Kabanata 50

11K 367 101
                                    

Chapter 50: First Day of Training

Dalawang araw na ang nakalilipas pagkatapos naming makita si Zeliane sa kuweba. Mabuti na lang ay hindi na ito katulad nung nakita namin siya na tulala. Medyo nagsasalita na ito ngunit bihira lang.


Naka-upo siya sa kulay asul na sofa ng dorm nina Zelo habang yakap-yakap ang unan. Tinabihan ko siya at ngumiti nang malapad. Napatingin naman siya at medyo ngumiti sa akin. "Girlfriend ka ni kuya?"


Bigla naman akong napa-ubo sa tanong niya. Sa dami ba naman ng itatanong, 'yon agad ang kanyang naisip? Hinawakan naman nito ang likod ko at hinagod ito. Bahagya siyang tumawa at napa-iling.


"Don't worry. Hindi ako choosy sa magiging sister-in-law ko. Just please, don't leave my brother. I can see in his eyes that he's deeply in love with you."


Nakakatuwa naman ang suportang ipinapakita niya sa amin ni Zelo. Binabawi ko na 'yung sinabi kong bihira lang siya magsalita dahil madaldal din pala siya. Inayos niya nang dahan-dahan ang maganda niyang buhok at sumandal sa sofa.


"Okay ka na ba, Zeliane?"


Napatawa naman siya at tumango sa akin. "Nakita ko lang na okay si kuya, okay na rin ako," nakangiti nitong sabi. May bigla na lang na kumatok sa pinto ng dorm kaya nagkatinginan kami ni Zeliane.


Binuksan ko ang pinto at isang malakas na sigaw ang naabutan ko doon. Napa-irap na lang ako nang bahagya nang makita ko ang pagmumukha ng nasa harapan ko.


"Theaaaa!!!"


Nakasuot ito ng plain white shirt at black basketball shorts. Gulo-gulo ang buhok niya na halatang kagigising lang. Dire-diretso siyang naglakad sa loob ng dorm nina Zelo habang lumilinga-linga sa paligid.


Napansin ko ang bandage sa kanyang noo kaya napataas ang kilay ko. "Anong nangyari diyan sa noo mo?" Nagkamot naman ito sa kanyang batok at naka-pout niya akong tiningnan.


Umupo siya sa may harapan ni Zeliane at hindi man lang ito pinansin. Habang nakangiti naman si Zeliane na nakatingin kay Jann. Para bang naguwaguwapuhan ito dito.


"Ang kuya mo kasi! Hinahanap kita sa dorm n'yo, pinukpok na naman ako ng kawali."


Napatawa naman ako sa sinabi niya. Si kuya talaga hindi na naawa sa mokong na 'to. Tumayo si Zeliane sa sofa na ikinunot ng noo ko. Nakahalumbaba niyang tinitigan si Jann kaya tumaas ang kilay ni Jann sa kanya.


"Ang pogi mo," sabi ni Zeliane na may halong paghanga kay Jann kaya naman napatayo si Jann sa kanyang kina-uupuan. Tiningnan niya nang masama si Zeliane at medyo itinulak ito.


"Alam ko na 'yan. Hindi mo na kailangang sabihin. Thea, oh! Kung makatingin parang kakainin ako!"


Sumakit ang tiyan ko sa pagtawa dahil sa naging reaksyon ni Jann. Yakap-yakap nito ang kanyang sarili habang masama ang tingin na ipinukol kay Zeliane. Lumapit pa lalo siya kay Jann kaya napa-upo ito sa sofa na hindi binibitawan ang pagkakayap sa kanyang sarili.

Diavolo Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon