[6] Preparing

157 19 15
                                    

Hiii GandaBibiiiii! Annyeong, Partner! Maraming salamat sa feedback at advice mo sa story ko :D Sana mabasa mo na itong UD. Enjoy~

Axel's P.O.V:

Sa ngayon, nandito kami sa original na bahay namin. Or family house. Haha. Uso na ba original ngayon? Dapat kasi, yung totoo. Hindi yung nangloloko ka ng ibang tao. Ugh. Uso na rin sa aming mga lalaki yang mga hugot na yan. Psh.

Syempre, experience sa past relationships.

Nandito ako sa mini sala sa 2nd floor ng babay. Tas si Joy, nasa baba. Naghahanap kasi ako ng pictures nila Mama at Papa. Samantalang si Joy, nagiisip na ng decoration sa baba at garden namin.

Sa, next week, saturday na kasi yung 24th Anniversary nila Mama at Papa. Mas maganda na yung maaga. Kaysa naman, last minute pa kami mag-handa. Yung kunyari, bukas na yung event, tas mamayang gabi lang kami mag-preprepare. Huwag ganun. Naalala ko namang tuloy last week.

Flashback.

Puyat ako ngayon dahil nagreview talaga ako sa sangkatutak na quiz para ngayong biyernes. Nag-cramming pa ako para maipasa yung project sa MAPEH. -.-

Tsk. Madalas kasi akong mag-puyat dahil sa katamaran kong gumawa ng maaga.

Pagpasok ko sa school binungad ako kaagad ng mga kaklase ko.

"Geh lang, Axel. Puyat days. Haha."

"Oh. Bro. Laki na ng eye-bags mo ha. Haha!" At nagtataas-kilay pa. -.-

"Congrats, Axel! Panalo ka na sa eye-bags competition! Pang-grand prize,ha!!! Haha." At palapkpak pa. Tss.

Kahit madalas na pang-aasar ang marinig natin sa ating mga kaklase naniniwala akong, hindi lang para ma-asar at mainis tayo. Kundi, para, magkaroon ng koneksyon at samahan ang bawat isa. ;D

End of Flashback.

Si-nuggest ni Harmony na mag-hanap ng mga lumang pictures tapos, ibitin yun sa kisame ng sala sa baba. Kakunchaba kaya namin si Papa. Haha. Gusto niya rin kasing i-surprise si mama. Actually, nag-usap-usap kami kahapon, friday, nila Papa at Harmony sa isang coffee shop kaya nakapaghanda na kami.

Sa totoo lang, ang aming dakila at pinakamamahal naming ama ay isang guitarista at dancer. Pero, mas alam ng mga tao na dancer siya. May kinabibilangan rin siyang grupo, kagaya namin nila Harmony, Ate Ariel, at Kuya D. Ang pamilya, kaibigan, at mga kamag-anak lamang namin ang nakakaalam na magaling din siya sa pagguiguitara.

Kaya, kahit busy sila ni mama sa mga business namin, nag-hahanap talaga siya ng time para makapag-praktis na gitarahan at kantahan si mama sa anniv. nila. Napagdesisyunan ni Papa na yun ang magiging surprise niya. Bukod don, alam ni Papa na ayaw ni mama ang mga surpises o gifts na mga bagay na mamahalin. Gusto niya yung kakaiba pero simple. Kaya, siguro, yun yung naisip niya.

Ngunit, sobrang dami pa ang hinanda niya. Kasama niyang kakanta si Ate Ariel. Uuwi daw siya ehh. For 2 months ata. At hindi yun alam ni mama.

Bukod sa pictures na hinahanap ko, sasayaw rin ako. Kasama ko sina Joy, at si Aeron, yung bunso namin.

Hindi lang si Aeron ang makakauwi. Pati na rin sina Kuya Diego\D at Hymn. Sila naman, gagawa daw ng cake, cupcakes, and brownies. Baker si Kuya D ehh. Tas, mahilig rin naman si Hymn mag-bake.

Si Mr. Akala (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon