Chapter 9 [Part 2] - Lezzz Do This

10.6K 271 184
                                    

[Jake's POV]

"Ha? Ngayon agad?", tanong ko kay Lance.

"Andito na tayo, sayang oras!"

"Oo nga, andito na tayo Jake", pagsang-ayon ni Gi.

"Okay. Here we go", sabi ni Lance habang nilalabas ang isang maliit na black notebook sa bulsa ng pantalon niya.

"Putik! Buhay pa yan?", nagtatakang tanong ni Luigi sa kanya.

"Syempre naman!", tumatawang sagot ni Lance.

"Ano 'yan?", tanong ko kay Lance.

"Ito? Ito ang makapangyarihang Black Book namin ni Luigi nung college, tips and tricks!", sabay kindat ni Lance.

"Wag mong papakita kay Laureen yan Lance, patay tayo diyan, baka mayari ako", sabi ni Luigi ng pabiro.

"Haha. No prob bro. Alam ko 'yon!", tumatawang sagot ni Lance, "Alright! Number one: Find a target", sabi ni Lance.

"Jake already has his target", tinapik ni Luigi ang balikat ko.

Kinakabahan ako sa kanilang dalawa.

"Number two: Get your target, by hook or by crook! Two steps lang!", sabi ni Lance.

Tumawa si Luigi doon, "Ang g*go natin nung college Lance no!"

"Haha. No! Were brilliant kamo!", sabi ni Lance.

"Pucha. Two steps? Akala ko tips and tricks?", tanong ko sa kanila.

"Haha. Wag ka mag-alala, tignan mo", pinakita sa akin ni Lance ang nakasulat sa maliit na notebook.

Nakita ko ang nakasulat sa notebook. Mukha itong luma na. Sulat kamay iyon ni Luigi, hindi ako pwedeng magkamali.

Napailing ako kay Gi. Magbestfriends kami pero wala kaming ganito. Sila kasi ni Lance ang tandem sa kalokohan sa babae nung college.

"O bakit, tagal na 'yan eh. Hahaha!", depensa ni Luigi.

"Haha. Yan lang ang general idea. Get your target. Nasa sunod na pages ang tips and tricks", natatawang sabi ni Lance.

Pinagpatuloy ko ang pagbrowse sa maliit na notebook, "Ang g*go niyo nga", natatawa kong sabi sa kanila, binasa ko ang isa, "Conversation starter: Pretend the girl reminds you of someone or she looks familiar. This way, you'll get here attention."

"Haha. Favorite ni Lance 'yan!", nakangiting sabi ni Luigi.

"Favorite naman ni Gi is yung mga girls na nagiisa lang sa bar! Na-Laureen tuloy siya! Hahahaha

Sa bar unang nagkakilala si Luigi at Laureen. Naalala ko iyon dahil andoon ako at ito ang naging simula nila.

"HAHAHAHA", malakas na tawa ni Gi.

------------------------------

"Pucha. Teka lang, hinay-hinay bros! Kinakabahan ako sa inyo!"

"Haha. Ganon talaga. Kaya ka ganyan kasi gusto mo siya. Kinakabahan ka kasi totoo ang nararamdaman mo", sabi ni Luigi.

Ngumiti si Lance, "I agree", sabi niya.

"Whew! Pinapawisan ako Gi!", sabi ko.

Nasa tapat kami ng pintuan ng flowershop nina Kat.

At tinutulak ako ni Lance papasok.

"Teka, teka", pagpupumiglas ko atsaka ako nagtago sa likod ni Lance.

"Duwag nito!", sabi ni Lance ng tumatawa.

"Relax Jake! Ano ka ba?! Kaya mo 'to. Inhale-exhale", sabi ni Luigi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Right WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon