Chapter 16 - jealous?

7.5K 79 0
                                    

-two chaps again.. :) sinisipag akoooooo~~ xD

Amie on the right side.. imaginin nyo na lang na nasa fashion show siya.. :D

----

Chapter 16

*Kieffer*

Ang bilis ng panahon, reunion na namin.. hindi naman kami ganung kadami, dahil ung batch lang namin ung kasama at ung mag-asawang Johan at Sharmaine ang nag-organize nun.. so loob kasi ng nagdaang taon, ngayon lang ulit kami magki-kita kita.. lahat kasi ay naging busy sa trabaho at ngayong araw lang ung pwedeng araw para sa lahat..

Patungo ako ngayon sa bahay ni Amie, susunduin ko kasi siya.. alas-syete pa lang naman at alam kong maaga pa para sa party, dahil 8 pa ang start nun, pero kasi, gusto ko ng Makita si Amie ngayon.. hindi na kasi kami masyadong nagkikita nitong nakaraang araw dahil palagi na kong nasa site, at miss ko na siya.. malapit na kasi matapos ang project namin dun, kaya focus na focus muna ko doon..

Hindi naman nawawala ung palagi kong pag-tawag sa kanya.. katulad na lang ngayon, tinatawagan ko na siya..

“HELLO, KIEFFER!!” sinagot na pala nya

“oh? Amie? Bakit ang ingay jan? Papunta na ko sa inyo.. susunduin na kita..”

“HA?? ANG AGA NAMAN.. AT TSAKA, TEKA.. WALA AKO SA BAHAY..”

“eh? Nasaan ka?”

‘TEKA.. LALABAS MUNA KO SAGLIT LANG..”

Hinantay ko siyang maka-labas habang pinark ko muna sa isang tabi ung kotse ko..

“hello, Kieffer? Daanan mo na lang ako dito sa Manila Hotel.. may biglaang rampa kasi ako ngayon eh..sorry..”

“teka.. bakit ngayon pa yan? I mean, alam mong may pupuntahan tayo diba?”

“oo alam ko.. naiinis nga ko sa handler ko kasi nagpumilit eh.. nagka-sakit kasi bigla ung isang model kaya ako ung ipinalit..  pero don’t worry, maaga naman ako matatapos.. makakapunta pa tayo sa reunion..”

“sigurado ka? Ok lang kahit hindi na tayo pumunta.. papanuorin na lang kita..”

“no! Magagalit sila Sharmaine sa akin.. mga 8pm, i’m sure tapos na to.. makakahabol pa tayo..”

“ok sige.. i’m on my way.. kita na lang tayo..”

“ok, thank you, Kieffer.. ingat ka.. bye!”

“bye!”

Nangiti naman ako dun.. ingat daw eh.. tsk tsk.. medyo ano ako dun ah.. tsk.. medyo kinilig?

Nag-u turn ako kaagad at tumungo na sa Manila Hotel.. buti na lang at hindi pa traffic kaya madali lang akong nakarating doon.. medyo malapit naman din kasi ako dun sa lugar na un kaya hindi hassle.. alam ko naman ding makakahabol pa kami ni Amie, dahil around that vicinity naman ung bahay nila Johan, which is ung pagdadausan ng party..

Pagkababa ko, lumapit na ko sa guard kung saan ung lugar nila Amie.. tinanong pa nga ko kung may invitation ako, pero buti na lang at nakita ako nung handler daw ni Amie, kaya naka-pasok na ko kaagad..

“dito na lang pwesto mo, pogi..”

“si-sige po.. salamat!” sabi ko ng ilang dun sa bading na handler daw ni Amie..

“you’re welcome, pogi!”

“J.P na lang po.. he-he”

“ok, J.P-ogi.. hahaha..”

Napakamot na lang ako sa ulo ko.. makulit din pala tong handler ni Amie.. panay ang ngiti kasi sa akin, at kapit sa braso ko.. nahihiya naman akong bangasan, baka kasi makulong ako ng di oras at di pa kami makarating sa pupuntahan namin..

False AlarmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon