Bestfriend

5.4K 54 15
                                    

AN : HAI GUYS! THIS IS ALL ABOUT JAILENENASH. SANA MAENJOY NIYO KASI AKO INSPIRED NA INSPIRED DITO.

Chapter 1

Bestfriend.

---- Shar -----

"Okay lang ba sa iyo?"

"Oo naman. Di ba pangarap mo yon? o sino ako para maging hadlang sa iyo?"

"Siyempre girlfriend kita, alam kong mahirap para sa iyo dahil wala na ako. Kung ayaw mo okay lang din sa akin."

Di ako kumibo. Sinusubukan kong kontrolin ang mga luha ko para di niya mahalata.

"Shar? ... Shar?"

...

"Magkita tayo sa park."

*call ended.*

bakit ako nagkakaganito? Lagi na lang may umiiwan sa akin. lahat na lang ng mga mahal ko nilulubayan ako. Bakit ba? Ano ba meron sa akin at bakit walang nagmamahal sa akin ?

Di ko maintindihan ...

*phone rings*

"Hello?"

"Shar?"

Nung marinig ko yung boses niya, parang naglaho ang lahat. Nawala ng isang segundo lahat ng problema ko, natuyo ang mga luha ko. At kahit sangkaapat lang ng labi ko , nakuha ko pang ngumiti. At dahil lang iyon sa boses niya.

"Umiiyak ka ba ? Oy!"

"Wala to. Nagkasipon?"

"Bakit ako tinatanong mo? Alam ko ang mga ganyang tunog. Shar, magtapat ka sa akin. "

"Wala lang to Nash. Pramis."

"Pupunta ako jan."

"Teka! Magkikita kami ni Jai mamaya. Aalis ako."

di siya sumagot ..

"Mamayang gabi. 7pm."

"Deal."

*call ended*

----- Nash ----

"Si Jairus na naman." Sambit ko sa sarili ko pagkababa ng telepono.

Eto ang problema sa akin. KAIBIGAN LANG AKO. Di ko siya pwedeng ligawan. Di ko siya pwedeng mahalin kagaya ni Jairus. Bakit ba kaibigan lang ako. Dapat di na ako nagpakita nine years ago. Kung ganito lang pala mararamdaman ko. Masakit lang.

Hindi ko kaya magmahal ng iba. Si Sharlene lang. Kahit magkandarapa pa sa akin ang mga contestant ng Miss Universe, si Sharlene pa rin. Minsan pinakita ko na talaga na mahal ko siya bukod pa sa kaibigan. akala ko marerealize na niya ,di rin pala.

Sana makita na niya ang totoo. Ako pang para sa kanya at siya ang para sa akin. Wala nang iba.

----- Shar ----
*Park*

"Di ba malinaw na ang usapan natin?"

"Teka, galit ka ba?" tanong niya. Medyo galit ang pagkakasabi ko sa kanya. Mahirap magpigil ng damdamin.

"Pasensiya na." Iniwasan ko siya ng tingin.

Hinawakan niya ang mga balikat ko para makatingin ako sa kanya.
"Sharlene, Mahal na Mahal kita."

"Mahal din kita , Jai."

Niyakap niya ako.

"Pakita natin sa mundo na kahit magkalayo tayo, hinding hindi tayo mapaghihiwalay. Na kahit di kita nakikita araw araw, makasama sa school, at mayakap ng ganito, TAYO PA RIN. walang magbabago sa atin, AKO ANG PARA SA IYO AT IKAW ANG PARA SA AKIN. "

Bestfriend [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon