Chapter 5 [Part 1] - Prospect

7.3K 112 18
                                        

[Jake's POV]

~Funny how I fell for you

And the day you caught my eye

And my life have never been the same

Since the day I saw your smile~

Pagkanta at pag-gitara ko sa loob ng kwarto ko habang nakabukas ang sliding doors ko papunta sa may terrace.

Nagulat na lang ako ng sumabay sa akin si Kara sa pagkanta, sumulpot ito bigla, pero pinagpatuloy ko lang ang pag-gitara at hinayaan syang kumanta. Bukod sa magaling sumayaw si Kara, in fact cheerleader sya nung college pa kami, ay maganda din ang boses nito.

~As you shine above from everyone

You stand out from the crowd

Somehow I can't find the words to say

You're indescribable~

Nagsabay kaming dalawa pagkatapos:

~And you sweep me off my feet

Everytime you smile at me, at me, at me

You light my way, you always take my breath away

You set me free, when everytime you smile at me~

"Kabisado mo Kars?", tanong ko kay Kara ng yumapos ito sa balikat ko.

"Panong hindi? Palagi kong naririnig sa'yo", sabi nya sa akin.

"Haha"

"Jacob!"

"Ow?", sagot ko sa kanya.

"May papakita ako sayo sa baba", sabi nito.

"Ano yon?", tanong ko sa kanya kasabay ang pagtayo ko sa upuan ko at paglapag ng gitara ko sa mesa.

"Eh basta! Come with me downstairs!", yaya nya sa akin.

Nakahawak sya sa braso ko habang naglalakad kami pababa.

Tumambad sa akin ang napakadaming kalat sa sala.

Telephone directories. News papers. At si Lance at Luigi na naka-laptop.

"Anong ginagawa nyo dito?", tanong ko sa dalawa.

"Holiday. Si Laureen ka-date si Charm at Aaron", sagot ni Luigi.

"Ako, wala akong gagawin, Project Finding Grocery Girl ako today", sabi ni Lance na naka-suot pa ng eye glasses na may makapal na itim na frame.

"Finding grocery girl?", natawa ako sa sinabi nya. Sumiksik ako sa gitna nilang dalawa ni Luigi.

"Anong ginagawa nyo ngayon?", tanong ko sa kanila, tumingin ako sa screen ni Lance.

Google.

Katherine Sarmiento.

Tumingin naman ko sa screen ni Luigi.

Facebook.

Si Kara naman busyng-busy sa pagbubuklat ng mga kung anu-anong papel.

"Tumulong ka kaya!", narinig kong sabi ni Kara.

"Oo nga", sabi ni Luigi sa akin ng hindi natingin.

"Grabe naman, napaka-common ng pangalan nya, ang daming Katherine Sarmiento! Silipin mo nga yung profile pic kung sya 'to", sabi ni Luigi sa akin.

"Hindi sya yan, singkit yan eh", sabi ko sa kanya.

"Eh ito?", sabi ulit ni Luigi.

"Hindi din, ang bata nyan Gi!", sabi ko. Siraulo 'tong kaibigan ko.

The Right WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon