Chapter 2

1.2K 46 5
                                        

Chap 2

---- Nash ----

"Sharlene,

unang una gusto kong sabihin sa iyo na sorry dahil di ako nakapag paalam ng mabuti sa iyo. Yung daddy ko kasi eh. Sabi sa makalawa pa kami aalis, yun pala ngayon na. Sorry din dahil di ako nakapunta ng maaga dyan sa bahay ninyo. Medyo busy sa pag pack ng gamit.................

Sharlene, tandaan mo lahat ng mga sinabi ko sa park ha. Hinding hindi talaga magbabago yon. SOBRA. Wag na wag kang magpapabaya, yung studies mo i maintain mo. Magpapakabait ka. At higit sa lahat, wag na wag mong isipin na iniiwanan ka. Andiyan pa si Nash. Isipin mong Si Jairus lang yan. Magiginhawa ka rin. Wag mo sana akong alalahanin masiyado kasi okay lang ako. Every Friday tatawagin kita. Ikukwento mo lahat sa akin ah. Positive or Negative. Salamat sa lahat ng memories , MAMIMISS KITA NG SOBRA SOBRA. Mahal na mahal kita. ........."

Yan lang ang nakita ko dun sa sulat, pasulyap kong tinitingnan habang binabasa ni Shar. Manggigilid na ang mga luha niya, gusto na niyang umiyak.

"Totoo ba ito?" Patalikod niyang itinanong sa akin.

"Hinabol niya iyan kagabi bago ko isara yung bahay. Di ka na niya gisingin para di siya makaistorbo."

Hindi siya sumagot.

"Halika nga."

Niyakap ko siya. Di na ako kinikilig dahil sanay na ako dito. Bumigay na. Umiyak na siya, nababasa na nga yung gilid ng polo ko eh.

Hinimas ko ang likod niya. "Okay lang yan Shar, nabasa mo naman lahat. Sapat na iyon."

"Kasi Nash di siya nagtapat."

"Biglaan yon Shar. Di niya ginusto yon. Sa tingin mo ba kaya yon ng boyfriend mo?"

Tumigil siya sa pagiyak. At tumingin sa akin.

"Buti ka pa. DI MO AKO INIIWAN."

"Sus. Ako pa. Bestfriend kita eh. Maiiwan ba kita ng ganyan." Sabay punas ko sa kanyang mata.

Natawa siya. "Tara na nga." Kinuha ang bag niya at umalis na kami sa bahay nila. Medyo malapit kami sa school kaya nilalakad lang namin.

*habang naglalakad*

"Shar..?"

"O bakit?"

"Sa tingin mo ba mapapanatili niyo yung relationship ninyo?"

"Kakayanin to Nash. Kakayanin."

"Eh paano kung hinde, kung may magluko ang isa sa in--"

"Nash. Walang magloloko sa amin. Kung meron man, katapusan na ng mundo non."

Hindi siya kumibo. Pabalang kasi ang pagkakasabi ko sa kanya.

"Bakit kasi tinanong mo pa." Mabilis akong naglakad at naiwan siya, hinabol pa rin ako.

"Masama ba ?" Tanong niya.

"Marami kasi akong naaalala. Nash. "

Di na siya sumagot at nagpatuloy ang katahimikan hanggang sa makapasok na ng classroom.

----Shar----

Umalis muna si Nash para sa klase niya. Magkaiba kasi kami ng sched. Kaya magkahiwalay na classroom muna.

*sa classroom*

"Shar.!" Bati ni Alexa, close friend ko dahil halos lahat ng subjects kasama ko siya. Kami kami ni Mika.

"O, Bat ang laki ng Eyebugs mo te?" Tanong pa niya.

Di muna ako sumagot at naalala ko na naman ang mga nagyari.

Bestfriend [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon