Chapter 39 - confuse..

6.3K 100 11
                                    

-dedicated kay unnie.. haha.. mahaba haba ang role ni alex dito.. xD

--------

Chapter 39

*Kieffer*

“hijo.. tama na.. Jusko! Tama na, hijo..”

                                                                          

Rinig kong sigaw ni manang ng basagin ko lahat ng Makita ko sa nilalakaran ko..pababa ako sa may sala at ung mga nakita kong paso na nasa may hallway ng bahay namin, pinagsisisipa ko.. ung mga mini vases na nakalagay sa isang tabi, lahat iyon hinawi kong lahat at tinapon ko sa sahig..

Gusto kong ilabas lahat ng galit ko sa sarili ko by doing this.. gusto kong ilabas lahat ng mga katarantaduhang ginawa ko sa pamamagitan nito.. gusto kong makalimutan ang lahat ng ito kahit isang minuto lang.. gusto kong mamatay muna, para hindi ko na maramdaman ang sakit na nararanasan ko ngayon..

Gusto kong bumalik sa akin ang asawa ko..

Pero hindi ko magawa.. hindi ko alam kung paano..

“hijo.. huminahon ka.. tama na..”

“ma-manang.. manang.. ang asawa ko!” galit kong sabi sa kanya.. pinipigilan kong umiyak sa harap nya at inilalabas ko lang ito sa pamamagitan ng pagbabasag ko ng kung anong makita ko..

“oo, hijo.. oo.. tama na..”

Tumungo ako sa bar counter at kinuha ung isang alak na naka-display dun.. dali-dali kong binuksan un at inisang lagok ko lahat.. ramdam kong gumuhit ang init na naramdaman ko sa lalamunan ko pagka-lagok ko nung iniinom ko.. after that, inisang tungga ko na naman ulit ang lahat ng natira na nasa bote na hawak ko..

Twing maaalala ko ang itsura ni Amie kanina, halos hindi ako makahinga.. seeing her in so much pain, wants me to hug her and take all her pains away.. pero hindi ko magawa.. i was so confused.. alam kong nasasaktan ko siya, pero mas nasasaktan ako para sa kanya.. at iyon ang ikinagagalit ko sa sarili ko..na dapat ako ang mag-alis ng sakit na nararamdaman nya, pero hindi, ako pa talaga ang nakasakit sa kanya..

Gusto kong makalimot..

“J.P! J.P!!”

Napa-angat ang tingin ko sa may entrance door, at nakita ko na humahangos papasok si ate Kass.. may kung anong galit sa mukha nya ng harapin nya ko habang lumalapit sa akin..

“what are you trying to do, my dear brother?!” galit na sabi nya sabay duro nya sa akin..

“w-what?”

“oh! For pete’s sake!!! I saw Amelyn running outside the village and she’s crying really hard.. and what really shocked me most, was that, she carried a huge bag as if naglayas siya!! I had a feeling, Kieffer.. pinalayas mo ba ang asawa mo?!”

“what?! No! Hi-hindi ko siya pinalayas..”

“then what?! Hiwalay na kayo?”

Napatakip ang kamay ko sa buong mukha ko.. “i...i don’t know, ate.. i don’t know..”

False AlarmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon