Chapter 3

1.1K 40 2
                                    

Chap 3

---- Nash ----

*recess time*

Di na ako umalis sa caf pagkatapos naming magusap ni Mika at hinintay ang recess, tumunog na ang bell, habang di pa nakakalabas ang karamihan, bumili na ako ng pagkain para sa amin ni Shar. Dalawang siopao. Yun lang ang nakakabusog sa lahat ng pagkain doon.

Habang hinihintay si Shar, may tumakip ng mga mata ko.

"Sino to?"

walang sumasagot

"Sino ba to? Tanggalin mo na"

.........

"May hinihintay ako. Please tanggalin mo na kung sino ka man."

wala pa ring nangyayari .. hanggang

"Siopao!" At biglang nawala yung kamay sa mga mata ko. Bigla siyang umupo sa kabilang side ng table ko at kinuha ang pagkain. Nakatitig lang ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa akin.

"Talaga Shar? Tatakpan pa talaga!"

"Ang aga mo bro ha. Nag cutting ka no?" Tanong niya

"Hindi no." Pasimpleng sagot ko. Nakita nga pala ako nito kanina.

"Nakita kita kanina sa klase, nakatayo ka sa labas, nung lumabas si Mika sumunod ka." Sagot niya

"Illusyon mo lang yon. Pramis nasa klase ako."

Kinagat na niya ng tuluyan ang pagkain at sabay kaming nanahimik .. Parang ang lalim ng iniisip niya.

"Shar, tulala ka ba?"

"Hindi no. Matanong ko lang nga. Sino ba crush mo?"

"Ha?"

"Sino crush mo, I mean ang tagal na nating magkaibigan , nagkaboyfriend na ako't lahat di ko pa alam crush mo. Sino ba?"

tumahimik ako ..

"Nash ..?" Sabay kaway sa mga mata ko.

"Ah! Oo meron."

"Sabi ko sino."

"Pasensiya na Shar, di ko masabi eh."

"Bestfriend mo ko. Normal lang yon. Sabihin mo na."

"Sasabihin ko rin sa iyo one day. Pasensiya na talaga wrong timing ka."

"Sige di na ako magpipilit pero eto pa, malapit na school ball natin ha, wala kang partner?"

"W-wala." Pautal kong sinagot. Eto na Nash, eto na. Inhale exhale ..

"Ayon. Ikaw na lang! Para mas komportable ako."

Wow naman, komportable sa akin si loves. hehe

"Haya! Bakit ako! Ayoko! Alam mo namang ayaw ko sa social dancing" Paloko ko pang tinanggi.

"Sige na please Nash. Kasi pag ganitong school ball lagi kong naalala si Jai. At ngayon na wala na siya, I want to forget him just for now. Kaya please, Nashiiiiie .."

I can't resist. Ang cute niya kapag nagmamakaawa. Kung maiinagine niyo lang.

"Sige na nga! Pasalamat ka bestfriend kita."

"Ayon! Kaya mahal na mahal kita eh!"

Pinagpatuloy ulit namin ang pagkain ng recess .. Kung sana di pang kaibigan yung huling sinabi niya.

"Kaya Mahal na Mahal kita eh!" -Shar-


---- Shar ----

Hindi talaga illusyon ang nakita ko. Si Nash yon, kasama si Mika. Totoo yon. Eto naman si BRO ayaw magsabi ni totoo pero hayaan na muna. Nagutom ako don sa bio class ko kanina at, nilibre ako ni Nash. So di ako nagpakahirap pumila.

Natanong ko na rin kung sino ang crush niya. Ayaw niyang umamin. Kahit ano pang ipilit ko. TOTOO KAYA LAHAT NG SINABI NI ALEXA? MAY GUSTO SA AKIN SI NASH? AKO ANG CRUSH NIYA. OH. NO. DI PWEDE.

Imbistigahin ko nga, itetest ko naman kung totoo nga, kasi mahirap. Ayokong masira ang friendship namin. Solid na solid na kami kaya wala na dapat makakapagpabago non. Pero paano? Paano ako makakainvestigate?

Nagsalita muli si Nash "Sure ka bang ako kapartner mo?"

Maaalala ko nga pala, siya ang pinili kong kapartner para sa school ball. Wala naman akong magagawa e wala naman si Jai. So siya na lang.

Eto na ang pagkakataon ko mamaya, kung talagang may gusto sa akin si Nash.

*Fastforward to Dismissal*

"Pasensiya na Shar. Tinakasan ko lang yung cleaners." Pahingal na sagot ni Nash. Paano ba naman kasi halos thirty minutes na akong naghihintay. Di ako makapasok ng gymnasium dahil wala pa akong kapartner.

"Ashuuu Nash. Ayaw mo lang ako maging partner e."

"Ano ka! Tinakasan ko lang nga. Saka alam ko namang pinakahihintay mo to. Alanganin namang maputol to dahil wala si Jai."

TAMEEES XD

"Bestfriend talaga kita Nash." Sabay pisil sa pisngi niya. Sabay na kaming pumasok at halos lahat ay nandon na, wala lang nga yung instructor namin. Ang pangalan niya ay Christian Edwards na mas kilala sa tawag na "Ian Eastwood." walang originality si Sir.

Umupo kami sa isang tabi malapit sa stage. Marami rami din ang sasali ngayon. Bale mga 10 pairs kami, at sa tingin ko tatlong pair pa ang kulang.

Lumingon ako kay Nash. Tinitingnan niya yung phone niya.

....

"Tapos mo na ba akong titigan?" Bigla siyang nagsalita. Nagulat ako at napayuko. Namumula ba ako? HAYAA. Grabe kasi yung anggulo ni Nash kanina e. Ang .. pogi ..

Lumingon siya sa akin. "NAMUMULA KA? OH."

"Wala wala, polbo lang."

"Pawis na pawis ka kanina .. NAMUMULA KA TALAGA."

"Wala nga to Nash."

Bago pa siya magsasabi ng kung anu-ano, Dumating na si Coach Ian.

"Goodafternoon! Sorry kung mejj late ako."

PS. MEDYO BEKI NGA PALA TO. X

Tumayo na kaming dalawa at pumunta sa gitna.

May konting introduction pa si coach at dinisscuss yung magiging flow ng sayaw namin. Taray! Kiss Me yung sasayawin namin. Medyo emo pero kanta ni Ed yon. Sa wakas modern na rin ang mga tugtog. Isang dahilan kung bakit ayaw sumali ni Nash dito.

"Okay be with your partners. Magsisimula na tayo."

Tumayo na kami at nagfirst position. Bakit ganon? Na-awkward ako nung hinawakan ko yung balikat niya at hinawakan niya yung bewang ko. Pero ang malala rito. May kakaibang nangyari sa loob ko nung hinawakan ko yung kamay niya. Parang ang feeling na first time mong hawakan ng kamay nung crush mo .. BUTTERFLIES? I don't think so. Nagtitigan lang kami habang ginawa yon. At biglang binaling niya ang kanyang mga mata sa baba. NAPAKA AKWARD :(

At ayon. Yung mga steps lang naman kasi pang prom night talaga. Kutilyon ba tawag don? HAHA. Basta may ikutan pang mangyayari. Madaling madali na to sa akin. At dahil first time to kay Nash, mukhang malabo kami makatapos ka agad.

"Kanan, kaliwa kanan .. " Bulong niya sa sarili niya.

"Grabe ka. First step lang yan. "

"First timer. Pasensiya naman. "

Nagsalita ulit si Coach. "Pagkatapos niyan, kayo mga boys, ikotin niyo yung partner niyo ang back to step by step, after 8 counts, yung girls naman. Try niyo nga."

Inisa isa niya kami, at habang wala pa siya sa amin, sinusubukan na namin.

"Naknang, namamalipit paa ko ah."

"Kaya yan."

Inulit ulit namin yung step, hindi kami tumitingin sa iba, nagtataka na ako, di pa kami pinupuntahan ni coach. Ang tagal naman. Hanggang sa may narinig akong "ayiiee." Tumigil agad ako at hinanap kung sino yon. Napansin ko na lahat sila ay nakatingin sa amin, maski si coach! Ayon lalon lumakas yung Ayie na yon.

"Ayyyyy! GRABE DI KO KAYO MAISTORBO, BAGAY KAYO! ANG CUTE NIYONG SUMAYAAAW" Sigaw ni coach na lalo pang nagpalakas ng hiyaw ng iba.

Natahimik kaming dalawa, nangiti lang ako at si Nash ay napayuko. Ako na ang nagsalita.

"Sus coach, sayaw lang naman eh."

"Iba ang sweetness kasi pag kayong dalawa sumasayaw eh. O sige na nga class, mukhang napahaba na ang oras natin. See you again next meeting, ipractice mabuti ang mga steps ha!"

Hay sa wakas nadismiss na.

Hindi na muli pinagusapan ni Nash ang tungkol don. Siguro dahil ang OA at ang AWKWARD nga.

Naglalakad na kami pauwi sa bahay .. tahimik pa rin siya

"Nako Nash, hayaan mo na yon. Maski rin ako na-awkward. "

Di pa rin siya nagsalita. At imbis, huminto sa paglalakad.

"Ano meron?" Tanong ko.

"Totoo kaya yon Shar.?" Nagsalita na siya.

"Anong totoo?"

"Na bagay tayong dalawa ..."



-------------------------------------

YIEEEEE IMIIMAGINE KO PARANG SI CHICHAY AT JOAQUIN LANG HAHA! :)

SEMBREAK NA! YAY! MAGIGING ACTIVE NA AKO YAAAY! KAYA MGA FRIDAY OR SATURDAY NA ANG CHAPTER 4 :)



IF YOU WANT TO BE PART OF THIS STORY DONT BE AFRAID , KAUSAPIN NIYO LANG AKO :DDDD







-PamPam :3

Bestfriend [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon