Kabanata 54

11K 359 122
                                    

Chapter 54: Bloody Blackout Activity

2:00 am


Natataranta ako. Hindi ko alam kung mapagtatagumpayan namin ang laban na 'to. Isang oras na lang at mangyayari na ang kinatatakutan ng lahat. Ang Bloody Black Out Activity.


"Thea, alam kong hindi mo kayang patayin si Renzo pero wala na tayong choice."


Itinigil ko ang pagngatngat ng kuko ko habang isinisiksik ang sarili ko sa gilid ng kuwarto. Umupo sa tabihan ko si Kuya Andrew suot-suot ang kulay asul na jacket at itim na pantalon.


Umiling-iling ako sa kanya habang tumutulo ang mga luha ko sa semento. "Kuya, hindi ko na kaya. Kilala ko si Renzo. Hindi niya ako kayang patayin at natatakot ako sa maaaring gawin niya mamaya," nanginginig kong tugon kay kuya.


Hinawakan naman ni kuya ang likod ko habang pinapakalma ako. "Shhh. Walang mangyayaring masama. 'Wag mo na munang isipin."


Bumuntong-hininga siya at pilit na ngumuti sa harapan ko. "Alam kong miss na miss na tayo nina mommy kaya tapusin na muna natin 'to ha? Makalalabas tayo dito nang ligtas."


Ilang beses akong tumango kay kuya. Hinawakan niya ang braso ko at pilit akong itinayo. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa amin mamaya ni Renzo kaya sobrang bigat lang talaga ng pakiramdam ko.


"Tara na. Kailangan daw pumunta doon nang maaga dahil may itatattoo pa sila sa atin."


Bumitaw na ako sa pagkakahawak kay kuya at nanginginig akong kumuha ng leather jacket na nakalagay sa aking kama. "Tara."


Isinuot ko na ang leather jacket at ilang malalalalim na paghinga ang pinakawalan ko bago ko pahirin ang mga luha ko. Kakayanin namin 'to.


Ilang segundo lang nang makalabas na kami ni kuya sa dorm. Napakalamig at napakadilim ng paligid. Nakita ko sa gilid si Renzo na walang emosyon na naka-upo sa labas ng dorm nila. Hindi ko alam pero nanindig ang aking balahibo nang makita ko siya.


Gulo-gulo ang kanyang buhok at namumula pa ang kanyang mata. Suot pa niya ang uniform niya kaya halatang hindi siya nakatulog. "Kuya, umuna ka na. Sandali lang ako."


"Sigurado ka?"


Tumango lang ako kay kuya kaya naman umalis na rin siya. Nakatingin lang ako kay Renzo na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Hindi pa rin nagbabago ang emosyon niya. Lumapit ako sa kanya at pilit na nginitian siya.


"Mamaya, 'wag ka na mag-alala. Lalaban tayo nang patas, Renzo. Kalimutan mo na lang 'yung pagkakaibigan natin. Sa gano'n ay hindi ka mahirapa-"


"Gano'n na lang ba sa'yo 'yon?"


Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla siyang sumabat. Nakangisi itong tumingin sa ibang direksyon at kitang-kita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mata. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at mas lumapit pa sa akin.

Diavolo Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon