Chapter 44 - about us..

6.9K 98 8
                                    

Chapter 44

*Amie*

Biglang nag-iba ang kulay ng mukha ni Kieffer dahil sa narinig nya.. maging ako ay ganun din dahil hindi naman talaga ako fiancée ng ugok na to.. tinignan ko siya ng masama at kinurot lang ako sa likod bilang ganti nya.. i know that he wants revenge towards Kieffer, pero hindi ako aware dun.. at fiancée pa talaga ang gustong palabasin??

Sana man lang na-inform ako, diba..

“i-i-i see..” and then Kieffer looked away.. pabigla din nyang kinuha ang kamay nya kay Jerson.. i sighed.. muli akong tumingin kay Kieffer and then kay Jerson na ngumingisi ngisi pa ngayon..

“ahmm.. Son?” sabi ko..

“yes, hon?” gusto kong sumuka sa sinasabi nya..

“can you please.. leave us muna? May pag-uusapan lang kami?”

“sure, hon.. i see you later..”

Sabay halik nya sa noo ko, na siyang ikinagulat nung mag-ama ko.. mag-ama ko talaga dahil kitang kita ko dito ung sabay nilang pagsinghap at ung pagkunot ng noo nila.. even Kirsten don’t know that, pero yari ako mamaya nyan sa kanya, kasi puno na naman ng tanong ang utak nya..

Nang makalabas na si Jerson ng kwarto, agad akong hinawakan ng anak ko sa mukha ko and still, naka-kunot pa din ang noo nya..

“why is ninong do that?” bulong na sabi nya..

“b-because... because... he’s... he’s giving me a friendly kiss..”

“talaga po?”

“yes, baby.. kaya wag ka ng matanong jan..”

Inayos ko ng pagkakaupo si Kirsten sa lap ko.. Hinarap ko naman si Kieffer na kasalukuyang mukhang tuod dun na nakasandal sa kama nya at matamang nakatitig lang sa aming mag-ina.. habang kausap ko si Kieffer kanina, bigla kong naisip ang mga pangaral sa akin ng mama ko.. na dapat intindihin ko naman ang mararamdaman ng anak ko kung sakaling wala nga siyang kalakhang ama.. na hindi siya laging nagtatanong sa akin, kung bakit siya lang ang wala papa na katulad sa mga classmates nya..

At ayoko ng maulit pa iyon, dahil naaawa na ko sa anak ko.. and i know, dapat noon ko pa to ginawa, pero ngayon lang yata ako nahanda.. dahil siguro sa mga sinabi nya sa akin kanina..at para na din pasiyahin ko naman ang anak ko dahil makikilala na nya ang papa nya..

Lumapit ako sa anak ko at binulungan ito.. “anak.. go to him.. give him your hug and kiss like what you did to me before..”

“bakit po, mama?”

“b-because he saved your life.. and he’s....... it’s a suprise..”

Nalilito man siya ay agad na gumapang siya paakyat sa kama ni Kieffer at nang marating na nya iyon ay niyakap na nya ito at halikan ng paulit-ulit ang mukha nito.. gulat man si Kieffer, ay natutuwa ito dahil sa ginagawa ng anak ko sa kanya..

“h-h-hey.. and dami nun ah.. salamat!” sabi ni Kieffer ng matapos si Kirsten sa ginawa nya..

“thank you for saving my life..” sabay upo ng anak ko sa harap nya..

“your welcome.. isa-save ko talaga ang ganyang ka-cute na bata..” sabay kurot sa pisngi ng anak nya..

“nitulak nyo po ako kanina.. tapos nisave nyo pala ko..” sabi naman ng anak ko..

Seeing them close like that, pakiramdam ko ay matutunaw na ko dahil sa overwhelming na saya na nararamdaman ko.. sa tuwa dahil magkaharap ngayon ang mag-ama.. magkaharap ngayon ang halos tawagin ko ng identical twins dahil sa sobrang pagkakahawig nito.. at dahil na din sa nakikita kong magka-usap sila ngayon, unti-unting natatanggal ang takot dito sa puso ko..

False AlarmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon