Chap 5
---- Sharlene ----
Akala ko okay na. Masaya na talaga sana yung gabi eh. Kung di lang nangyari yon. Tama ang mga hinala ko. May iba si Jai. Ang masaklap don yung girlfriend niya yun pa yung pinagpilitan sa akin na PINSAN lang daw niya. Pinsan lang pala ha? E bakit may couple bracelet sila. KATULAD PA NUNG SA AMIN NI JAI. Ang sarap untugin!!!
Sa mga nakaraang araw na wala si Jai, gustong gusto ko nang kumawala sa kulungan niya. Dahil alam kong mauuwi lang lahat sa ganitong sitwasyon. Magbebreak din kami tas wala na. Dahil sa tiwala ko sa kanya pinilit ko pa rin. Nagsakripisyo ako, tinanggap ko na lahat ng sakit. Sinayang niya yon lahat.
Biglang may yumakap sa akin.
"Okay lang yan Shar. Pag nakita ko ulit siya. Promise, susugurin ko na yon. " Narinig ko na naman ang boses niya. Ano pa ba ang magagawa ko pag wala siya?
Naiisip ko nga rin kung si Nash na lang ang minahal ko. Tama nga naman ang mommy niya. Kilalang kilala ko na siya. Kaya di pa ako magaalinlangan. Tama rin naman sina Alexa, Nine years na kaming magkaibigan kahit di minsan di ako nagkagusto. At yung mga nangyari kahapon. Bago pa yung bwiset, dun ko na realize lahat. Na kahit papaano. Mararamdaman ko yung ganitong feeling sa kanya. Pero huli na yata ang lahat para magbago. May boyfriend ako. Ayon , niloko ako. Alam ko namang break na kami non pero Mahal ko pa rin si Jai eh. Iba pa rin siya kaysa kay Nash. At alam kong gagawin ni Jai lahat para mag kaayos ulit kami. Sa ngayon kailangan ko lang ng explanation sa mga nakita ko.
*****
---- Nash ----
Pumunta kami sa dating bahay nila Shar at nagparelax sa kanilang bakuran. Napakaraming memories ang nagdala sa amin dito. Lalo na yung hindi ko makalimutang imahinasyon ni Shar tungkol sa future namin. Pagkalingon ko kay Shar, parang normal lang sa kanya itong lugar na to. Di na niya siguro naalala 'to. Oo nga! Ulyanin na tong batang to.
"HAAAAY NAAAASH AAANNNGGG SAAAARAAAAAPPPP!" Sinigaw ni Shar kasabay ng malakas na hangin at nakabuka ang kanyang mga kamay.
"Tangayin ka dyan."
Inayos ko yung banig na paghihigaan namin habang siya ganun pa rin. Parang bata na naman. Pero ang cute. HOHO
Nung naayos ko na, ako na muna ang humiga at tiningnan ang langit. Sumunod na rin siya at sabay kaming nanahimik. Yung tunog ng palaka lang ang maririnig mong ngumangawa.
"Sino si Amira?" Ako na ang nagkusang nagsalita.
"Siya? Siya lang naman yung babaeng pinakilala sa akin ni Jai na pinsan niya. Matagal na akong nanghinala don na baka di talaga niya pinsan yon. Kinalimutan ko lahat sa gayuma ni Jai. Ayon. Namuhay ako sa bulag na paniniwala. Until ngayon na nasagot na lahat ng katanungan sa isip ko. Siya yung nagreply sa akin na "Hu U?" At sa lahat ng kamag anak ni Jai, siya lang ang di ko ka close. " Mangiyak ngiyak na naman niyang kinuwento.
"Wag ka nang maluha. Nandito tayo para kalimutan ang lahat. Natatandaan mo pa yung promise mo sa akin noon?" Eto na sinisimulan ko na.
"Alin? Yung pakakasalan kita? Naalala mo pa ba yon?" Patawa niyang sinabi.
"Oo."
"Alam mo namang di yon totoo di ba?" Sabi ni Shar at tumingin sa akin. NO WAY. Nawala ang ngiti ko nang marinig ko yon. Ang kaisa isang pag asa para kay Shar ..
"Ah! Oo naman! Bata pa naman kasi tayo non." Anim na salita katumbas ng isang bilyong luha.
"Di kasi Nash--"
"Wala , wala Naalala ko lang. Masyado kasing memorable tong lugar na to bro di ba? Naalala ko lang. "
"Sabi mo eh!" At bigla niya akong siniko. Ngumiti siya at nginitian ko pabalik. FAKE SMILE.
"Shar, Mahal mo pa rin ba si Jai?"
"Oo .."
"ANO? KAHIT GANON NA GINAWA SA IYO?"
"Alam naman natin Nash ang ugali ni Jai di ba. Alam ko na alam mo rin na di niya magagawang manloko sa babae. LALONG LALO NA SA AKIN. OO MAHAL KO PA RIN SIYA PERO DI NA TULAD NOON. KUNG DATI PINAMUMUGARAN KAMI NG LANGGAM NGAYON WALA NA. "
Sapat na ba to Nash? Na marinig mo to lahat? SAPAT NA BA! Lukang yan. Bwiset at napakamanhid mo SHAR! What the hell na ganon pa rin ang pagtingin mo sa kanya. E ano kung mabawasan. NANDUN PA RIN EH!
"Aba'y kahit na Shar! Sinaktan ka niya. Waring isang sorry mo lang okay na ang lahat."
"Oo naman! Hard to get kaya ako." Pabiro pa niyang sinagot.
"Im just protecting you Shar. Para sa iyo rin ito, ayoko kitang nakikitang nahihirapan o nasasaktan. Kaya layuan mo na please."
"Hindi ko magagawa iyon. Nash alam mong Head over heels mahal na mahal ko si Jai."
"KAHIT NA SHAR. Sa dinami dami ng lalake Sharlene! Please lang layuan mo na. Kahit magkagalit pa tayo o ano. BASTA LAYUAN MO NA SI JAI MAKIPAGBREAK KA."
Unti unti na namang namumuo yung kamao ko sa likod. Nandun lahat ng sakit na nararamdaman ko. Bigla akong tumalikod dahil lumalabas na ang mga luha sa mata ko. Nung una yung flashback, ngayon ito. Lord help me please.
Bigla ulit niya akong niyakap.
"Sige na. Makikipagbreak na ako."
hinarap ko siya. "Pinky Promise.?"
"Pinky promise." Sabay ginawa ang secret handshake.
**********
---- Jairus ----
(yaaaaaaaaay)
Nabisto ako. Galit sa akin si Shar at si Nash. Nakita nila ako kasama ko si Amira. Yung isa ko pang girlfriend. At alam na nila na di ako nangibang bansa. Yung araw na sumipot ako sa bahay nila shar ng alas dose ng gabi? Sinadya ko yon. Para di niya ako makita. At yun din yung oras na magkikita kami ni Amira, kasi kasama ko siya sa States. Yun nga lang nadelay ang flight hanggang sa di na natuloy. Dahil ang totoo, HINDI ALAM NG TOTOONG PARENTS KO NA SI SHARLENE ANG GIRLFRIEND KO. ANG KINIKILALA NI SHAR NA MAGULANG KO AY MGA TITO't TITA KO LANG. Nagtago muna ako kay Shar at Nash, dahil minsan ko lang makasama si Amira. Bago pa naging kami ni Shar, si Amira na talaga ang minahal ko at kinabaliwan ko. Nung dumating si Shar, nagbago ang ihip n hangin. Binago niya ako , iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Bukod pa kay Amira. Ayon, niligawan ko si Shar kahit may girlfriend na akong iba. Oo nagkamali ako. Namali ako ng pasok sa pag-ibig. Pwede niyo na akong tawaging "BABAERO".
Ngayon na naliwanagan na ako, kailangan ko si Shar bukod kay Amira. Oo Parehas ko silang minahal pero gaya nga ng sabi ko, iba si Shar. NAGSISISI AKO KUNG BAKIT KO SIYA NILOKO. Kailangan kong pumili sa kanila at si Shar yon.
"So yun na yon? buburahin mo na lang ng basta basta yung pinagsamahan natin? Ano ka ba Jai! Bat kasi nagmahal ka pa ng iba! " Sabi ni Amira habang umiiyak.
"Sorry. Nakapili na ako. At si Shar yon. Sorry."
"YOU ARE SO DAMN JERK TWO TIMER BABAERO O ANO PA MATAWAG KO TINGTING! AGHHH!" Halos dinabog niya yung sahig at hinampas yung pintuan namin.
Napaupo ako sa sofa at di ko napansin na umiiyak na ako. Ano na ang gagawin ko ?
LORD HELP ME PLEASE ..
Maisip isip ko pala, bukas na ang School Ball dun sa school namin ah!
A/N : HEY GUYS! Sinipag lang fo. Kaya mejj pilit lang. saka biglaan! HAHAHA! Like na like niyo ba ang biggest twist ever?!!! Makapigil hininga no?
Saka napapansin niyo ba napaka emo nito? Buti naman tyinatiyaga niyo! HAHAHA! SALAMAT PA RIIIN
ELEVYEEW ALL :) :**
-PamPam :3
![](https://img.wattpad.com/cover/8963898-288-k897645.jpg)
BINABASA MO ANG
Bestfriend [NashLene]
Short StoryMay lalaking bino-Boyfriend at may lalaking bine-Bestfriend. Ewan ko ba kung bakit parehas ang pagtingin ko sa kanilang dalawa. This is Complicated. -Shar-