Chapter 3 - Jacob de Vera

8.5K 170 39
                                    

[Jake’s POV]

 

“Ano ba yan ang purol namaaaan!”, pang-aasar ni Lance sa akin habang nagwa-one on one kaming dalawa sa paglalaro ng basketball, “Asan ba si Aaron? Nakakatamad kang kalaro Jake!”, sabi pa nya.

Kaka-shoot nya lang kasi kanina. At ng hinawakan ko ang bola ay agad nya yung naagaw sa akin.

“Ang yabang mo Lance! Badminton tayo?”, hamon ko sa kanya.

“Hahahahaha”, masarap na tawa ng bestfriend kong si Luigi na nakaupo sa isang sulok at nagpupunas ng pawis, “Ikaw talaga Lance, pagbigyan mo na si Jake. Walang tulog yan!”, pang-aasar nya.

“Anong walang tulog? Sir aka Gi!”, inagaw ko kay Lance and bola at binato ko iyon kay Luigi. Tinamaan sya sa hita, pero imbis na masaktan ay tumawa lang sya ng mas malakas pa.

“HAHAHAHAHAHAHA”

“Bakit wala kang tulog Jacob?”, tanong ni Lance habang naglalakad pabalik sa mga upuan at nagpupunas ng pawis nya.

Andito kami sa likod bahay namin. Dito na kami naglalaro ng basketball kahit nung high school pa kami ni Luigi. Part ng varsity ng basketball sina Lance at Luigi nung college pa kami. Habang ako sa badminton naman. Marunong akong maglaro ng basketball pero mas prefer ko lang ang badminton.

“Someone’s smitten yiheeeee!”, sabi ng boses ng isang babae.

“Sige, gatong pa Laureen!”, sabi ko kay Laureen na fiancée ni Luigi. Dumating ito na may hawak na tray ng mga baso.

“Hahahaha. Ang pikon mo Jake!”, sagot ni Laureen na tumatawa, “Honey! Juice?”, nakangiting tanong ni Laureen kay Luigi, lumapit sya kay Luigi at inabutan ito ng inumin.

“Thank you Hon. You really are the best! I love you”, sagot ni Luigi kay Laureen, at hinatak si Laureen para paupuin sa lap nya. Hinalikan din ni Luigi si Laureen sa pisngi.

Ngumiti lang sa kanya si Laureen at pinindot ang pisngi ni Luigi, “Ang gwapo mo pa din kahit pawis!”, sabi ni Laureen.

“Bolera honey ko ah!”, sagot ni Gi at tinusok sa tagiliran si Laureen.

“Aisssssssshh”, asar na sabi ni Aaron na sumulpot kasama ng pinsan kong si Kara. May hawak naman na tray si Aaron na may lamang pagkain. Kasama din si Aaron sa varsity ng basketball team namin nung  pa kami pero wala daw syang ganang maglaro ngayon.

“Inggit much Aaron?”, nakataas kilay na sabi ni Kara kay Aaron.

“Kasi naman eh! Ang tagal umuwi ni Love eh”, pagmamaktol ni Aaron na sumalampak sa isang upuan doon, “Miss ko na talaga yun eh. Magtu-2 weeks na sya don sa Australia. 2 days pa hihintayin ko! Ang tagal-tagal pa non!”

“Hahahahaha. Ang OA mo ‘A’! 2 days na lang eh”, sabi ko sa kanya.

The Right WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon