[Katherine’s POV]
“Good morniiiiiiing Ms. Sarmientoooo!”
Masayang sabi ng isang babae ng bumukas ang pinto.
Sumagot ako ng walang lingon-lingon sa bumati sa akin, kilala ko na ang boses na yon, “Good morning Sars. Mukhang masaya ka ah!”
Si Sarah, ang isa sa tatlo kong pinakamalalapit na kaibigan. Magkakilala na kami nung college pa, kaya lang tumigil si Sarah sa pag-aaral nung first year, dahil hindi na sya kayang pag-aralin ng mga magulang nya.
Yung isa si Anne na nasa Amerika na ngayon at happily married. Yung huli naman si Rica na maya-maya lang ay darating na din dito para mangulit, kasama ang boyfriend nyang si Royce na sobra ding mabait.
“Syempre!”, sagot ni Sarah sa akin, “Ikaw lang naman ‘tong bugnutin dyan!”, dagdag nya pa.
“May ganon talaga Sars?”, nilakihan ko sya ng mga mata.
“Ang laki! Malaki na nga, pinalaki pa!”, tumatawa at nang-aasar na sabi ni Sarah sa akin.
“Sisantihen kaya kita!”, pabirong pagbabanta ko sa kanya.
Sa flower shop ko nagtatrabaho si Sarah. Actually sosyo kami ni Rica, sa akin ang kalahating bahagi ng shop – ang flowershop, at sa kanya naman ang kalahati na for gift wrapping and invitation making.
Sa yaman ni Rica, hobby nya lang yan. Ako naman may permanent job kaya si Sarah ang namamahala sa flowershop pag weekdays. Tumatao lang ako pag holidays at weekends. Mahalaga sa akin ang flowershop na ito. Sobrang mahalaga.
“Asush, hindi mo naman gagawin yun eh, kasi love mo ako!”, malambing na sabi ni Sarah na pinatong pa ang baba nya sa balikat ko.
“Che! Isang araw gagawin ko yun, akala mo ah!” pagbabanta ko ulit.
“Weh?”
“Sinusubukan mo talaga ako Sars?”
“Achu-chush”, pangingiliti ni Sarah sa akin, “Ang ganda mo talaga Kat! Lalo na yang mga mata mo! Asset mo talaga yan! Hihi”
“Haha. Gaga!”, sabi ko kanya, “Sipsip!”
“Oo kaya, mapungay eh! Tsaka ang haba ng mga pilikmata mo. Hihi”
“Sige sipsip pa Sars! Hahahaha”
“Hahahaha”
“Kamusta ang kita natin?”, pagtatanong ko sa kanya.
“Okay naman ang kita this week. Madaming galanteng boyfriend ang bumili ng mga boquets. Haha. Tapos pala Kat, may isang engagement event tayo, bahala na daw tayo sa design flowers sa event, basta daw red and white roses”, masayang balita nya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Right Way
General Fiction‘The best way to a man’s heart is through his stomach’. Pero paano naman sa mga babae? Ano nga ba ang right way to a woman’s heart? Join Jacob de Vera, a no expert in love and girls, as his world collide with Katherine Sarmiento’s -- and as he take...
