cake at si Lance naman ang nagsindi ng kandila nito.

Andito kami ngayon sa may pool sa may clubhouse nila. Swimming ang napagtripan namin para i-celebrate ang birthday nya. Hindi na kami nag-plan ng malayong byahe para di aksya sa oras, isa pa ayaw din ni Aaron.

Kanina pa nakasimangot ang birthday boy.

“Happy birthday A!”, lumapit si Kara sa kanya at bumeso dito.

Tinapik naman ni Luigi ang balikat ni Aaron, “Happy birthday pare! Wag ka ng sumimangot!”

“Oo nga A, wag ka na sumimangot, dali na. Tignan mo o ang ganda ng cake mo, si Charm ang nagpabili nito. Tignan mo heart shape o”, pangungumbinsi ni Laureen sa kanya.

“Si Love naman kasi, sabi nya uuwi sya for my birthday! Tapos ano na? Hanggang ngayon andon pa din sa Australia. Sino magiging happy nyan?”, angal ni Aaron.

“Oo nga, wag ng sumimangot Aaron! Birthday mo o!”, sabi ni Lance sa kanya atsaka ginulo ang buhok ni Aaron.

“Naman eh! Wag buhok ko Lance!”, maktol ni Aaron.

“Ang vain mo Aaron! Magbago ka na nga!”, sabi ko sa kanya.

“Ikaw ang magbago! Hanapin mo na yang Feminine Wash Girl mo!”, sagot nito sa akin.

“OO NGA JAKE!” – Lance

“I second the motion!” – Luigi

“Tigil na nga kayo!”, sabi ko sa kanilang lahat.

Kung hindi si Aaron ang pinaguusapan, pabalik-balik kami sa usapang Katherine Sarmiento, na kanina pa nilang pinipilit na hanapin ko na daw.

Lagi ko pa din syang naiisip.

Ang mga mata nya, ang mukha nya.

Apat na beses ko na din syang napapanaginipan.

At minsan, nakikita ko na lang ang sarili ko na hawak-hawak ang dalawang calling cards. Ang malala, pag hawak ko na ang mga calling cards na iyon, dina-dial ko sa telepono ko ang number na nakalagay don. Na lagi naman hindi makontak.

The Right WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon