Kabanata 43

12.5K 455 129
                                    

Chapter 43: Trust

Naniningkit ang mata ni Jann habang nakakuyom ang kanyang kamao. Nakakatakot ang aura niya ngayon at ibang-iba talaga ito sa Jann na kilala ko.


"Huwag ka na magtapang-tapangan, bata. Alam mong pinagbabawal diyan ang mga estudyante pero pumasok ka pa rin," nakangising sabi ng isa sa mga tauhan ni Mrs. Valera.


"Ibaba n'yo 'yang mga baril n'yo. Bibilang ako ng tatlo."


Hinawakan ako sa kamay ni Jann at pilit niya akong inilagay sa likod niya. Tanging isang kutsilyo lang ang dala niya kaya't kita ko naman na tumatawa lamang ang mga tauhan ni Mrs. Valera.


"Isa."


Sa halip na ibaba nila ang kanilang baril ay mas lumapit pa ito sa amin at itinapat sa noo ni Jann. Wala man lang bakas sa mukha niya ang takot. "Dalawa"


Humigpit ang hawak ko sa braso niya. Baka siya mapahamak. Hindi ko pa siya nakikitang makipaglaban kaya walang kasiguraduhan na matatalo niya basta-basta ang dalawang 'to. Dahan-dahan niyang kinuha ang kutsilyo sa bulsa niya at bigla na lamang niya akong itinulak palayo.


"Tatlo."


Nakarinig ako ng dalawang magkasunod na putok ng baril ngunit napakabilis niyang kumilos kaya hindi siya natamaan nito. Kinakabahan ako habang nakikipaglaban siya. Napakabilis ng tibok ng puso ko.


Agad niyang sinuntok ang lalaki sa tiyan nang nakahanap siya ng tyempo at agad itong sinaksak sa bandang dibdib. Napadako ang tingin niya sa isa pang tauhan na halata mong natatakot sa kanya. Mabilis niyang kinuha ang baril ng lalaking nakahandusay sa sahig at agad kinalabit ang gatilyo ng baril.


"Putangina!"


Nabitawan ng lalaki ang baril na hawak niya dahil sa kamay siya pinaputukan ni Jann. Agad siyang lumapit sa lalaki at hinablot nito ang buhok pataas.


"Kasalanan n'yo 'yan. Hindi kayo nakinig sa'kin," seryosong sabi niya nang bigla itong napasimangot maya-maya.


Kumuha siya ng lollipop sa bulsa niya at inilagay sa bunganga ng lalaki. "Iyo na lang. Binigay ko 'yang paborito kong flavor ng lollipop ha?" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay halata mo sa lalaki ang sakit na nararamdaman niya.


Agad na itinutok ni Jann ang baril sa noo ng lalaki. "Goodbye!" Malakas na putok ng baril muli ang aking napakinig. Mabilis naman niyang binitawan ang baril na hawak niya at napa-upo sa sahig.


"Grabe, hiningal ako don ah! Okay ka lang, Thea?"


Napanganga naman ako sa kanya. Namangha ako sa husay niyang makipaglaban. Hindi ko inakalang gano'n siya kagaling. May kinakapa-kapa siya sa bulsa niya at nanlalaki ang mata nito.


"Shit!"


Napakunot naman ang noo ko dahil sa ikinilos niya. "Bakit? Ano na namang problema mo?"

Diavolo Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon