Chapter 29 - night to remember

6.8K 71 2
                                    

-dedicated to my mallows.. again! haha.. eto na un.. xD

promote ko na din ung story mo.. 'dare to love me' ung title.. read nyo din!

salamat :))

--------

Chapter 29

*Amie*

Natapos na lahat lahat ung dinner, pero bihira pa din nya kong tignan.. napahiya yata siya sa sinabi nya o nairita dahil sa reksyon ko.. pagka-pasok pa lang namin sa kwarto, dire-diretso na siya kaagad sa banyo at nag-shower na ng hindi ako tinitignan.. natapos na siya’t lahat, hindi pa din siya tumitingin sa akin..

Sinusubukan ko naman siyang kausapin, pero laging oo at hindi ang sinasagot nya sa akin.. wala na kong ibang nagawa, kundi ang pumasok na din sa loob ng banyo, at lumubog na lang sa bath tub.. eh kesa naman sa mag-mukha akong tanga dun at baka pag-awayan pa namin to, might as well spend my remaining free time here at this tub.. marerefresh pa ang utak ko at giginhawa pa ang pakiramdam ko..

Pinuno ko ng pinuno ng tubig at soap ung tub saka ako naglublob.. amoy na amoy ko ung bango nung soap nila, at natutuwa ako sa mga nalikhang bubbles dito.. madaming iba’t ibang klaseng lalagyan ng liquid soap ang nakalagay dito sa paligid ng tub.. mamimili ka na lang kung ano ung gusto mong amoy at ang napili ko ay ung may amoy na parang candy..

Ang bango bango lang..

Yes! Para lang akong bata.. :D

Nang maramdaman kong may isang oras na ko dito sa pagbababad ko, dinrain ko na ung tub at umahon na ko saka ako nagbanlaw.. nakaramdan na din kasi ako ng ginaw sa pagbababad ko na un at baka sipunin pa ko..

Nagbihis na ko pagkatapos at nag-blow dry, dahil nandito na din naman ung blower sa loob ng banyo.. it takes another minute na naman un, at magda-dalawang oras na yata akong naglagi dun, bago ako lumabas ng banyo..

Paglabas ko, Nakita ko si Kieffer na nasa may veranda na nakasilip dun at may hawak ng baso.. napatingin naman ako dun sa may side table at may nakita akong alak dun kaya nalaman kong alak ung iniinom nya..

“umiinom ka?”

Napatingin siya sa akin saka tumango at ipinakita sa akin ung baso nya.. lumapit ako sa kanya at kinuha sa kanya ung baso at inamoy ko ung laman nito..

“ayos to ah.. medyo matapang..”

sabi ko sabay balik sa kanya nung baso.. pero joke joke ko lang naman un.. malay ko ba sa mga alak na yan kung matapang o hindi.. nasabi ko lang naman un kasi para kunwari umiinom ako at payagan nya kong matikman ung alak na iniinom nya..

well, unfortunately for me... ayaw nya.. -_-

“no.. sleep now, Amie..”

“but..sige na.. titikman ko lang..”

“hindi na Amie.. hindi naman to masarap eh.. nagpapa-antok lang ako.. sige na.. mauna ka ng matulog..”

Wala na naman akong nagawa.. hindi na naman pumasa ang beauty ko.. ang ginawa ko na lang eh binuksan ung iPAD nya at nag-facebook na lang ako.. madami dami din akong notifications, at puro like lang un.. mga nag-like lang sa status ko..

“Here at Thailand with my hubby..”

Inggitera, right?? Haha..

Pero, visible lang naman un sa mga close friends ko.. dun lang sa family and friends ko talaga.. madami akong friends sa FB pero, naka-private lahat ng info ko maging ung mga pictures ko..

Natawa na lang ako sa comment ni Joan – asawa nung friend ni Kieffer na si Jerwin – at sinabi na isako ko na daw si Mario Maurer dahil nandito na naman daw ako.. alam nya kasing pantasya ko si Mario Maurer kaya ganun na lang ung ki-nomment nya..

False AlarmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon