[Kat's POV]
Pumasok ako sa banyo at hinayaan ang tubig na umagos sa katawan ko.
Gusto kong makapag-relax kahit papaano.
Kanina pa ako nag-iisip sa kalsada habang nagda-drive ako pauwi. Pero kahit paulit-ulit na iwasan kong balikan ang alaala ng gabing iyon kung saan una kong nakita ang lalaki kanina sa shop ay wala pa din. Doon at doon pa din ako dinadala ng isip ko. Gaya ngayon, habang dumadaloy ang tubig sa balat ko.
Lumabas ako sa banyo at humiga sa kama ko pagkabihis ko, pumikit at nagpatalo na lang na dalhin ako ng isip ko sa ala-alang kanina ko pa pinipigilan.
Kahit matagal na ang panahon na lumipas, malinaw pa din ito sa memorya ko.
****Flashback1****
Sa sobrang inis ko sa pagmamaneho, hindi ko na namalayan ang mabilis na sasakyan na parating.
Bigla akong napa-preno.
*BEEEEEEEEEEEEEEEEP*
Bumaba ako ng sasakyan na minamaneho ko ng gabing iyon para katukin ang bintana ng taong nasa kabilang kotse at awayin iyon.
"What the heck! Magpapakamatay k aba? Kung magpapakamatay ka, wag kang mang-damay ng iba! Ginasgasan mo ang kotse ko kaya ikaw ang magpa-ayos nito!", galit na galit kong sabi sa kanya, kasabay ang pagbato ng calling card.
"I'm s-sorry, p-pasensya na. Pasensya ka na talaga", mahinang sabi ng lalaki.
Hindi ko alam pero may kung ano na nangibabaw bigla sa akin ng makita ang nanlulumong mukha ng lalaki. Mukhang may malalim itong alalahanin. Pinagsisihan ko bigla na bumwelta ako agad ng galit.
Tumango ako sa kanya, "O-okay sige, mag-ingat ka na lang sa pag-drive", mahina kong sabi sa lalaki. Ngumiti din ako ng bahagya at sana ay makabawas kahit papano sa kung ano man ang nararamdaman nya.
****End of Flashback1****
Sana ay hindi ko na din binato ang calling na 'yon.
Calling card.
Apat lang ang kopya ko noon .
Ang una na pinasa ko sa school bilang assignment.
Ang ikalawa na binato ko sa lalaki. Muli kong inalala ang mga detalye kung paano ako napunta sa kalsada ng gabing iyon.
****Flashback2****
"Ano bang kaylangan mo? Anong oras na? Bakit nanggi-gising ka pa ng taong natutulog na?", naiinis na sabi ko sa telepono ko ng mag-ring ito sa kalagitnaan ng tulog ko.
"Anong sabi mo?", sabi ng isang boses ng lalaki sa kabilang linya.
"Ang sabi ko ho, sige na, anong ipapagawa nyo?", pagsuko ko, wala naman akong magagawa laban sa taong ito eh.
"I need you to be here in 30 minutes."
"30 minutes? Nasisiraan ka na ba ng ulo? Madaling araw pa, paano ako makakapunta dyan in 30 minutes?", angal ko sa kanya.
"I don't care. Take a cab."
"Wala akong sobrang pera!", sagot ko sa kanya. Nakakainis talaga minsan ang taong 'to.
"I'll pay you. 30 minutes. You better wash your face now and hit the road."
"Pero naman! Hello! Hello! Huy! Asan ka na?", binabaan na ako nito ng telepono.
Kung malambot lang ang cellphone ko napisa na ito sa sobrang higpit ng hawak ko dahil sa inis. Inisip kong ibato iyon pero hindi ko tinuloy. Sayang.
Nagmadali akong magpalit ng pantalon at t-shirt at sinunod sya, nag-para ng taxi at sinabi sa driver ang address ng bahay nya.
Pagdating ko doon ay inabutan ako nito ng isang box ng chocolate.
Paminsan din naman nakakatuwa sya.
Pero bago pa ako ngumiti dahil sa chocolate na binigay nya ay inunahan na ako nito, "Not for you. For Melissa. Hurry up. Here's my car key. Bring that and these flowers to her."
Nakaka-asar!
"At bakit ako?", tanong ko sa kanya.
"Why not you?", sabi nya sakin. Tinignan pa ako nito ng pasuplado atsaka umalis sa harap ko.
"Anong sasabihin ko sa kanya? Sorry? Siguro may kasalanan ka na naman no!", umamba akong susuntukin sya, nakatalikod naman kasi ito sa akin.
"Mind your own business. Don't say anything. Just give them to her", sabi nya at tuluyan ng umalis.
Ginamit ko ang kotse nya at nagdrive papunta kina Melissa. Si Melissa ang girlfriend nya noon.
Nakakainis talaga ang taong yon! Saksakan! Na-absorb ako sa sarili kong pag-iisip kaya hindi ko na namalayan ang isang mabilis na sasakyan....
****End of flashback2****
Ang ikatlo na pinunit ko sa sobrang inis ko sa kayabanan ng gumawa non.
At ang ika-apat na kopya na muling pina-print ng gumawa bilang alaala daw ng pagsisimula ng pagkakaibigan naming dalawa.
Ang ika-apat na pinakatagu-tago ko sa wallet ko simula noon.
Tumayo ako sa kama ko at kinuha ang bag ko, kinuha ang wallet ko sa intensyong hanapin ang calling card at muling makita ang detalye ng mga iyon.
Hinanap ko iyon pero hindi ko ito makita. Lahat ng gamit ko na nakalagay sa loob ng bag ko ay inilabas ko na din. Pinagpag ko na din ang bag ko para makasiguro.
Pero wala.
My heart sank.
Asan na iyon?
Mahalaga iyon sa akin.
Sumikip ang dibdib ko.
At uminit ang gilid ng mga mata ko sa ideyang wala na ito.
Nag-umpisang mabasa ang mga pisngi ko.
Emman. Im sorry. Nawala ko ang pendant. Nawala ko din ang calling card. Sorry. Sorry.
Sabi ko sa isip ko habang niyayakap ang unan ko.
Ang gumawa ng calling card na 'yon at ang taong nag-utos sa akin lumabas ng bahay ay iisa. Si Emman.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Right Way
Genel Kurgu‘The best way to a man’s heart is through his stomach’. Pero paano naman sa mga babae? Ano nga ba ang right way to a woman’s heart? Join Jacob de Vera, a no expert in love and girls, as his world collide with Katherine Sarmiento’s -- and as he take...