A/N: Hmm, so, guys... I'm a little excited about the 'you know' things and I can't help but to write it. So, here it is, I hope it will be good.
The FIENDISH
Chapter 17
[This time, it's hot]Nikki's POV
"You can go now, Nikki." Nakangiting sabi ni nurse Mae. Kanina, nung nagpunta siya para i-check ako ay tinanong ko kung ano ang pangalan niya. Ang awkward kasi kung nurse lang ang itawag ko. David naman daw ang pangalan nung doktor.
"Okay, salamat nurse Mae." Nakangiting sabi ko sa kanya at pagkatapos ay umupo at inayos ang gamit ko.
Matapos kong maisukbit ang bag ko sa balikat ko ay tumayo na ako at inayos ang kama, tapos ay nagpa-alam na ako sa nurse ng infirmary. Binilinan niya ako na wag masyadong magpagod at laging dalhin ang inhaler ko, tango at ngiti lang ang naisagot ko sa kanya.
Pagkatapos kong makalabas sa infirmary ay dumeretso ako sa last class ko, sad to say but I still have class. Sa araw na ito, lima ang klase ko. Tatlo yung hindi ko napasukan dahil sa asshole na yun and speaking of the asshole, nang magising ako ay wala na siya.
Saan kaya yun nagpunta?
Kaagad akong pumiling sa tanong ko. Ano bang paki mo Nikki kung saan siya nagpunta?
Kaagad akong naglakad papunta sa MasCom College at pumasok sa unang kwarto.
Pagdating ko dun ay wala pa ang Prof. Kaagad akong umupo sa may harapang parte ng upuan, ramdam ko ang mga titig na ipinupukol nila sa akin, malamang yung magbarkadang hipon na naman.
And speaking of them, nalaman ko na may parusa sila. They were tasked to clean the University or C.R. yata. I couldn't help but to chuckle upon hearing that. Serves them right.
Ilang saglit pa ay nagring na ang bell, kaya nagsipunta na sa mga upuan nila ang kaninang mga nakatayo at nagdadaldalang kaklase ko.
"Good afternoon, class." Kaagad na bungad ng Prof namin matapos ilagay sa podium ang gamit niya.
"Good afternoon, Sir." The class greeted him in chorus.
Prof Edward Lee is our Language teacher. At sa lahat ng mga guro ko this sem ay siya ang gusto ko. Mabait kasi siya at hindi strict. Tapos, marunong maki-ride sa trip ng students niya and his discussion is very easy to comprehend, ewan lang sa iba.
The class went good and he made as do some activities on the book. "Are you done?" Tanong niya matapos ang halos kalahating minuto.
"Yes, Sir." Sabi ko sa kanya at kaagad naman siyang lumapit para kuning ang idinittach kong pages ng libro.
"Very good, Mr. Queen. As expected to the top student." Nakangiting sabi niya matapos kunin ang mga pages. "You may go now, magdi-dismiss din naman ako after nito." Dagdag niya, kaagad akong napangiti at inayos ang gamit ko.
"Good day, Sir." Nakangiting paalam ko sa kanya, tumango lang siya sa akin.
Masaya akong naglalakad papunta sa may entrance ng University dahil walang pasok ngayon si Gab, kaya wala akong libreng ride.
As I was about to enter the gate, a hand suddenly grabbed mine. It was Gustave the asshole.
"Hey, are you leaving already?" Tanong niya matapos bitawan ang kamay ko.
"Yes, and why are asking?" Balik tanong ko sa kanya, galing ba siya sa meeting? Naka suit siya eh.
Bagay niya... in all fairness.
"Well, I want to invite you to a drink in my house." Kaagad na sagot niya sa akin matapos ilagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon.
Tumitig ako sa kanya at nag-isip.
BINABASA MO ANG
The FIENDISH
Ficción GeneralGustave Salvatore is a famous model as well as a business man. He is one of the richest persons in the business industry. He can get what he wants by doing all the means to get it - on the other hand, Nikki Queen is just an 18-year-old, simple colle...