Chapter 21 - flashback.

7.4K 67 0
                                    

Chapter 21

*Amie*

“kumusta naman ang fiancée ng isang Peterson?” – Anne

“yeeee!! Sabi na eh! Una pa lang may namamagitan na sa inyo.. obvious na obvious.. tapos tinago mo pa sa amin yan.. katampo ka, girl..” – Alex

Napakamot na lang ako sa ulo ng sabihin sa akin yan ng mga ka-office mate ko habang nandito kami sa office.. lunch break namin ngayon, pero mas pinili na lang namin na maiwan dito sa loob at dito na lang din kumain.. pinayagan naman kami ni sir Harvey since close na naman daw kami nun.. natawa nga ko sa dahilan eh.. pero, wag ka ha.. gwapong gwapo pa din un, kahit gwapo din si Kieffer.. :P

Konek?

“eh.. hayaan nyo na, girls.. at least kayo naman unang naka-alam na ikakasal na ko, diba? Counted na din un..”

“o siya.. sabi mo eh.. pahingi na lang kami ng ulam mo.. mukhang masarap eh..”

“sige lang, Anne.. ikaw din, Alex.. kuha ka na din..”

Habang kumakain kami, hindi ko mapigilang mangiti twing maaalala ko ung time na namanhikan ‘kuno’ sila Kieffer sa bahay namin.. it’s been two months since nung pumunta sila dun sa amin.. well, i can say na it’s like a terrible to us.. especially to Kieffer..

*flashback*

“PA!!! My ghad!! Tama na po!!”

“tumigil ka jan, Amelyn!”

“PA!! Hindi nya na po kaya.. please pa..” pagmamakaawa ko..

“wag ka ngang O.A, anak.. kaya nya yan..” sabi ng mama ko na napaka-supportive.. talking about sarcasm here.. -_-

“ma naman.. hindi pinapagawa ng ganyan si Kieffer sa bahay nila, tapos kayo.... kayo..... kayo ni papa... AISH!!! Bahala na nga kayo!!”

Nag-walk out ako ng di oras dahil hindi ko na ma-take ang inaakto ng mga magulang ko.. pumasok ako sa loob ng barn at uminom ng maraming tubig.. mabuti na lang at nasa manggahan sila lola Kristine at namimitas ng mangga dahil kung nandito un, baka himatayin ung mga un dahil sa pinagawa nila kay Kieffer..

Imagine, pagkatapos paglinisin ng kulungan ng baboy, pagpitasin ng mangga sa tuktok ng puno, pag-araru-hin ba naman ngayon?!! As far as i know, takot si Kieffer sa mga malalaking hayop, lalo na sa kalabaw tapos ngayon ang lapit lapit pa niya ngayon dun sa kinakatakutan nya?? At halos kaladkarin pa siya ng kalabaw?! Ano to, fear factor – my dad’s edition???

Ay grabe.. di ko to kinakaya.. T^T

Inilamos ko ang palad ko sa mukha ko in frustration.. sobra na tong pinapagawa nila kay Kieffer.. paano na lang kapag nagkasakit yan.. nabalian ng buto, o kaya naman magka-osteophorosis?? Edi kasalanan pa nilang dalawa!!

Eto namang si Kieffer, cool na cool.. akala mong kung sinong matapang kanina.. panay naman ang sigaw dun sa palayan.. kainis!! Pwede namang tumanggi, nagtatapang tapang-an pa!

“girl..”

Nagulat ako sa boses na un, dahil alam kong si ate Kass na un.. tumingin ako sa likod ko at ayun nga siya, kain ng kain ng manggang hilaw..

“ate Kass!! A-he-he.. ku-kumusta?”

“eto.. nag-eenjoy.. ang sarap dito sa inyo, Amie!! Sobrang refreshing!!” sabi nya sabay kagat nya sa mangga nya..

“a-he-he.. buti naman nag-eenjoy ka.. si-sila lola?”

“nandun pa.. natuwa sa mga manggang hinog..haha”

“a-he-he.. ga-ganun ba?”

Tinignan nya ko ng may halong pagtataka.. nangiti na lang ako sa kanya at hindi ko malaman kung ngiti ba un ng tao, o ngiting aso..

False AlarmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon