8. New Day - New Beginning

105 7 8
                                    

IKA-WALONG BAHAGI: NEW DAY, NEW BEGINNING

Isang panibagong araw na naman at panibagong hamon ang hinaharap ni Amber at Jacob. Patuloy ang mga bagay sa pagdating nito kung kailan magiging maayos na ang relasyon at pakikitungo nila sa isa't-isa.

Jacob's POV

Isa na namang panibagong araw. Kailangan kong ituloy ang buhay. Kahapon ay umuwi ako sa bahay ni Lola at sinamahan ito sa pamimili ng mga panibagong muwebles sa bahay. At hindi pa rin siya napapagod na pilitin akong doon na tumira sa kanya.

"Apo, sige na naman, pagbigyan mo naman akong makabawi sayo.' pagpipilit ni Lola.

"La, alam mo naman ang sagot ko dyan diba? Pagbigyan mo na lang muna ako, gusto ko lang naman makasama pa si Amber ng matagal bago ako lumipat dito."

"Bakit kasi apo, ayaw mo pang sabihin kay Amber ang tungkol sa iyo? Bakit ayaw mo pang sabihin lahat ng gusto mong sabihin sa kanya?"

"Darating din po ang tamang panahon na masasabi ko din sa kanya ang lahat."

"Ikaw ang bahala apo. Ayaw ko lamang na maging huli na ang lahat at ikaw ay magsisi. Alam mo naman ang panahon, maaaring magbago."

"Opo, lola."

Matapos kong magpunta sa bahay ng aking Lola ay agad na rin naman akong nagbalik sa mansyon. Alam kong nag-aalala na marahil si Amber sa akin.. Hindi ko na rin matiis na hindi makita si Amber dahil tila nanunumbalik na muli ang aking itinagong pagtingin sa kanya. Lalo na at mas nagiging malapit na ulit kami sa isa't-isa. Ayaw ko ng pigilan pa ang sarili ko na muling mahulog dahil huli na para dito.

Bumaba na ako ng taxi at agad na nagtungo sa malaking gate. Bago ko pa man ito mabuksan ay may narinig akong tinig mula sa malayo. Isang tinig ng babaeng medyo pamilyar sa akin..

“Jacob! Huy!”

“Julie?” Ang isa sa mga kababata ko, na madalas ko ding kasama sa paglalakad galing eskwela, lalo na no’ng sinimulan kong ilayo ang sarili ko kay Amber.

"Namiss kita Jacob." Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang pagbukas na gate at iniluwa nito si Amber na nagmamadaling umalis. 

“Sorry, Julie ha. Kailangan ko nang umalis. Nice seeing you again.”

“Ha? Kakadating mo lang aalis ka na? Yayayain sana kita sa bahay may salo-salo lang dahil kakauwi ko lang galing abroad.”

“Hindi na, Julie. Salamat na lang. Importante ‘to e. Pasensya na.” Agad akong naglakad-takbo para mahabol si Amber. Mukhang galit siya. Bakit kaya? Nakita niya kaya kami ni Julie? Nakita niya kaya na niyakap ako?

Ano ka ba naman, Jacob. ‘Wag mo isipin na nagseselos si Amber. ‘Di ka magugustuhan ‘non. Pero paano kung nagselos nga? Kailangan kong magpaliwanag.

Hindi ko na matanaw si Amber, mukhang talagang nagmamadali nga siya. At wala siyang balak na magpahabol sa kahit na sino.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Alam ko naman kung saan ang destinasyon ni Amber. Isa lang naman ang lugar na pinupuntahan niya kapag galit siya o may tampo — sa Treehouse ng Park.

Aakyat na sana ako sa treehouse nang marinig kong hindi mag-isa si Amber. Mukhang may usapan sila ni Vernice na magkita sa treehouse. Mabuti naman at may kasama siya kung ganoon. Kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko. Pero mukhang may problema nga siyang kinakaharap dahil tila seryoso ang kanilang pinag-uusapan. 

Tumalikod ako at maglalakad na sana upang bumili ng makakain para sa dalawa nang tila narinig ko ang pangalan ko.

"Uso pa pala yung ganon? Akala ko boto siya kay Jacob bakit ibinibenta ka ni Tito sa iba?' boses iyon ni Vernice.

DARE TO LOVE ME (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon