A/N: and as promised, here's the second update for this week. Enjoy!
Nikki's POV
I sighed as Gustave the asshole made me lay on the infirmary bed. Bakit kasi nakita niya pa ako!? Bad trip!
"Yeah, continue doing that, brat." Sabi niya nang maka-upo siya sa upuan na malapit sa kama ko.
"Why are you even doing this?!" Iritang tanong ko sa kanya, kahit nanghihina pa ako.
Actually, galing na ako sa hospital kahapon. The doctor said that I should take a rest for a couple of days and take my medication properly but I didn't do what he said.
Dinala ako ni Gab na takot na takot ang mukha, paulit-ulit pa siyang nagso-sorry na parang naiiyak na siya. I just smiled and said 'it's okay' to him.
"Let me guess..." sabi niya at hinawakan ang baba niyang may hati sa gitna. "I don't know." Dugtong niya sa sagot at nakangising tumingin siya sa akin.
Tinignan ko siya ng masama, "yeah, I figured it out already, jerk!" Sagot ko at ipipikit na sana ang mga mata ko pero nagulat ko nang biglang umalog ang gilid ng kama ko.
Tinignan ko iyon at nakita na si Gustave iyon na nakangisi na naman. "Have you just forgotten what I did to you inside my office?" Tanong niya and just like that, I felt hot.
Dyosko! Nakakahiya ang mga nangyari sa office niya, tas ipapa-alala niya pa? Pakshit!
"Ow, the brat knows how to blush, huh?" tila nang-aasar na tanong niya sa akin.
Sa inis ko ay itinulak ko palayo ang mukha niyang medyo malapit na sa mukha ko, baka dumating yung nurse at kung ano pa ang isipin.
"Just shut up, okay? I'm going to take a rest." Sabi ko at humarap sa side.
"Okay." Sagot niya at naramdaman kong muling umalog ang kama. "And so am I."
Kaagad akong napaharap sa kabilang side ng kama at ganun nalang ang panlalaki ng mata ko nang makita kong nakahiga din siya sa kama na hinihigaan ko.
"What the hell are you doing?" Tanong ko sa kanya.
"Taking a rest, I guess? You're not an idiot not to know what I'm doing here, right?" Sagot at tanong niya sa akin.
This guy is making me mad, for real.
"I know that but why here? Hello, ang laki ng infirmary ng University mo at madami ang mga kama." It was my turn to be sarcastic, I even smirked.
"My University... you say, so I guess, that as the owner of this University, I get to do what I want, right?" Sagot niya sa akin at humarap, so ang pwesto namin ngayon ay nakaharap sa isa't isa, "and I want to do this, got a problem with it, brat?" Nakangiti, oo, nakangiting sabi niya sa akin at pumikit.
I sighed, hindi talaga ako mananalo sa lalakeng ito. Bwisit! Wala na akong nagawa kundi ang hayaan siyang gawin ang gusto niya. Ayaw ko nang magsayang ng lakas at laway, wala din namang sense.
Pero dahil ayaw ko ng may kasama, I decided to transfer to another bed. I was about to stand when he spoke.
"Don't you dare transfer, or I'll do more than what I did in my office." Nakapikit matang sabi niya, natakot naman daw ako kaya wala na akong nagawa kundi ang mag-stay, bwisit talaga!
Dahil sa wala akong nagawa, naisipan kong buksan ang phone ko na nasira niya.
"Oy," tawag ko sa kanya. "Psst!"
"What?" Nakapikit paring tanong niya sa akin, nakikita ko ang mapipilantik at mahahabang pilik mata niya.
"Yung phone ko, nasira mo." Sagot ko sa kanya habang patuloy na tinignan ang mukha niya.
Makapal ang mga kilay niya pero maayos ang mga ito, wala din siyang pimples.
Siya na, daig pa niya ang babae sa mga commercial sa T.V.
"So?" Muling tanong niya sa akin. Kaagad na bumaba ang paningin ko sa istriktong ilong niya pababa sa kanyang mga labi.
Bakit parang ang pula ng mga yun? Tapos ang lambot pa yata?
"Ah, I see. You want me to change it so you can take a photo of me?" Biglang dagdag niya at nakita ko ang mga labi niya na nagform ng ngiti.
Bigla akong nahiya dahil dun, so hindi siya tulog? Duh! Obviously, hindi. Sasagot ba siya kung tulog siya? Seriously, Nikki? Nagiging engot ka na ba dahil sa kanya?
Bigla akong nagmura sa isip ko.
"O-Of course, not! A-Ano bang s-sinasabi ko dyan!?" Kaagad na sagot ko sa kanya at nag-iwas ng tingin.
"Okay, sabi mo eh." Sagot niya sa akin. "Don't worry, I'll give you a phone when we continue our discussion." Dagdag niya, nakapikit parin na sabi niya.
Bigla akong napatingin sa kanya ulit, "excuse me, c-continue? " patanong na sabi ko.
"Yes, 'di ba hindi pa tayo tapos dahil tumakbo ka?" Sagot niya sa akin.
Bigla akong napa-mental face palm. Oo nga pala, I ran. Sino ba naman kasi ang hindi tatakbo kung ganun ang nangyari!? Tsk!
"So, basically, hindi pa tayo tapos." Dagdag niya ulit.
"S-Saan naman tayo mag-d-discuss ulit?" Tanong ko sa kanya.
"Of course, in my office." Kaagad na sagot niya sa akin, nanlaki ang mga mata ko.
"W-What!? Why t-there?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.
Nagulat ako nang magmulat siya ng mata at tumawa, "you're too nervous. Don't worry, I won't do that. Not until you become mine." Sagot niya pero hindi ko naintindihan ang huli.
"Coming from you..." sabi ko habang nakatingin sa kisame ng infirmary.
"Brat, I'm not like that. I mean what I say, don't worry. Rest assured, we'll just discuss the remaining matters and I'll give you a new phone as my apology to our first encounter." Mahabang sagot niya sa akin.
Bigla ko na namang naalala ang nagyari sa amin nun, pati na yung pagsipa ko sa balls niya.
"Hmm, about that. Sorry for doing that to you. Naasar lang talaga ako sayo that time." Nahihiyang sabi ko sa kanya.
"Don't worry, makakabawi din ako sayo." Tila may lamang sagot niya sa akin pero binaliwala ko lang iyon at ipinikit ang mga mata ko.
Bigla nalang kasi akong nakadama ng antok, baka sa pagod at gamot na ininom ko.
"I'm sleepy..." sabi ko sa kanya.
"Then sleep, brat. I'll just be here, don't worry." Sabi niya sa akin bago ako tuluyang magupo ng antok.
I hate asthma, bakit kasi ngayon pa siya sumumpong. Pero pawala palang ang wisyo ko ay tila may naramdaman ako.
Hindi ako sigurado o baka talagang guni-guni ko lang pero parang naramdaman ko na lumundo ang kama at pagkatapos non ay may mga labing dumampi sa aking noo.
Hindi na ako kumibo dahil tuluyan na akong inantok.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
The FIENDISH
Художественная прозаGustave Salvatore is a famous model as well as a business man. He is one of the richest persons in the business industry. He can get what he wants by doing all the means to get it - on the other hand, Nikki Queen is just an 18-year-old, simple colle...