Chapter 9

886 38 18
                                        

A/N : HAY ANOTHER FULL OF DRAMA. Tibayin niyo loob niyo dito kahit sabaw lang.! LOL ENJOY :D #SecondtoTheLastChapter :(

Chap 9

---- Shar ----

"For preparing his papers , visa and passport to destined in Paris, France to visit his father."


Wala akong masabi, di ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Bakit di niya sinabi sa akin to? Di ko namalayan tumutulo na pala yung luha ko.

"Shar .. Okay lang yan .. " Pinapakalma ako ni Alexa.

"Oo nga, tahan na." Dagdag ni Mika.

"Anu ba yan, lahat na talaga iniiwanan ako."Ako

"Wag mong sabihin yan, for sure may dahilan yun." Alexa

"At iiwanan? Andito pa kami oh, saka di ka matitiis ni Nash alam natin yon." Alexa

"Ayaw ka lang niyang masaktan at pinagaalala kaya siguro tinago muna." Mika

Medyo nawala na ng konti yung luha ko. "Haaaay Girls! Ano ang gagawin ko pag wala kayo, thank you. Baka tama kayo Okay?" Sabay tawa, at niyakap sila. Awww Girl Hug!

Ang kailangan ko ngayon makausap si Nash, this is unexplainable.

*FastForwward sa uwian*

Dire-diretso ako sa bahay nila pagkatapos ng klase, actually cleaners ako ngayon pero tinakasan ko dahil halos di ako nakapagfocus sa subjects ngayon dahil dun sa excuse letter >.<

"*knock knock* NASH! AGUAS! NAAASH!" Halos kinabog ko na yata yung pintuan wala kasing sumasagot.

Biglang lumapit yung isa nilang maid na nasa garden nila. "Wala po si boss ngayon, umalis e, nagbike."

"Di niyo po ba alam kung saan pumunta?"

"Di po e, saka po medyo malungkot yung mukha niya, di nga po ako pinansin eh." Sagot ng maid.

Malungkot? Nag bike ? San ba lagi tumatambay yon pag emo? Alam ko na! Sa dating bahay namin. Medyo malayo nga ah kaya pala nagbike.Kinuha ko rin ang bike ko at pumunta sa nasabing lugar.

Pagkadating ko, nandun siya, nasa treehouse nakadungaw dun sa kabilang view. Agad ko siyang pinuntahan.

"Nash!" Sigaw ko mula sa baba. Nagtataingang kawali tong lalaking to ah.

"AEIGN ZACKREY NASH AGUAS! BRO! DUDE! ANO PA BA ANG ITATAWAG KO SA IYO PARA LUMINGON KA!" Sinigaw ko na dahil kating kati na akong magtanong. Sa wakas lumingon na siya at bumaba sa treehouse para puntahan ako.

"Ano ba?" Matamlay niyang sinagot.

"Bakit wala akong alam." Nagsimula na ako.

"Anong walang alam?" Nash

"Aalis ka? Pupunta ka ng Paris? Bat di ko alam?" Napayuko siya nung sinabi ko yon, tila gustong iwasan yung tanong ko.

"Nga pala Shar kamusta school? Tatlong araw di--" Iniba niya ang usapan pero tinigil ko.

"Di mo pa sinasagot yung tanong ko."

"Wala yon, Paris? Di ako aalis." Kitang kita ko sa mukha niya na nagsisinungaling siya.

"Nash, alam ko yung ganyang tingin Nash .. Umamin ka na sa akin. I want to know the truth. Naash." Niyuyugyog ko na ang balikat niya.

"Naash" Pilit ko pa. "Na--"

"OO AALIS NA AKO. O AYAN NALAMAN MO NA?!" Pasigaw niyang sinabi at tinulak ako. Tumakbo siya palayo at iniwan ako sa ere.

"Teka Nash!" Hinabol ko siya. Bakit mainit yung timpla niya sa akin? Bakit parang galit siya? Nakakapagtataka. Paulit ulit tong bumabalik sa isip ko habang hinahabol siya. Pagod na pagod na akong tumakbo pero hinabol ko pa rin.

Malayo layo na rin ang natakbuhan namin at medyo uulan na, pero hahabulin ko pa rin siya.

"NAAASH! PLEASE! WAG KA NANG TUMAKBO! ANO BAN PROBLEMA NASH!" Sinisigaw ko habang hinahabol siya. Ayaw pa rin niyang makinig at tumakbo pa rin hanggang sa nadapa. Kupo ke lalaking tao.

"NASH!" Sigaw ko habang lumalapit sa kanya at tinulungang tumayo, nung hinawak ko na ang braso niya hinampas niya yung braso niya para mabitawan ko.

"Wag mo kong tutulungan!" Sigaw niya.

"Teka Nash .. " Sinusubukan kong hawakan ulit pero inaalis pa rin niya.

"Sinabi na ngang wag mo kong tutulungan eh! O kahit hawakan!" Sinigawan pa niya ako lalo at tinigilan ko na. Tumayo na siya.

"Bakit mo pa ako hinahabol, alam mo na aalis na ako ano pa kailangan mo?" Tinaasan niya ako ng boses.

"Aba Nash wag mo kong ganyanin! Tandaan mo bestfriend mo ko! Saka bakit ba di ko alam? Nash wag mo na ng takasan to , may problema ka ba?" Halos maluhaluha na ako para lang sabihin niya.

"Problema ko? IKAW. IKAW ANG PROBLEMA KO!" Sigaw niya. At bigla siyang tumalikod, napansin kong napapaiyak na rin.

"Anong ibig mong sabihin Nash?" Tanong ko.

"Alam mo, hindi ko alam kung bakit ganyan ka kapal yang kamanhidan mo. Pinaglihi ka ba don? At di mo ko mapasok dyan sa puso mo?"

Nagdududa ako? manhid? Puso? Siya?

"Teka Nash .. Ano bang mga --"

"MAHAL KITA SHARLENE! MAHAL KITA! LIMANG TAON NA MULA NUNG SINABI MO SA AKIN NOON NA MAGPAPAKASAL TAYO SA SIMBAHAN! Alam mo bang nung sinabi mo yon, abot langit na ang kaligayahan ko? Alam mo bang kahit bata pa tayo lagi kong iniisip yon? Gusto ko ngang sabihin sa iyo yung eh para bang biro pero nung narinig ko iyon sa mga labi mo di ako makapaniwala."

Huminga ulit siya ng malalim at umiyak na. Pero tinuloy pa rin.

"Pagkatapos non, di ba ang laro natin lagi Palasyuhan? Na ako yung hari ikaw yung reyna, lahat ng mga ginagawa ko non totoo! Yung santan flowers, yung sayaw natin, yung yakap, lahat ng ka sweetan! Kaso ano? Nadama mo ba? Hindi! kaya tinigilan ko na .."

"Nung pumasok si Jairus sa landas natin, lalong nasira yung plano ko, na dapat nung 13th birthday mo, aamin na ako pero ano .. Naunahan ako ni Jai na MANLIGAW. Di ba nga halos tinapak tapakan mo na ako dahil sa di ka namamansin? Nagtaka ka siguro kung bakit di ako nagalit? Kinimkim ko yon para sa kaligayahan mo. Hinayaan kitang pasagutin si Jai, mapamahal sa lalaking yon kahit alam kong unang una pa lang lolokohin ka na niya."

Hindi ako makagalaw sa mga sinasabi niya. Bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat? Tila nagka amnesia ako? Saka .. Mahal niya ako?

napapaluha na lang ako sa mga sinasabi niya. Ganun din siya.

Pumapatak na ang ulan, pero parang ayaw pa niyang umalis at gustong magpaulan, kaya ginawa ko na rin.

Nagpatuloy ulit siya.

"Lahat ng Sakripisyo, sakit , kalayaan ko tinago ko, tiniis ko, tinanggap ko para sa iyo. Hinayaan ko yung kaligayahan ko para sa iyo. Ako lagi nakikinig sa problema mo, sa katunayan ayoko non kasi ang gusto ko pag kasama kita lagi kang masaya na walang luha na lalabas sa mata mo. Ako na lagi mong kasama, rain or shine, anywhere anyhow .. Kasi ang gusto ko lagi kang ligtas kaya lagi akong nasa bahay niyo. AKO NA INIWANAN KA NA'T LAHAT NG TAO PATI YUN BOYFRIEND MO, NANDITO PA RIN AKO PARA MAIPADAMA SA IYO NA MAY NAGMAMAHAL SA IYO NA DI KA IIWAN, SASAKTAN , PABABAYAAN. Ang gusto ko ibigay ko sa iyo ang buong universe, lahat ng Greek Gods and Godesses, lahat ng superheroes, lahat ng palasyo para lang maramdaman mo na reyna ka sa puso ko. Pero ANO? NAGPAKATANGA AKO SHARLENE! NABULAG AKO SA IYO!"

Nagsalita na ako .. Siguro kailangan ko na rin aminin to.

"Nash ayoko lang may magbago sa atin." Hinay hinay kong sinabi, tumingin siya sa akin at patuloy na umiiyak.

"Mahal din kita Nash, pero di ko maibibigay ang lahat .. Kasi Nash perfect ka na eh, yung mga nagawa mo sa akin, utang na iyon. Iba ka sa lahat ng mga lalaking nakilala ko. Its a pleasure na naging part ka ng buhay ko at legacy na ang ginawa mo sa pangalan ko, kaya hinayaan ko na lang sa sarili ko na, Hanggang Bestfriend ka lang kasi .. Kailangan pa ba ng Relationship para mapamahal ako sa iyo kung dito pa lang nasa langit na ako sa ginagawa mo sa akin." Napapaiyak na talaga ako. Nasabi ko na .. Kasi alam kong mangyayari din to someday.

Basang basa na kami sa ulan .. pang emo moment talaga?

pero di pa rin kami natinag.

"Yun na nga Shar eh, pag napa sa akin ka, walang masamang mangyayari sa iyo, ibibigay ko na ang lahat at ipapangako ko sa iyo na hanggang mamatay ako, yung apelyido ko dapat nasa dulo ng pangalan mo."

"Shar kahit kailan ba talaga di mo ko minahal? Yung katulad kay Jairus? Kahit isang segundo?" Dahan dahan niyang tinanong ..

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko .. Walang nasabi ang utak at ng puso ko ..

"Grabe Shar .. grabe .. " Yun lang ang nasabi niya at tinalikod ako para umiyak. Bigla ko siyang niyakap.

"Sorry Nash sa lahat alam ko na nasaktan ka talaga , please ang gusto ko lang wag kang umalis please .. babawi ako Nash please .." Pilit ko.

"Sorry Shar .. Huli na ang lahat, ubos na ang pasensiya ko, kung di siguro ako aalis baka di ka pa maliwanagan, ngayon na narinig ko na ang panig mo. Its Okay, its your decision." Pilit niyang inaalis yung braso ko pero nagmamatigas pa rin ako.

"Wag ka nang umalis? Di ko kayang wala ka rito."

"Masanay ka na Shar .. "

"Ano ba gagawin ko Nash para wag kang umalis?"

Sa wakas hinarap na niya ako at yung mga kamay ko nasa leeg pa niya.

"Sabihin mo sa akin .. Mahal kita Nash Aguas."

................. Napayuko lang ako at unti unting tinanggal yung braso ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim at nagsalita ulit. "Bukas na ako aalis. 5:00 pm ang flight ko. Kaya ko lang lumabas hanggang 3:00 lang, maaga akong pupunta sa airport, pag mahal mo ako pupuntahan mo ko don sa labas ng airport, maghihintay ako. Wag ka nang umasa na pumunta sa bahay bukas wala na ako don." Seryoso niyang sinabi iyon kahit basang basa na ang katawan niya dahil sa ulan at sa pagiyak niya, pagkatapos non, umalis na siya, iniwanan niya ako sa lugar na iyon, umiiyak, basang basa. Bigla akong napaluhod at humagulgol.

"Nash bakit ba? Bakit ako ang mahal mo? Bakit nasasaktan ako? Wag mo kong iwan." Sinigaw ko, kahit walang tao at humagulgol.

Biglang may bumalot sa akin na jacket, at niyakap din ako.

"Shar tara na, magkakasakit ka pa dyan."

Lumingon ako sa kanya at niyakap ko siya. "Ang sakit Jai, ang sakit."











---------------------------------------------

Hello! Masyado bang pang emo? Ice ba? Hay, last chapter na bukas .. PAANO BA?


O ngayon ako hahabol, If you want dedications, comment below :)


Another thing, FOLLOW AGUASREPUBLIC other account ko, at may ipopost din akong One Shot by November 1 doon. :)



Pipigilan ba niya si Nash or mananatili siya kasama si Jairus?


Kaya ba ng 5 votes para sa last chapter?



ilysm -PamPam :3

Bestfriend [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon