Kabanata 53

10.5K 371 325
                                    

Chapter 53: The List

"Alam n'yo naman kung sinong pinakapogi sa ating tatlo," sabi ni Alex habang nakaturo sa kanyang sarili at itinataas-baba ang kanyang kilay.


Natatawa akong pinagmamasdan silang tatlo habang nagkukulitan. Para bang bumalik na ang kanilang samahan katulad ng dati. Naka-upo si Alex sa table ng canteen habang si Renzo at Zelo naman ay nakataas ang paa sa upuan.


Sa kabila ng pagkukulitan nila ay bigla nalang kaming tumahimik. Umayos sila ng upo at sumeryoso na ang kanilang mga mukha. "Mamatay man ang isa sa atin, walang limutan ha!"


Itinaas ni Alex ang kanyang braso sa table at nakahalumbaba kaming tiningnan. "Ate Thea, pasayahin mo palagi si Zelo ha?" Natawa naman ako dahil hindi ako sanay na tawaging ate ni Alex.


"Oo naman. 'Wag mo muna akong tawaging ate. Bespren na lang," nakangiti kong sabi kaya naman ay napatayo siya at ngumiti nang malapad.


"Wow naman, bespren!"


Inis namang pina-upo ni Renzo si Alex dahil sa kakulitan nito. "Ang ingay mo, Rodriguez! Shut up!" Tumawa naman kami sa inasal ni Renzo dahil kanina pa siyang sinisigawan ni Alex na malapit sa kanyang tenga.


"Zelo. Matagal ko na gustong sabihin sa'yo 'to," napakaseryosong sabi ni Alex. "Alam kong ikaw ang pinaka-apektado nang malaman mong traydor ako. Pinagtanggol mo pa nga ako eh. Akala mo, hindi ko magagawa 'yon pero ito ako, nagsisisi dahil hindi na mabubura na napakasama kong tao. Sorry talaga. Naging kuya ka na sa'kin at matalik na kaibig-"


"Wait nga! Ba't ka ba nagsasalita nang ganyan? Weird mo!"


Nag-pout naman si Alex at nagkamot sa kanyang batok. "Ano ba 'yan! Syempre para ready. Para pagkatapos mangyari ng last activity, nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. Baka matigok isa sa atin eh."


Tumahimik naman ito at biglang tinuro si Renzo na wala na namang emosyon ang mukha. "Ikaw! Alam kong masama pa loob mo sa'kin. Pero wala akong pakialam dahil love na love kita."


Bigla na namang niyakap ni Alex si Renzo nang mahigpit habang paulit-ulit na sinisigaw ang- "I love you, bebe Renzo!"


Pinagsusuntok naman ni Renzo si Alex nang pabiro. Ang saya nilang tingnan. Nakakatuwa. Sana wala nang magbabago sa kanilang pagsasama.


"Wala na pong lollipop?!"


Napatingin naman ako sa right side ko at nandoon si Jann na nakaluhod sa semento habang nagpapaawa sa nagtitinda. Suot-suot niya ang kanyang pajama na ikinatawa ko dahil spongebob ang design nito.


"Pinsan mo uy!" Napatingin naman ako kay Renzo na natatawang tiningnan si Jann. Inilabas nito ang supot na punong-puno ng lollipop. Kinindatan pa niya ako at inilagay ang daliri sa kanyang bibig. "Shhh."


"Paano ka nagkaroon niyan?"


Tumawa naman silang tatlo na parang sila lang ang nagkakaintindihan. Hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako kay Jann dahil totoong umiiyak siya habang naglulupagi sa sahig.

Diavolo Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon