Hiiiiii Giosa! 😍 This chapter is for you, mah friend ;) Enjoy reading, beh.
Lark Padilla's P.O.V:
Habang tahimik lang kaming naglalakad nila Harmony, Marcko at Aira, may napapansin akong isang babae na parang sinusundan kami.
Babaeng halatang mayaman at maganda. Sa buhok pa lang, halatang nadaan na sa treatment at may mga slight color pa ng brown. At, ang buhok niya ay nagpaganda pa sa pisikal na kaanyuan niya. May ukelele siyang hawak pero naka-cover siya ng black. Napansin ko rin na may bangs siya.
Mukha nga siyang pamilyar?
Kaya naman hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya.
"Huy. Mr. Padilla. Ano bang titinitignan mo sa likod?" -tanong ni Marcko.
Ang talas rin ng mata niya eh, no?
"Ah. Wala lang 'to bro."
"Ok." -sabay nagkibit balikat pa siya.
Nang natatanaw na namin yung Jollibee, nag-iba na muna ako ng topic para hindi masyadong tahimik.
"Sana sa taas tayo." -sabi ko.
"Oo nga eh. Ayoko sa 1st floor. Nandun yung mga pila. Mas peaceful talaga sa 2nd floor. Pero, ok lang rin sa akin kung kahit saan pa tayo umupo. Ang mahalaga, makakain tayo."
"Tama."
"Saka, sana, mag-peach mango pie rin tayo. Tapos, burger, steak, fries, spaghetti, jolly hotdog, cokefloat, ice cream and chicken sana ang kainin natin."
Haha. Totoo naman kasi na nagugutom siya. Saka, hindi pa talaga siya nag-breakfast kaninang umaga.
"Sana nga." -tugon ko naman. Bigla tuloy akong natakam kaagad.
Harmony's P.O.V:
Pagpasok namin sa Jollibee, agad naman ng nag-order si Unni Aira at naiwan naman kaming 3 nila kuya Lark at Marcko dito sa 1st floor. Puno na daw kasi sa 2nd floor eh.
Magkatabi kami ni kuya Lark, kasi sinadya talaga namin na dapat magkatabi sila kahit ngayon lang. 😉😄😂
Kami ni kuy Lark, pinapanood lang namin si kuya Marcko habang pinagmamasdan niya si Unni.
Talaga bang tinamaan na siya kay Unni? Pero, ang bilis naman! 2 months pa lang nung simula nang nagkita sila ehh.
"Huy, Marcko! Umayos ka nga dyan. Mag-uusap na lang tayong tatlo. Habang wala pa si Aira." -sita naman ni Hyung Lark.
"Ahh. Oo." -uneasy na sambit niya.
"Oo nga, kuya. Matagal na ba 'to?" -tanong ko.
"Hindi naman masyadong matagal..." -sagot ni kuya Marcko na parang hindi pa siya sigurado.
"Tama siya, Harmony. Hindi naman siya na love at first sight kay Aira ehh. Basta ang importante, sapul nung tinamaan na siya ni Aira." -sabi naman ni kuya Lark.
"Talaga lang, ha? Pero, na-fall ka na talaga, Hyung?" -hindi makapaniwalang tanong ko.
"I think so." -masayang sagot niya.
Yieeeeee! Kinikilig ako! Bwahaha! Eto naman kasi si kuya Marcko, pwede namang sumagot lang ehh. Kailangan pa bang isama yung Killer Smile niya?
BINABASA MO ANG
Si Mr. Akala (EDITING)
KurzgeschichtenMeet Axel Buenavista. Madalas tinotopak. Minsan todo ang yabang pero grabe ang kagwapuhan. Nahulog ako sa kanya sa loob ng 3 buwan, kaya ayun, naghihintay na ako rin ay kanyang maging mahal. Siya si Mr. Akala. Ang minamahal kong imposibleng mahalin...