Kabanata 22

18.4K 644 66
                                    

Chapter 22: Free Kill

Kinakabahan ako habang naglalakad patungo sa dorm naming dalawa ni Zhai. Sana nagbago ang isip niya.


Mabilis kong binuksan ang pinto at nadismaya ako sa nakita. Wala na si Zhai. Wala na ang mga gamit niya sa dorm pero napakunot ang noo ko nang may mapansin akong kulay puting papel na nakapagkit sa pader. Para bang dugo ang ipinangsulat dito.


Nanghina ang mga tuhod ko nang mabasa ko ang nakasulat sa papel.


You're next, Thea Guzman. Rest in Peace nalang kay Zhai?


Sunod-sunod ang mga luhang pumapatak sa mata ko nang mabasa ko ang nakalagay sa papel. Isa lang ang ibig sabihin no'n. Wala na si Zhai. Ang pinaka-una kong naging kaibigan dito sa Diavolo. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapa-upo sa semento dahil sa pagkirot ng puso ko. Hindi ko matanggap.


Naramdaman ko ang yakap galing sa likuran ko. Nag-aalala niya akong tiningnan at hinahaplos-haplos ang buhok ko. "Ako bahala sa'yo, Thea. Ayokong makita na umiiyak ang kapatid ko. Stop crying."


Niyakap ko si Kuya Andrew pabalik. Pinupunasan niya ang luha ko at itinayo niya ako sa aking pagkaka-upo.


"Huwag ka na magmukmok diyan. Wala na tayong magagawa. Ipakita mo sa kanilang malakas ka. Siguraduhin mong ligtas ka palagi."


Tumango ako kay Kuya Andrew nang makita ko si Devin na kapapasok lang ng dorm namin. Nakakunot ang kanyang noo at halata mo sa kanya ang pagtataka sa nangyayari.


"Anong nangyari sa'yo, Thea?" Nag-aalala niyang tanong sa'kin habang lumalapit sa pwesto ko.


"Wala na si Zhai."


Nakita ko ang galit sa kanyang mga mata at ikinuyom ang kanyang kamay. "Don't worry. Gaganti tayo. Pangako."


Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan sa sinabi ni Devin. Sa anong paraan naman kami gaganti?


"Tara na sa room. Kailangan na nating umattend ng klase."


Tumango na lang ako kay kuya at umalis na kami sa dorm kahit na naninikip pa ang aking dibdib sa nangyari.


Sorry, Zhai. Hindi kita napilit na manatili muna sa eskuwelahang 'to.


-----

"Ayos ka lang, Althea?"


Kanina pang nag-aalalang lumalapit sa akin si Zelo. Pero hindi ko nalang siya pinapansin dahil hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala ni Zhai. "Althea, I'm worried. Please, magsalita ka naman."


Napatingin ako sa mga mata ni Zelo. Nakakunot ang kanyang noo na parang inaabangan niya ang sasabihin ko. Ang hirap lang na hindi ko man lang nakumbinsi ang kaibigan ko para hindi mangyari sa kanya 'to.

Diavolo Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon