Kabanata 35

14.6K 549 184
                                    

Chapter 35: The Truth

Nandito kaming lahat nina Zelo, Renzo, kuya at ni Alex sa harapan ng bangkay ni Shane. Hindi ko mapigilang mapahikbi dahil lahat nalang ng kaibigan ko ay nawawala na lamang bigla. Hindi ko na kayang tanggapin nab aka lahat na lang ng mga mahal ko sa buhay ay nawawala o namamatay.


"Demonyo ang gumawa nito kay Shane," sabi ko habang nanginginig sa galit ang aking katawan.

 

"Hoy, Rodriguez! Sigurado ka bang wala kang kinalaman dito?" hiyaw sa kanya ni Kuya Andrew na halata mong galit na.


Tumingin kay Alex lahat na hanggang ngayon ay nakaluhod na umiiyak sa bangkay ni Shane. Ilang minuto ang lumipas nang pinahid ni Alex ang kanyang mga luha at seryosong tumingin sa amin. Halata mo sa kanyang nasasaktan siya.


"Wala akong kinalaman sa pagkamatay ng taong mahal ko."


Hindi ko alam pero kahit nakikita kong nasasaktan ngayon si Alex dahil sa pagkamatay ni Shane, hindi pa rin ako makumbinsi na hindi siya ang pumatay kay Shane. Siya lang kasi ang mapagbibintangan namin dahil siya ang kapartner ni Shane sa activity.


"Huwag mong mamasamain ang sasabihin ko, pero ikaw lang ang mapagbibintangan namin dahil ikaw lang ang ka-partner ni Shane, Alex."


Napa-iling naman si Alex na parang hindi makapaniwala sa pangbibintang namin sa kanya. "Sa tingin niyo mapapatay ko ang babaeng mahal ko?!"


Hindi na niya napigilan ang sarili na mapasigaw habang may mga luhang pumapatak galing sa mga mata niya. Naaawa ako kay Alex dahil sa pinapakita niyang sobra siyang nasasaktan sa nangyayari.


"Tangina."


Ginulo-gulo niya ang buhok niya at muli itong umupo sa sahig habang humihikbi. Habang si Renzo naman ay tahimik na nakatingin sa kanyang kaibigan habang siya ay nakangisi. Umiling-iling pa siya na parang may alam sa nangyayari.


"Huwag n'yong pagbintangan ang kaibigan ko. Kilala ko si Alex, hindi niya magagawa iyon."


Napatingin ako kay Zelo na dahan-dahang lumapit kay Alex at tinapik ito sa balikat. "Move on, dude. Tumayo ka na diyan at kailangan mong tanggapin ang pagkawala ni Shane. Stop crying."


Nakita ko kay Zelo ang pag-aalala niya kay Alex. Tumingin si Alex kay Zelo at muli itong tumayo at pinasadahan ng tingin si Shane. "I love you, Shane. Thank you, and sorry," aniya at pilit itong ngumiti habang nakatingin sa bangkay ni Shane at hinalikan pa ito sa labi.


Hindi ko na napigilang lumuha na naman dahil nasasaktan ako sa nangyayari. Nakapikit lamang si Alex habang dinadama ang paghalik niya kay Shane. Nanlaki na lang ang mata ko nang ang kanina pang nananahimik na si Renzo ay humakbang pauna at biglang tumawa.


"A fucking pretender."


Nakatingin kaming lahat kay Renzo dahil sa bigla niyang pagsalita. Natigilan si Alex na ngayon ay seryoso nang nakatingin kay Renzo. "What do you mean?"

Diavolo Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon