Chapter 4 (Part 1)

1K 38 5
                                    

Chap 4

---- Shar ----

HAAAAAY! SABADO NGAYON! WALANG PASOK! PAHINGA !! ay .. hindi nga pala, magpapasukat ako ng susuotin ko para sa ball. Taon taon naman lagi ang nanay ni Nash ang gumagastos, nakakahiya na nga eh, ang sabi lang niya , "Dahil bestfriend ka ng anak ko, anak na rin ang turing ko sa iyo, kaya wag ka nang mahihiya." Siguro sila na nga ang bago kong pamilya. Pero nakakahiya pa rin na paggastusan ako ng mahal na gown, minsan nga sabi ni Nash, yung mommy niya talaga ang pumipili ng tela at design, sabagay kasi wala pa siyang anak na dalaga, si chloe .. sa future na yon, basta ako daw ngayon :)

*beep beep*

Hinanap ko yung cellphone ko dahil tumunog.

To : Bebe Shar

From : Boss Nash

"Bebe! Gising ka na? Sunduin kita ng 8."

Nireplayan ko.

To : Boss Nash

From : Bebe Shar

"Luka! Kagigising ko lang, pede 8:30? :)"

Di ako gumalaw sa posisyon ko hangga't di niya ako rereplayan.

To : Bebe Shar

From : Boss Nash

"Ge po. Basta kayo. O inat inat na ha. May gagawin tayong malupet kaya KUMILOS! :D"

-----

May gagawin kaming malupet? Aba'y ano yon? Ang alam ko lang magpapasukat lang ako ng damit at iuuwi na niya ako, at ang gagawin ko lang matulog. Planado yon.

Ganyan naman lagi si Nash eh, hayaan na natin si Boss.

Tiningnan ko ang oras at 7:45 na. Tama lang na pinabago ko ng 8:30. Naligo na ako at kumain ng noodles, nagsuot ako ng jeans , black v neck shirt at vans. Di na ako maglalakad papunta sa kanila, si Nash na daw ang pupunta dito.

*door knocked*

nabigla ako sa suot niya. First time in history, nagpatong siya ng black t shirt at may polo sa labas. Magkaparehas kami ng kulay .. Nag jeans at sinuot yung neon rubber shoes niya, medyo nakaayos din ang buhok naninigas na sa claydo pero okay pa rin.

Di ako nagsalita. At medyo na stick yung mga mata ko sa kanya.

"Bagay ba?" Tanong niya.

Kinuha ko muna yung purse ko sa sofa namin at bumalik ako sa kanya.

"O-O-Oo"

Shar bat ka nautal?

"Siguro nanibago ka talaga."

"Aba'y Nash pumoporma ka ba?" Sinabi ko habang nilolock yung pinto ng bahay namin.

"Pwede na."

"Sus! Yun siguro yung gagawin nating malupet. Hahanapin natin yung crush mo no."

"Di ren."

"Ha?"

"Basta malalaman mo mamaya"

Naglakad kami hanggang sa makarating sa bahay nila. Nakita ko na nagdidilig ng halaman ang mommy niya.

"Sharleeeene!" Bati niya mula nang nakita niya ako.

"Tita!" Nagbesobeso kami at nagmano si Nash.

"Pasok ka sa loob , susukatan na kita."

Naghintay ako sa salas. Ang bongga ng bahay nila. Mayaman e. Si Nash nasa kusina at naghahanda ng makakain habang yung mommy niya tinatapos pa rin ang gawain sa garden. So magisa lang ako. Tiningnan ko yung cellphone ko at napaisip. Friday kahapon di ba? Bat di tumawag si Jai ..

Bestfriend [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon