Kabanata 2

33.5K 1.1K 172
                                    

Chapter 2: First Day

Pagkapasok namin sa gate ng Diavolo Academy, napatigil ang mga estudyante sa kanilang mga ginagawa. Nanahimik sila na para bang may mali sa ginawa naming pagpasok.


Napadako naman ang tingin ko sa isang babaeng may mahabang buhok at medyo maputla ang balat. Umiling-iling ito habang nakangisi sa amin ni Devin na parang hindi niya inaasahan ang pagdalo namin dito.


"Ano na ang gagawin natin, Devin?"


"Sa principal na tayo magtanong."


Napatango nalang ako dito pero maya-maya naman ay naalala kong hindi nga pala namin alam kung saan ang office. Sobrang laki rin nitong eskuwelahan na ito. May pagkaluma nga lang kung titingnan.


Nilapitan ko ang babaeng ngumisi sa amin kanina at alinlangan na ngumiti dito. "Ahmm excuse me, saan po rito 'yung principal's office?"


Tinaasan ako ng kilay nito at tiningnan niya lang ako sa ulo hanggang paa. "Weak."


Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang sabihin sa'kin iyon nang harapan. Sa dami-dami ng sasabihin niya ay gano'n agad ang bungad niya sa akin.


"Sorry about that. Follow me."


Sinundan namin siya at hindi ko maiwasang kabahan dahil bawat pagdaan namin sa mga estudyante ay bigla silang mananahimik at masasama ang mga tingin na ipinupukol sa amin. Agad hinawakan ni Devin ang balikat ko na para bang pinapakalma niya ako.


"Relax, Thea."


Tumango ako dito. Napabuntong-hininga na lamang ako at pinilit na huwag kabahan pero bigla kong napansin ang mga dugong nakakalat sa semento na nililinis ng janitor nila. Tumitig sa'kin ang naglilinis kaya napa-urong ako.


"Thea, are you okay?"


Ipinikit ko ang mga mata ko dahil baka nagkamali lang ako. Pero hindi- nandoon pa rin ang janitor. Nakatitig. May hawak na basahan na puno ng dugo.


"Y-yes."


Sinundan ko lang ng tingin ang janitor habang kami ay naglalakad. Hindi ko maalis sa isip kung bakit mayroong dugong nagkalat doon.


"Nandito na tayo sa principal's office," nakangising sabi niya sa amin at biglang inabot ang kanan niyang kamay.


"By the way, I'm Dead, and you are?"


Kumunot ang noo ko sa kanyang pagpapakilala. Alinlangan kong tinanggap ang kamay niya.


"P-patay ka na?"


Napatawa naman siya sa tanong ko pero 'yung tawa niyang 'yon ay parang pang-demonyong tawa. Wala naman akong sinabing nakakatawa ah?


"H-ha?"


"Stupid. I'm Dead. My name is Dead. Slow! Una na nga ako may kailangan lang akong tapusin," sabi niya tsaka may kinuhang kutsilyo sa bulsa niya. Nanlaki naman ang mata ko. 'Di ba bawal magdala ng mga patalim sa isang eskuwelahan? Weird.


"May kutob talaga akong hindi maganda ang mangyayari sa'tin dito."


"Natatakot ako, Devin."


"Kaya natin 'to. 'Wag kang mag-alala, ordinaryong eskuwelahan din naman 'to, ordinaryong estudyante. O 'di ba? 'Wag kang mag-alala. Pasok nalang tayo," sabi ni Devin at pinihit na ang doorknob ng office.


Diavolo Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon