Chapter 6

911 38 5
                                        

Chap 6

---- Shar ----

Oh gosh School Ball na, napakabilis ng araw, kasabay ng mga nangyayari sa maliit kong mundo. Ayoko nang isa isahin dahil babaha na ng luha ang buong universe. Ang gusto ko lang ngayon ay maging masaya at memorable tong ball na to, kasi si Boss yung partner ko at first time din niya, kailangan kong magpalakas at magpakasaya para dama rin niya ang magandang experience.

Ngayon nasa bahay ako nila Nash, as usual, inaayusan ako ng mommy niya. Medyo iba nga yung suot ko eh. Medyo familiar. Yung make up, accesories pati hair style! Wala akong ibang iniisip ngayon kundi si Nash. Ano kaya itsura non? Matigas na naman ba buhok non? Anong kulay kaya ng tux niya.? Sharlene!! Gumising ka nga? Si Nash? Iniisipan mo si Nash? First time to ah, first time.

Then si Jai. Ayoko muna sana pagusapan pero bumabalik sa isip ko eh! Di ko alam kung totally matatanggap ko yung paliwanag at yung sorry niya or susundin ko si Nash na hiwalayan siya ng bonggang bongga. Kasi .. Mahal ko pa rin siya eh. Gaya nga sa kanta ni Yeng "Habang buhay ang pag ibig ko sa yo , o sinta . Kahit na may KASALANAN ka IIYAK ako pero .. PAPATAWARIN kita."

"Ready ka na Shar sa gown mo?" Tanong ni Tita. Napangiti ako mula sa salamin at umalis siya sandali. Kinuha ko muna yung phone ko para may magawa naman ako. Kanina pa ako nakaupo eh!

"Eto naaa!" Narinig ko si tita, hawak hawak yung cream gown ni ... Taylor Swift sa Love Story music video. Grabe, ganun na ganon ang style, walang labis walang kulang. Laking gulat na lamang ang reaksyon ng mukha ko. Natawa si tita at minadali niya akong pinunta sa malaki niyang closet para maisuot ko na.

****

"Aawh, kamukha mo na si Taylor Swift! Ganda! Ganda." Papuri ni tita habang nilalagay niya ang mga last touch sa make up ko. Nung matapos na, humarap ako sa salamin na kita ang buong suot ko. Lumapit si tita at ibinigay niya ang bracelet na kulang sa outfit ko.

"Alam mo ba Shar, hindi ko alam kung bakit ganito ka lamang pinaghandaan ng anak ko. Alam mo bang siya nagsuggest ng susuotin mo, from head to toe, siya rin pumili ng accesories mo, pati yung brand ng sapatos mo. Ako lang ang tagabili at taga gawa ng gown mo."

Nagulat ako sa sinabi niya. Si Nash? Aguas?

"Siguro nga ganun ka niya kamahal bilang isang bestfriend, pero nakikita ko sa mukha niya na iba ka sa kanya eh! Kahit di niyo aminin sa isa't isa alam kong kayo ang para sa isa't isa. Di naman ako gaanong ka desperada pero gusto talaga kita para kay Nash. Please Shar, sana malaman niyo ang katotohanan sa destiny ninyo , kasi ako nahanap ko na. At kayo yon." Paluha niyang sinabi iyon. Grabe, maiiyak na rin yata ako. Di lang sa sinabi niya kundi na rin sa anak niya. Sobra sobra na Nash. Hindi ko alam kung ano pa magagawa ko para masuklian to lahat.

---- Nash ----

Tumingin ako sa salamin. "Ang pogi ko." Bulong ko sa sarili ko. Pure black tuxedo lang naman ang suot ko, with a bowtie and black shoes. As always matigas na naman ang buhok ko pero yung style e medyo hawig kay Louis Tomlinson, sa pagkakaalam ko finafancy yon ni Shar at pinaka favorite niya sa One Direction. Sus mga babae nga naman.

Ang iniisip ko ngayon, malamang si Shar. Ano kaya itsura non? Sana magbunga ng maganda lahat ng pinaghandaan ko ngayon. Minsan lang to sa isang taon Nash! Kaya sagarin na.

May kumatok sa pinto. Lumapit ako para buksan at nakita ko si Mommy.

"Kamusta po si Shar?" Tanong ko.

"Ayun okay na. Beautiful as always."

"Ah sige po ma, lalabas na ako." Kinuha ko yung wrist watch at panyo at dalidali akong lumabas.

Bestfriend [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon