chapter 2 - confess

12.7K 183 8
                                    

-cathie at the right side.. :)

---

Chapter 2

*Amie’s POV*

Nandito ako ngayon sa may labas ng auditorium ng school namin, dahil katatapos lang nung graduation. Well, hindi nga ako nasama sa honor roll, pero madami naman akong awards.. sayang nga eh, sana kasama ako sa kanila, pero hindi umabot yung average ko dun sa may kalaban ko. Puro extra curricular lang tuloy yung mga natanggap ko..

Pero ayos lang yun! At least, meron diba?

At tsaka, wala naman ang mom at dad ko dito sa graduation ko.. busy kasi sila kaya i understand naman..

Ay! Kaya pala ako nandito sa labas, dahil hinihintay ko si Kieffer. Isasauli ko kasi sa kanya yung jacket nya na ipinahiram nya sa akin nung na-bully ako.. hindi ko na kasi siya nakita simula nun kaya ngayon ko lang maisasauli.. yun ay kung makikita ko siya ngayon..

Simula nung nakasama ko siya nung time na un, wala ng nagtangkang mam-bully sa akin, at all smiles pa silang lahat sa akin. Merong nagso-sorry, naghi-hi and such things..

Ang weird nga eh..

Siguro dahil sinabihan na sila ni Kieffer?

*dug dug*

Ayan! Ayan na naman yang dug dug na yan.. everytime na babanggitin ko yung pangalan ni Kieffer, lumalakas yung tibok ng puso ko..

*dug dug*

Oh, see?? Pasaway!

Biglang umingay sa may exit door, at may naglabasan na another batch of students.. as usual, they are all smiles, kasi sila yung kasama sa honor roll.. including Cathie and kieffer.. Cathie is the salutatorian, while kieffer is the first honourable mention..

Sayang..dapat ako din!

Napansin ni Kieffer na nandun ako sa may labas kaya ningitian nya ko..

Syet! The dimples! You never failed to make me smile too.. :D

Yeeee! Landi! xD

Ningitian ko din siya.. yung ngiting abot tenga..

Lumapit ako sa kanya at ganun din siya, nang bigla siyang hawakan sa braso ni Cathie at may ibinulong sa kanya.. nawala yung ngiti ni kieffer at napalitan un ng pagka-irita..

Napayuko ako. Ano ba tong nararamdaman ko sa kanya? May ouch ulit oh!

Crush ko ba talaga siya??

Sabihin ko kaya sa kanya??

Tutal, graduation na naman at siguradong sigurado akong hindi na nya ko makikita, dahil alam kong sa ibang bansa siya mag-aaral ng college..

Why not try??

Crush lang naman eh..

Tuluyan na kong lumapit sa kanila. I don’t care kung nandun si Cathie.. isasauli ko lang naman yung jacket ni kieffer, at magsasabi lang naman ako ng totoo..

Waaahhh!! Grabe ang confidence ko.. to the highest level!!

“kieffer!”

“oh, amelyn! Hi..” sabay kaway nya.

“kieffer?? Tsss.. feeling close??”sabi ni Cathie.

“Cathie, sa gate na lang tayo magkita.. please..” – kieffer

“alright JP! Hintayin kita dun.. JP!”

Kung maka-JP naman tong si Cathie.. oo na! Siya na si JP! Inemphasize pa talaga yung JEY-PEE!!

False AlarmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon