Kabanata 17

18.3K 813 119
                                    

Chapter 17: Renzo's Side

Nakapatay ako.


Paulit-ulit na lang ito pumapasok sa isipan ko. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa aking nagawa. Isang araw na ang nakalipas at ngayon na raw ipapaskil sa bulletin kung sino 'yung kasali sa Rank 5 na p'wede nang lumabas sa eskuwelahang ito.


"Congrats, bespren! Buti ginawa mo 'yung moves na pinapagawa ko sa'yo! Buti nalang talaga guwapo ako."


Kasabay ko maglakad ngayon si Alex papunta sa bulletin. Tulog pa raw kasi si Shane eh kaya no choice ako na kasama itong mahangin na lalaking pinaglihi sa kiti-kiti. May patalon-talon pa siya tapos maya-maya naman ay tatakbo.


Ang kulit ni Alex. Sobra.


"Huwag ka nga dito Alex! Ang likot-likot mo. Para akong nag-aalaga dito ng bata eh."


Nag-pout naman si Alex at sabay kaming lumapit sa bulletin para makita ang mga nakalagay dito. May ilan-ilan lang na tumitingin dito kaya hindi na kami nahirapan makisingit.


Ranks:

1. Zelo David

2. Renzo Vergara

3. Alexander Rodriguez

4. Hailey Hallari

5. Zhairyl Exconde


"Ano ba 'yan! Naunahan ako ni Renzo! Pero ayos lang at least nasa Rank 3 ako," pagmamalaki niyang sabi sa'kin.


Nag-iingay pa rin si Alex sa tabihan ko samantalang ako ay nanlalaki pa rin ang mata nang makita ko ang pangalan doon ni Zhai.


Ibig sabihin makakalabas na dito si Zhai?


Kailangan kong ibalita sa kanya 'to panigurado ay magiging masaya siya sa ibabalita ko. "Bespren! I-congratulate mo naman ako! Ganyan ka eh. 'Di mo ako mahal huhuhu."


Napa-irap na lang ako sa sinasabi niya at binigyan siya nang malakas na batok. "Aray naman! Sakit non, bespren!"


"Mukha ka namang ewan diyan! Tumahimik ka nga! Oo nga pala, lalabas ka na ba sa school?" Pagkatanong ko sa kanya, biglang sumeryoso ang mukha ni Alex at nagkibit-balikat.


"Hindi p'wede eh. Gusto ko na nga sana kaso, hindi kami sigurado kung palalabasin ba talaga kami o paglalaruan lang kami."


Kumunot naman ang noo ko sa sinasabi niya dahil hindi ko siya maintindihan. Hindi ba talaga sila masaya kung palalabasin na sila dito sa eskuwelahang ito na puro pagpatay ang inaatupag? "Gusto ko na ngang lumabas dito, pero alam kong pagkalabas namin ay papatayin lang din kami agad. Tingin mo palalabasin ang mga estudyante dito nang buhay? Edi malalaman ng mga taong nasa labas kung anong nangyayari dito kung gano'n? Kaya panigurado ay ipapabagsak nila ang eskuwelahang ito 'pag nalaman ito ng mga tao sa labas. Kaya naman walang choice kung hindi mag-stay nalang kami dito ng TWG."

Diavolo Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon