[Jake's POV]
"Engot ka talaga Ken!", narinig kong bulong ni Aaron habang hinahatak siya papalayo ni Ken sa aming lahat. "Love, samahan ko lang si Ken", dagdag na sabi niya kay Charm.
Nakita kong kumunot ang mga noo nina Charm at Kara sa nangyari. Pero maya-maya pa ay halos sabay din silang napa-nganga. Nauna si Kara na makabawi.
"Charm, samahan natin si April na ayusin ang damit ni Eka, parang nadumihan na siya", nakangiting sabi ni Kara. Hindi siya nakatingin sa akin dahil nakaharap siya kay Charm pero kitang-kita ko ang ngiti niya kahit nakatagilid ito sa akin. Nag-side glance siya sa akin, mabilis na ngumiti at hinatak sina April at Charm papalayo.
"Ah eh", is what I managed to say, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
"Hello Katherine", narinig kong sabi ni Lance atsaka iniabot ang kamay niya para makipag-hand shake.
Hindi gumalaw si Katherine, hindi niya iniabot ang kamay niya kay Lance, patuloy lang siyang tumingin sa mga taong naiwan sa paligid niya. Nagpasalin-salin ang tingin niya sa akin, kay Lance at Luigi. Kay Luigi siya napatingin ng mas matagal pero naagaw ni Lance ang atensyon niya ulit.
"Katherine", sabi ulit ni Lance kasabay ang pagturo nito sa nakadikit na sticker tag sa itaas na bahagi ng kaliwang dibdib ni Katherine.
Napatingin si Katherine sa itinuturo ni Lance.
"Nakalagay sa tag mo ang pangalan mo", nakangiting sabi ni Luigi sa kanya.
Iniangat ni Katherine ang mukha niya at tumingin pabalik sa amin atsaka ngumiti, "Oo nga pala, may tag kaming mga organizer ng event na ito", sabi niya.
Ngumiti siya ng mabilis sa aming tatlo.
"Luigi", inabot ni Luigi ang kamay. Tinanggap iyon ni Katherine.
"Lance", pag-abot din ng kamay ni Lance ay nakipagkamay din si Katherine sa kanya.
"O paano, hintayin ko si Laureen sa labas", sabi ni Luigi sa akin. Tinapik ako nito sa balikat.
"Samahan kita Gi", sabi ni Lance sa kanya. Ngumiti ang dalawa sa akin atsaka naglakad.
Pero huminto si Luigi at nagsalita, humarap siya kay Katherine, "Alam mo pamilyar ka sa akin, pero di ko alam kung paano", ngumiti siya kay Katherine. Ngumiti lang din si Katherine sa kanya atsaka tuluyang umalis sina Luigi at Lance.
Naiwan kaming dalawa ni Katherine doon. Yung Sars na kasama ni Katherine ay ngumiti lang sa kanya pagkatapos ay inatupag na ang pagpapatuloy sa paglilinis nahulog na bulaklak at vase.
"Ha-hi", mahina kong sabi.
"Hello", nakangiting sabi ni Katherine sa akin.
Parang sasabog sa kaba ang dibdib ko sa boses niya.
"Katherine", sabi niya, "Kat na lang para maiksi", sabi niya pa.
"Jacob", sabi ko naman, "Jake na lang para mas maiksi", ang sinabi ko, hindi ko alam kung saan nanggaling ang pagbibiro ko.
Tumawa siya ng kaunti sa sinabi ko. Lumiit ang mga mata niya at namula ang mga pisngi niya. Napakaganda talaga niya.
"Jake.... para mas maiksi. Okay, Jake", pag-ulit niya.
Namula rin ata ako dahil uminit ang mga tenga ko.
Iniabot ko ang kamay ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at iniabot din ang kamay niya.
Mainit.
Mainit ang kamay niya.
Ngumiti ako sa kanya saglit atsaka binitawan ang kamay niya.
"Pa'no, may mga gagawin pa kami ni Sars, do'n na muna ako", sabi niya.
Tumango ako sa kanya, tumango din siya atsaka tuluyang tumalikod at naglakad papalayo.
Pinagmasdan ko lang siyang lumakad. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang buhok niyang nakatali na gumagalaw habang naglalakad siya.
Nawala ang ngiti ko dahil sa pagkagulat ko ng bigla itong humarap sa akin.
"Ikaw nga ba yung nasa grocery?", tanong niya sa akin.
"Ha? Ah eh, o-oo", nahihiya kong sabi ng maalala na nagkasabay kami sa paghawak sa feminine wash sa grocery.
Ngumiti siya ulit at tumango, "Nice meeting you Jake. Second time na 'to", sabi niya atsaka tuluyang umalis.
Ngumiti ako pagkatalikod niya.
Nope.
Mali ka Kat.
This is the third time.
-----------------------------------------------------------------------------
;)
BINABASA MO ANG
The Right Way
Художественная проза‘The best way to a man’s heart is through his stomach’. Pero paano naman sa mga babae? Ano nga ba ang right way to a woman’s heart? Join Jacob de Vera, a no expert in love and girls, as his world collide with Katherine Sarmiento’s -- and as he take...